Chapter 4: The Enemy

791 55 0
                                    

REGAN

Na-istatwa ako sa sobrang takot nang makita ang kapatid kong hawak ng isang sundalo.

Jusko! Anong gagawin ko?

Kapag may maling hakbang akong ginawa na hindi magustuhan ng sundalong 'to ay siguradong sasaktan n'ya ang kapatid ko.

"R-Rei," nanginginig ang labi kong tawag sa kanya.

"Kung hindi ako nagkakamali ay ikaw ang kapatid ng bubwit na 'to, tama ba?" tanong sa akin ng sundalo kaya tumango ako bilang sagot sa kanya. Sa sobrang takot ko ay umurong na ng tuluyan ang dila ko.

"Alam mo bang pinapatay namin ang mga pasaway na mga residente na hindi sumusunod sa batas? Kahit gaano ka pa kabata ay wala kaming pakialam dahil iyon ang misyon na ibinigay sa amin ng gobyerno...ang pumatay." Walang emosyong pahayag n'ya na nagpatigil sa akin sa paghinga.

Dahan-dahan akong lumuhod sa harap n'ya para magmakaawa. Wala na akong nakikitang ibang paraan kundi ang pakiusapan s'ya.

"P-Parang awa mo na h-huwag mong sasaktan ang kapatid ko. A-Ako na lang. Ako n-nalang ang saktan mo at huwag si Rei." Pagmamakaawa ko pero kaagad din akong napaangat ng tingin sa kanya nang marinig ko ang malakas n'yang paghalakhak.

Isang malakas na kamay ang humila sa kwelyo ko kaya mabilis akong napatayo mula sa pagkakaluhod. Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng mga luha ko dahil sa ginawa n'yang paghablot sa akin.

"Hindi lang ako ang sundalong magtatangkang patayin kayo kahit pakawalan ko kayo ngayon. Tandaan mo, pangalawa kami sa virus na pumapatay sa mga tao," mariing pahayag nito.

"Kakalimutan ko ang nangyari ngayon."

Ibinaba n'ya ang kapatid ko na wala man lang kamalay-malay sa nangyayari sa mga oras na 'to. Niyakap ko si Rei nang makalapit s'ya sa akin at hinalikan ang ulo n'ya.

"Ate, 'wag ka ng mag-cry."

"Kung ano man ang balak mong gawin ay ipinapahamak mo lang ang kapatid mo," dugtong n'ya bago s'ya maglakad palayo sa amin ni Rei.

Kung ganun ay ano ang dapat kong gawin?

Tama s'ya. Hindi lang s'ya ang sundalo sa Redmond City na maaari naming makabangga.

Mahigpit kong niyakap ang kapatid ko habang tahimik na umiiyak. Gusto kong protektahan si Rei pero paano ko gagawin 'yon kung wala akong laban sa mga katulad n'yang sundalo?

"ATE, nagugutom na ako." Hinila ni Rei ang kamay ko kaya ibinaba ko ang tingin ko sa kanya. Tumigil muna kami sa paglalakad at naupo sa tagong sulok sa gilid ng kalsada.

"Ano ang gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya habang hinahalungkat ang laman ng bag ko.

"Fried Chicken!" Magiliw n'yang sagot na mahina kong ikinatawa.

"Sorry, Rei pero wala kasing dala si ate na fried chicken. Cupcake at biscuit lang ang meron ako."

"Okay lang po."

Pinagmasdan ko lang ang kapatid ko habang masaya s'yang kumakain. Napakabata pa ni Rei para danasin ang malupit na mundong ito. Bilang kapatid n'ya ay ako ang nasasaktan para sa kanya. Hindi ko na hahayaang mangyari ulit ang nangyari kanina. Tutuparin ko ang ipinangako ko kay papa sa abot ng makakaya ko.

Pagkatapos naming kumain ay muli kaming naglakad ni Rei. Misyon namin na makaalis sa ciudad na 'to. Maswerte kami dahil walang gaanong mga sundalo na nagkalat sa lugar kaya malayo-layo rin ang natahak namin ni Rei.

DEADLOCK: Welcome to Redmond CityWhere stories live. Discover now