Chapter 9: The Gun

659 44 0
                                    

REGAN

"Sigurado ka bang ligtas na gumamit ng sasakyan?" tanong ko kay Harris habang abala s'ya sa pagkukumpuni ng kotse na pagmamay-ari ng isa sa mga pari na kilala ni Mervin.

"Kesa naman maglakad tayo baka abutin pa tayo ng katapusan ng mundo." Sarkastikong sagot n'ya.

Iisipin ko na lang na magiging ligtas kami sa sagot n'yang iyon. Since, ako rin naman ang nagpumilit na sumama s'ya sa amin ay pagkakatiwalaan ko na lang ang desisyon n'ya.

"Nagdadalawang-isip ka na ba?" tanong sa akin ni Harris kaya muling nabaling ang tingin ko sa kanya.

"Wala akong pinagsisisihan. Sa ngayon ay ikaw ang mas may alam kaya malaking tulong sa amin ang pagsama mo," sagot ko sa kanya.

Tumigil s'ya sa ginagawa n'ya at pinunasan ang grasa sa kamay n'ya. Mula sa backpack n'ya ay may kinuha s'yang isang revolver. Lumapit s'ya sa akin saka n'ya kinuha ang kamay ko at ipinatong sa palad ko ang baril n'ya.

"T-Teka, b-bakit mo ibinibigay sa akin 'to?" kabado kong tanong.

Ito ang unang beses na nakahawak ako ng baril kaya ninenerbyos ako. Oh God! Baka mamali ako ng hawak at maiputok ko 'to kung saan.

May bala kaya 'to?

"Kung gusto mong maprotektahan ang dal'wang bubwit na kasama mo ay dapat marunong kang gumamit ng baril at makipaglaban. Kung one-on-one combat ay paniguradong patay ka na pero kung gagamit ka ng baril baka may pag-asa ka pa."

"H-Hindi ako marunong gumamit ng baril," pag-amin ko. Kinuha n'ya ulit sa akin ang revolver at ipinakita sa akin ang tamang paghawak at paggamit 'nun.

"Load, aim and shoot. Parang ang dali lang kung gagawin pero sa paghawak at paggamit ng kahit anong uri ng baril, kailangan mo munang malaman ang mga safety measures bago ka sumabak," pahayag ni Harris.

Noon, ayos na sa akin na i-idolized ang mga babaing magagaling sa paggamit ng baril kahit sa mga pelikula lang pero ngayon ay mukhang may pagkakataon na akong matuto rin ng mga ginagawa ng idol ko katulad na lang ni Angelina Jolie at Shailene Woodley.

"Turuan mo akong gumamit ng baril, Harris," excited na pahayag ko.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa ko ngayon?" Pagsusungit nito na nagpawala sa ngiti ko. Sabi ko nga.

"Ito na nga makikinig na."

"Sa paggamit ng baril, iwasan mong itutok ito sa kung saan-saang direksyon kung ayaw mong may inosenteng tao ka na matamaan," panimula ni Harris.

Pinilit kong mag-focus at makinig sa mga sinasabi n'ya pero nadi-distract ako sa pawisan n'yang katawan na bumabakat sa puti n'yang v-neck shirt. Mas lalo s'yang gumagwapo sa paningin ko dahil sa wet look n'ya. Bakit kasi ang gwapo n'yang sundalo?!

Anyway, focus na tayo!

"Huwag mo rin ilalagay ang daliri mo sa trigger kung hindi ka pa ready na barilin ang target mo," dagdag n'ya habang ipinapakita sa akin ang tamang paghawak ng baril. "Ayaw mo naman sigurong aksidenting mabaril ang kapatid mo, di ba?" tanong n'ya.

"Huwag ka ngang magsalita ng gan'yan." suway ko sa kanya. Wala akong pakialam kung mas matanda s'ya sa akin.

Binuksan n'ya ang cylinder na pinaglalagyan ng mga bala. "Kung makikita mo, mayroong anim na chamber ang cylinder ng revolver. Sa anim na chamber na 'to ay anim na bala ang pwede mong i-load dito." Mula sa bulsa ni Harris ay may kinuha s'yang apat na bala at isa-isa n'ya iyong inilagay sa chamber ng revolver saka n'ya iyon isinara.

"Hawakan mo," utos n'ya sa akin kaya napalunok ako ng laway bigla. "Para masuportahan ang braso at kamay mo sa pressure ng pagbaril ay kailangan mong paghiwalayin ang mga hita mo para maiwasang mawala ka sa balanse. Ipantay mo ang paa mo sa lapad ang balikad mo," saad n'ya habang inaayos ang tindig ko. "Nakakalimutan mo atang loaded ng bala ang hawak mo," paalala n'ya sa akin.

Kaagad kong itinutok sa lupa ang bunganga ng baril. Nakakakaba naman 'to. Nakita ko ang pagbuntonghininga ni Harris habang dismayadong nakatitig sa akin.

"Hindi ba't sinabi kong 'wag mong ilalagay ang daliri mo sa trigger kung hindi ka pa handang umasinta!" asik n'ya kaya napaigtad ako sa sobrang gulat ng sigawan n'ya ako. Parang umurong bigla ang dila ko. Ang higpit naman magturo ng isang 'to.

Sabagay sundalo nga pala ang lalaking 'to.

"Aim. Kailangang tuwid ang mga siko mo at hindi nakatiklop habang inaasinta mo ang kalaban mo."

Ginawa ko ang sinabi n'ya. Iniangat ko ang kamay ko habang mahigpit na nakahawak sa baril.

Pero sino ang target ko?

Nagulat ako nang pumwesto sa harap ko si Harris para ayusin ang pagkakahawak ko sa baril. Nakatutok ngayon sa dibdib ni Harris ang bunganga ng baril kaya nanigas ako sa kinatatyuan ko habang namimilog ang mga mata kong nakatitig sa kanya.

"Para ma-hit mo ang target ng hindi pumapalya ay kailangan mong siguraduhing nasa tamang axis ka. Ito ang front sight at ito naman ang rear sight," pahayag n'ya habang itinuturo ang maliit na patalim sa dulong ibabaw na nguso ng baril at ang rear sight naman na tinatawag n'yang nasa ibabaw ng cylinder.

"Sinisigurado ng front sight na hindi tatama ang bala sa kaliwa at kanan ng target samantalang ang rear view naman ang magiging guide mo para hindi tumama ang bala sa taas at baba ng target. Ang bunga ng punong manggang iyon ang target mo."

"O-Okay," usal ko.

"Huminga ka nang malalim. Dahan-dahan mong ilagay ang daliri mo sa gatilyo at kapag handa ka na ay doon mo na kalabitin ang trigger."

Inasinta ko nang mabuti ang bunga ng punong mangga. Dahan-dahan ang ginawa kong paghinga habang pinapakiramdaman ng daliri ko ang trigger ng baril. Isang malakas na putok ang pinakawalan ng baril na halos bumingi sa akin. Bahagya akong napahakbang paatras pero naramdaman ko ang suporta ni Harris sa likuran ko para hindi ako matumba.

"Sa pagkakatanda ko ay wala akong sinabing pumikit ka!" sigaw n'ya na nagpaigtad ulit sa akin sa gulat.

Hindi ba 'sya pwedeng magturo ng hindi ako sinisigawan?

Mabilis akong napalingon sa kanya. "P-Pumikit ba ako?" Inosente kong tanong sa kanya. Pero imbis na sagutin ako ay sinamaan n'ya lang ako ng tingin bago maglakad papalapit sa kotseng inaayos n'ya.

Nang tingnan ko kung saan tumama ang balang pinakawalan ko ay nakita ko ang butas sa katawan ng puno.

Palpak!

"Kung steady target ay hirap ka na, paano pa kaya kapag gumagalaw na ang target mo?"

Ibig sabihin ay hindi lang puno ng mangga ang babarilin ko kundi tao na. Magiging mamamatay tao na ba ako?

Kung para kay Rei at Mervin ay hindi ako mag-aalangang gawin ang bagay na 'yon.

DEADLOCK: Welcome to Redmond CityWhere stories live. Discover now