HARRIS
"P*tangina! Pakawalan mo ako rito!" sigaw ko habang pilit na kumakawala mula sa mahigpit na pagkakatali sa akin sa poste.
"Babe, kahit magwala ka pa riyan at sumigaw ng paulit-ulit ay hindi ka na makakatakas sa akin," malanding pahayag ng babae habang hinahaplos ang dibdib ko.
Kung hindi ako nagkakamali ay Jenna ang pangalan n'ya. May itsura s'ya at sexy pero hindi nun mababago ang galit at pandidiring nararamdaman ko. Bukod sa ginawa n'yang paggapos sa akin ay hindi ko rin gusto ang sugat na nakikita ko sa leeg n'ya. Kahit may suot s'yang balabal ay hindi pa rin nun matatago ang mga ugat na nagsisilabasan sa maputi n'yang kutis.
"Masakit ba?" tanong n'ya habang hinahaplos ang pisngi ko at nakatitig sa labi ko na may sugat dahil sa ginawang pagbugbog sa akin kanina ng mga kasamahan n'ya. "Let me ease the pain," dagdag n'ya bago n'ya salakayin ng mapusok na halik ang labi ko.
Pinilit kong ilihis ang ulo ko para makaiwas sa kanya. Sa sobrang pagkainis ko ay iniuntog ko ang noo ko sa mukha n'ya. Hindi talaga ako nananakit ng babae pero kung kasing landi at sama n'ya ang kaharap ko ay kakalimutan ko na lang na babae s'ya.
Lumayo sa akin si Jenna habang sapu ang dumudugo n'yang ilong.
Dalawang kasamahan n'ya na lalaki ang lumapit sa amin. Katulad ni Jenna ay infected din sila ng virus.
"Tarantado ka!" sigaw ng lalaki na may sugat sa kanang mata. Para s'yang toro na sumugod sa akin saka n'ya ako binigyan ng mag-asawang suntok sa mukha.
"Tama na, Gerard! Ako na ang magpapatino sa kanya." Maawtoridad na saway sa kanya ni Jenna.
"Bakit kasi hindi na lang natin patayin ang sundalong 'yan? Sinasayang mo lang ang oras mo sa kanya," galit na galit na sigaw ni Gerard. Mapaghahalatang nagseselos sa akin ang hinayupak.
"Oo nga Jenna. Baka may mga kasamahan 'yan na naghahanap sa kanya. Delikado tayo kapag nagkataon," sabat naman ng isa pa nilang kasamahan.
"Pinapangunahan n'yo ba ako? Kaya nga pinapunta ko sina Jojo sa labas para i-check ang area, di ba? At isa pa, hindi nila alam kung anong pasabog ang meron tayo."
Anong pasabog naman kaya ang sinasabi ng babaing 'to?
Walang nagawa si Gerard at ang kasama n'ya kundi ang sundin ang utos ni Jenna na ilipat ako sa isang kwarto. Hindi ko alam kung bakit sila sunod-sunuran sa babaing 'yon.
Bwisit!
Magyoyosi lang dapat ako kanina ng bigla na lang akong atakihin ng mga tao ni Jenna kaya nandirito ako ngayon hawak nila. Sana lang ay hindi nila malaman na may iba pa akong kasamahan.
ISANG oras na ang lumipas ng ikulong nila ako sa kwartong pinagdalhan sa akin. Napaangat ako ng tingin ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa 'non ang isang babae na may maikling buhok bitbit ang isang tray na may lamang pagkain.
"Pagkain mo," mataray na saad ng babae.
"Tsk. Pakisabi sa malandi mong boss na wala s'yang mapapala sa akin."
"Ewan ko ba sa higad na 'yon at pinag-aaksayahan ka pa ng oras," pahayag nito. "S'ya nga pala, hindi ko inaasahang may mga bubwit kang kasama. Mga anak mo?" tanong ng maangas na babae.
Napakuyom ako ng kamao ng makita ang ngisi n'ya sa labi.
Sagad na sagad na ang pasensya ko sa kanila kaya pumikit na lang ako at hindi na pinansin ang kaharap ko.
"Mukhang hindi mo naman sila anak dahil parang wala kang pakialam sa kanila."
Kung hawak na nila ngayon si Rei at Mervin ay nasaan si Regan?
"Sa ngayon ay pinag-iisipan na ng higad ang gagawin s'ya sa mga batang kasama mo. Wala ka bang gagawin para iligtas sila?"
"Mukha bang maililigtas ko sila sa sitwasyon kong ito? Depende na lang kung may balak kang tulungan ako," saad ko habang nakikipagsukatan na ng tingin kanya. "Sa tingin ko kasi ay hindi ka naman kagaya ng mga kasamahan mo na sunod-sunuran sa babaing 'yon," dagdag ko pa.
"Pag-iisipan ko," nakangisi n'yang saad. "Kahit na kakapangdiri ang itsura ng pagkain ay nguyain mo, 'wag mong lulunukin bigla, mahirap na baka may makain ka na hindi naman dapat," dagdag n'ya bago tuluyang ibaba ang tray sa harap ko at maglakad palabas ng kwarto.
Napangisi ako dahil sa makahulugan n'yang sinabi. Gamit ang kutsara na nasa tray ay ginamit ko iyon para haluin ang lugaw na nasa mangko. Katulad ng inaasahan, isang susi ang nakita ko.
Nang makalabas sa kwarto ay naghanap ako ng armas na makakatulong sa akin para malabanan ang hindi lalagpas sa sampung demonyong nagkalat sa buong lugar.
Dinig ko ang ingay mula sa isang kwarto kung saan nagtitipon ang grupo pero ang mas umagaw ng pansin ko ay ang boses ni Melvin mula sa loob.
"Hoy! Ano ba! Pakawalan n'yo kami. Ang papangit n'yo na nga, ang papangit pa ng ugali n'yo!"
"Aba't! Kapag ako hindi nakapagtimpi sa'yo ay lalagariin ko talaga iyang dila mo kutong lupa!" Iritabling pahayag ng lalaki.
"Pikon ka pala eh! Pangit!"
"Panit!" Segunda naman ni Rei.
"Put*angina n'yo!" Galit na galit na sigaw ng lalaki.
Isang malakas na iyak ang narinig ko mula kay Melvin at Rei.
"Tama na nga 'yan Jojo. Pati bata pinapatulan mo," suway ng isa sa mga kasamahan nito.
Ilang mga yabag ang narinig ko na papalapit sa akin kaya mabilis akong nagtago sa katabing kwarto.
Nang buksan ko ang ilaw sa loob ng kwarto ay tumambad sa akin ang higit sa dalawampung mesa. Sa bawat mesa ay may mga katawan na nakabalot sa puting tela. Hindi lang 'yon, mayroon ding cold storage na sa tingin ko ay naglalaman pa ng mga bangkay.
Nang silipin ko ang isa sa mga bangkay ay nakita ko ang kalunos-lunos na itsura nito. Umalingasaw ang napakabahong amoy ng bangkay na nagpabaliktad sa sikmura ko.
Nang mailabas ang sama ng sikmura ko ay lumapit ako sa isang operating table kung saan nakalagay ang ilang mga surgical tools. Kinuha ko ang dalawang scalpel para gamiting armas.
Pwede na 'to. Makakapatay na ako gamit lang ang bagay na 'to.
Bago ko pa man mabuksan ang pinto ng kwartong kinalalagyan ko ay may nauna nang nagbukas nito mula sa labas. Mabilis akong nagtago sa likod ng pinto at inabangan ang taong papasok.
Nang makapasok s'ya ay kaagad kong tinakpan ang bibig n'ya at ginilipan ang leeg n'ya gamit ang scalpel na hawak ko. Kinuha ko ang baril mula sa bewang n'ya, ganun din ang iba n'ya pang gamit na pupwede kong mapakinabangan.
Napansin ko ang nakabenda n'yang tiyan kaya naman iniangat ko pa ng kaunti ang suot n'yang jacket. Infected din ng virus ang isang 'to. Mukhang lahat sila rito at infected.
YOU ARE READING
DEADLOCK: Welcome to Redmond City
Mystery / Thriller|C O M P L E T E D| Redmond City, ang ciudad na epicenter ng virus na kumitil at nagpapahirap sa maraming buhay ng mga inosenting tao. Dahil sa malupit na pangunguna ng mga sundalo ay napilitan ang magkapatid na sina Regan at Rei na lisanin at takas...