OBSESSIVE ACTS

3.7K 104 16
                                    

THE START.





Nasa kalagitnaan ng charity event ang Saint Richards National High School—Oras na para mag-perform ang mga senior high ng kanilang sayaw.

Grade 12- Kalabaw si Kyle Joseff Santiago—Ang strand niya ay GAS. Kulang kasi sa miyembro ang mga kaklase niya sa kanilang sayaw kaya wala siyang magawa kundi sumali dahil dagdag grades daw ito.

Nakasuot sila ngayon ng puting tshirt at jogging pants. Ang section lang nila ang hindi nag-effort magsuot ng kung ano-anong kolorete sa katawan. Andoon lang naman talaga sila para mag-perform at hindi makipag-competensya sa ibang section at strand.

Nasa harapan siya—Kinakabahan siya dahil hindi siya marunong sumayaw at matigas ang kanyang katawan. Paniguradong mapapahiya sa harap ng madla.

"OKAY! GIVE IT UP TO 12-KALABAW!"

Tuwang tuwa at naghihiyawan ang bawat studyante sa loob ng gymnasium. Napairap naman si Kyle sa mga hagikgik ng mga ito.

"Gago tong mga to ah, akala mo hindi 11-Uling at 12-Kambing yung section amps."

Gigil niyang iniisip—nagsimula na tumugtog ang kanilang sayaw.

'Tayo ayyy..
Mag otso-otso,
Mag otso-otso
Mag otso otso lang"

At nag-otso otso nga ang kawawang Kyle, hanggang sa pabilis ng pabilis ang tugtog at ganun din ang kanilang sayaw—tuwang tuwa naman ang mga tropa ng kawawang Kyle.

Kasama ang mga head teachers at principal—Nakaupo si Matteo sa gitna habang nakatitig sa batang Kyle, Maliit pa si Kyle noon pero Maputi na siya at patpatin kung titingnan.


Sa unang pagkakataon ay napangiti si Matteo habang pinapanood ang batang Kyle—Tatlong taon lang siguro ang agwat nilang dalawa, Si Matteo ay walang magawa kundi umattend sa pag iimbita sa kaniya ng paaralan. Bilang pasasalamat nadin sa kanyang donation na Fifty Million para sa bagong kagamitan at classroom na ipapatayo.

Mukha kasing na-impatso si Kyle pero ang cute nito kung titingnan—Kahit na mukha itong uod na nabudburan ng asin ay hindi maiwasan ni Matteo na mattract sa Binata.

Natapos na ang kanilang performance at sa unang pagkakataon ay nagka-eye to eye sila. Parang may boltaheng kuryente ang dumaloy sa Katawan ni Matteo habang inosenteng nakatingin sa kanya si Kyle.

Umalis na ang binata pero sinisugurado ni Matteo na hindi iyon ang huli nilang pagkikita—Kinausap niya ang mga head teachers tungkol sa bata at sinabi nila na ito daw ay pabalik balik ng grade kaya 22 years old na daw iyon at sa kabutihang palad ay gragraduate na daw ito.

Hindi siya makapaniwala na ang maliit at mukhang bata na binata ay bente-dos anyos na pala, fresh na fresh kasi kung titingnan si Kyle at hindi magpagkakamalan na Mas matanda na sa karimihan  sa mga studyante doon.

Araw araw niyang pinagmamasdan yon, at lagi siyang nagdodonate ng pera at mga kagamitan sa paaralan kaya tuwang tuwa ang mga teachers at principal—pero inutusan niya ang mga ito na alagaan ng mabuti ang kanyang kinahuhumalingan na si Kyle.

Sumangayon na lamang ang mga guro at tinuruan ng mabuti si Kyle na tipong—nag sspecial class ito kung sakaling di man naintindihan ang tinuturo sa kanya at iba pa.

Hanggang makagraduate si Kyle ay sinusundan niya parin ito—sa puntong pinadalhan narin niya ito ng regalo at pera upang may pangtustos sa kanyang mga pangagailangan. Binayaran din niya ang Landlady nito ng limang milyon para lamang hindi na nito singilin ang binata. Tuwang tuwa naman ito sa kanyang biyayang natanggap kaya maganda ang trato niya sa binata kumpara sa iba pang nagungupahan.

Obsessive Acts || ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon