DALAWAMPU'T WALO

2.7K 129 1
                                    


[KYLE]

Alas-siyete na ng gabi at andito kami sa Airport pa-byaheng Winchester/Atris. Andami kong nakikitang bumababa mula sa eroplano habang nakaupo ako dito sa isang bench habang katabi ko naman si Matteo na nakalingkis sakin.

Hindi parin namin nakikita yung babae na pinapasundo samin ni Maria. Hindi ko ito kilala at wala naman sinasabi sakin si Matteo kung sino siya.

"Babe! Omg!"

Napalingon ako at nakita ko ang matangkad na babae na naglalakad sa gawi namin, nakatingin siya samin ng may magandang ngiti. Ang ganda niya—sabi ko sa isip ko.

Napalingon naman si Matteo at sumenyas sa akin.

"That's her. Let's go."

Wika nito at tumayo—sumunod naman ako sa kanya at nilapitan ang babae na may magandang ngiti.

"Babe! Why you don't say Mabuhay like those flight attendant says, Why is there no welcome?"


Ani nito at naka-pout pa, Nagtataka ako kung bakit Babe ang tawag sa niya kay Matteo, Bakit? Anong meron sa kanila?



"Let's go already. Tsk."



Naiinis na sambit ni Matteo at hinatak ang maleta ni Summer, Sumunod naman siya sa amin at naglakad na din papunta sa sasakyan ni Matteo.


"Hello! You're Kyle, Right?"




Tawag nito sakin. Napalingon naman ako sa kanya at ngumiti ng tipid.

"Yup, That's Me."

Ani ko at sana ay di na niya ako kausapin pa dahil may nararamdaman akong hindi maganda sa kanya—kakaiba at nakakapagtaka kung titingnan siya, Para siyang model sa mga fashion show na napapanood ko.



Blonde yung buhok niya tapos kulay blue ang kanyang mga mata, Mas matangkad siya sa akin ng kaunti at sobrang sexy niya. Mas maganda pa nga siya kay—Celestine na hindi ko alam at wala akong balita sa kung anong nangyari sa kanya.


Hindi na ito nagsalita pa, Pumasok na kami sa kotse niya at doon siya pumwesto sa tabi ng driver seat kaya ako naman ay andito sa likod—katabi ang kanyang mga bagahe.

Hindi naman nagsalita si Matteo tungkol dito at nagmaneho na, Kwento ng kwento si Summer tungkol sa buhay niya don sa Atris, Hanggang sa..

"Babe, I really hate to stay there, Why don't we just get married already so I can stay here forever?"



Ani nito kay Matteo at nanlaki naman ang mga mata ko—Married? Mag-Fiancé ba sila ni Matteo? Anong meron?




"Summer, I'll think about it."

Sagot naman ni Matteo na mas lalo kong kinagulat—Napansin kong nakangiti siya habang nakatingin sa kalsada.

"Aww! Babe, Come on, Think about it already."

Nagmumukmok na wika ni Summer—Ako naman ay tila natulala, Hindi naman nila ako nakikita dito dahil sa dilim ng kalsada.

Ano to? Nasaan na ang I love you mo Matteo? Nasaan na yung pagiging obsessed mo sakin? Ganon ganon nalang ba? Ginagago mo nalang siguro ako.



——————



Obsessive Acts || ✔Where stories live. Discover now