TATLUMPU'T LIMA

2.8K 128 3
                                    


[KYLE]

"Kyle! Love!"

Napalingon ako at nanlaki naman ang mga mata ko, Matteo? Anong ginagawa niya dito?


Tumakbo siya palapit sakin at hinapit sa kanyang mga yakap—ramdam na ramdam kong basang basa siya dala ng ulan pero bakit? Bakit kailangan pa niya ako hanapin?

"Kyle—I'm sorry, please, I'm sorry"

Humahagulgol na sambit nito sakin—Nakatingin naman si Dr.Quack sa amin na may gulat na ekpresyon.



Hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya ng mariin. Ayoko siyang kausapin dahil ayoko na magbitaw pa ng masakit na salita.

"Please Love, I didn't mean to hurt you like that, Please."




Pagmamakaawa nito sa akin, Tangina parin niya, Ayoko na siyang makita pa, anong kapal ng mukha niya para iyakan ako ng ganito, Kung siya nga ay sinaktan ako ng sobra. Oo, sabihin niyo na na mababaw ako pero nasaktan ako—Para akong nadurog na paminta.

"You two—You should get inside since the wind is really cold. Mr. Please change your clothes."

Pagsabat ni Dr.Quack—Tinitigan naman siya ni Matteo at tumango na lamang, wala naman siyang choice eh. Baka palabasin siya dahil napaka-basa niya ngayon.


Susunod na sana ako kay Doctora Quack pero pinigilan naman ako ni Matteo.

"Where are you going? Do you have a room to stay in? Stay with me in my room, I'll sleep on the couch."


Ani nito sakin, pero di ako umimik at tinitigan lang siya. Ayoko magsalita, Ayoko siyang masaktan sa kung ano ang sasabihin ko sa kanya, Gusto ko muna kumalma.


"Kyle, you can stay with him for a while, I can't let you stay in my room eh."

Napatingin naman ako ng masama kay  Dr.Quack, Pwede naman ako sa sofa niya eh. Ano akala niya sakin? Grabe naman to.


"I'll book you a room, Love, Please, as long that you are comfortable."

Sambit ni Matteo, wala na akong magawa kundi tumango—Dinala naman niya ako sa receptionist at
Nag-rent nga siya ng room na malapit sa kanya, Binayaran niya ito at si Dr.Quack naman ay namaalam na upang magpahinga sa kanyang silid dahil daw nabasa rin siya kanina.


Andito nako sa tapat ng kwarto na inilaan niya sakin. Nakatingin siya sakin—tulad ng pagtingin niya noon sa akin. Puno ng pagmamahal, Puno ng paglalambing. Pero di na ako uto-uto.

"Kyle, Please, I will explain to you tommorow but rest for now, I love you."


Para akong pipi ng hinalikan niya ako sa noo at pisngi. Hindi na ako umangal dahil ayoko magsalita—Ayoko siyang kausapin dahil nga ayoko nga. Ano bang magagawa pa niya kung kelan ang bigat na ng loob ko? Sobrang bigat sa kalooban ko na itrato na ganon.

Tumango na lamang ako at pumasok na sa loob, sinara ko ang pintuan kahit andoon pa siya sa labas ng aking silid. Sumandal ako sa pinto at muling humagulgol.

Natatakot ako, Natatakot ako dahil ngayong buntis ako at hindi ko ito masabi kay Matteo. Natatakot ako para sa anak ko, Hindi ko na alam ang gagawin ko.




————————

Obsessive Acts || ✔Where stories live. Discover now