DALAWAMPU'T DALAWA

3.4K 142 14
                                    

•Uy! Gulat sila! Buhay pako mga kababayan, Nasa dulo ng kabanata nato ang rason bakit "on-hold" ito.


[KYLE]

Pumasok na kami sa loob at ako'y namangha sa aking nakita, para bang nasa anime ako dahil sa ganda nung kanilang bahay, Maraming figurines at Vase na naka-display dito.

"Stay here, I'll fetch Maria-Chan."

Ika ni Kaoru at pumunta sa isang malaking silid. Iba talaga ang buhay ng isang mayaman, Yung apartment ko ay kasing laki lang halos ng tambakan nila ng mga kagamitan. Nakakainggit pero, sino nga ba ako para magreklamo? Magpasalamat nalang sana ako sa kung anong meron ako.

"Love, What do you think about here?"

Napalingon ako kay Matteo na nakangiti sakin. Napatango ako dahil wala ako halos masabi sa pagka-mangha dito sa lugar nato, ibang iba to kumpara sa pilipinas.

"Oh, Love, Let's kiss na."

Matteo suddenly grab my chin and kissed me!—Chos, Napa-english tuloy ako ng di oras nung hinalikan niya ako ng biglaan.

Tulad ng halik niya sakin lagi, banayad lang ito. Tila ba ninanamnam ang magkadikit naming labi, Hanggang sa naging aggressive ang paghalik niya na tila mawawalan ako ng hininga.

"Oh my!"

Napabalikwas ako nang marinig ko ang tinis ng isang babae—Si Maria pala ito kasama ang kanyang asawa na si Kaoru na may bitbit na bata sa kanyang braso, mukhang apat na taon gulang palang to—di ako sigurado.

"Ma..Matteo, You're here, haha, how can we help you?"

Tila ninenerbyos na tanong ni Maria, aba, sino bang di kakabahan eh nakipag-tanan siya at ang alam ni Matteo ay nagtratrabaho o nagaaral pa siya sa america.

"Maria..I don't understand."

Wika ni Matteo na may bahid ng lungkot ang kanyang boses—Hinawakan ko ang kanyang palad at pinisil pisil ito para ipaalam na andito ako para sa kanya.

"Matteo, I—I love Kaoru as he also love me, I'm sorry that I've forgotten to tell you about our marriage and your nephew.."

May pagsusumano na banggit ni Maria, Napatungo nalang si Matteo pero narinig namin ang isang pagiyak ng bata.

"Waah!"

Iyak nung bata na bitbit ni Kaoru, Kinalong niya ito at hinimas ang likod nito habang ang bata ay patuloy parin sa pag-ngawa.

"Sshhh..Kaede, Kaede, Don't cry.."

Wika ni Kaoru sa lengwaheng hapon, Patuloy parin ang pag-hikbi nung bata, at ang madungis nitong mukha ay naka-ngudngod sa damit nito.

"Kaede-san, this is your uncle, Matteo."

Sambit ni Maria habang hinihimas ang buhok ng kanyang anak, ang gusto ko sabihin ay sana all.

Lumapit si Matteo sa kanila at hinawakan ang ulo ng humihikbing bata. Ang singkit na mata nito at nakatitig kay Matteo na puno ng kyuryosidad.

"He's gonna grow up as a fine young man."

Ika ni Matteo, Ako naman ay nakatayo lang doon. Pinapanood ang kanilang madamdaming pagtagpo at revelasyon na tila ba ako'y nanunuod ng tv.

Pero, Totoong buhay to. Di ako pwede nalang umupo o tumayo dito. Gusto ko din malaman ang obligasyon ni Matteo kung bakit niya ako dinala dito.

"Let's eat guys, I've cooked many dishes today."

Ani ni Maria at tumalikod na para pumunta sa kusina, Si Matteo ay mariin ang hawak sa aking kamay.

"Keep your promise love ah.."

He smiled and I can't help but gulped. Nakaka-kaba ang mangyayari mamaya.

———————

•Hello! Ang Tagal narin nung inupdate ko to.

Marami akong dahilan at una sa lahat ay nakalimutan ko ang takbo ng kwento nato, panster kasi ako mga kababayan kaya lahat to ay purong suprise para sa inyo at sa akin.

Busy ako para matuunan pansin ang kwento nato, though ang dami kong na-update na stories at completed. Gusto  ko maganda kalalabasan ng kwento nato.

Broken ako, Kabubura ko lang ng Messenger at Facebook ko para maka-alis sa ka-toxican nang ilang buwan o depende.

Iba ang impact sakin pag nabrobroken ako, Hindi ako papayag na happy happy ang mga karakter ko at ayoko madamay sila sa kadramahan ko.

Lubos akong nagpapasalamat dahil sa walang humpay na suporta niyo sa storyang to. Asahan niyo ang mga nakakapanindig balahibo na kabanata sa susunod!

Salamat at Kita kits,
Twisted.

Obsessive Acts || ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon