DALAWAMPU'T ANIM

3.1K 131 2
                                    

[KYLE]

"Love.."

Pagtawag sakin ni Matteo—Lumingon ako sa kanyang gawi at nakakunot ang noo nito. Nakasuot siya ng turtleneck na itim at fitted na pants—ang gwapo niya sa aking paningin.

Lumapit ito sakin upang lumingkis sa aking tabi—nakangiti naman si Maria habang nakatingin samin, umiinon parin siya ng tsaa.

"Kuya, Kelan ba kayo babalik sa Pilipinas?"

Tanong ni Maria—napataas naman ang kilay ni Matteo habang nakatitig sa kanyang kapatid. Nakakapagtaka naman at gusto na niya kami pauwiin.

"Pupunta sa Pilipinas si Summer, Hindi niya kasama si Raphael—walang susundo sa kanya sa airport."

Ani nito at ako naman ay nagtaka, sino si Summer? Bakit kailangan pa sunduin ni Matteo ng personal ito?

Napatango nalang si Matteo at hinalikan ako sa noo—napaigik naman ako sa kanyang ginawa at di ko maiwasang kiligin. Ano ba ito!


"Kaya ako sayo, Byumahe na kayo pabalik sa pilipinas, mamayang gabi ang landing ng flight niya galing Atris."


Ani nito—ang kanyang anak naman na si Kaede ay bumaba sa kanyang inuupuan at lumapit sakin.

"Hello Kaede."

Bati ko sa bata at may inabot naman ito sakin—isang keychain nang pusa na kulay orange.

"Ah—Ah, For me? Thank you.."

Pasasalamat ko dito at pinisil ang matambok niyang pisngi—kahit gaano katahimik si Kaede ay mabait at malambing ito.

"Alright, We're leaving in twenty minutes then."

Ani nito at humarap sakin—Hinawakan niya ang aking mga kamay at hinalikan ang tuktok nito—feeling ko ay namumula ako sa kilig tuwing nilalambing niya ako, ano ba naman ito!





Namaalam na kami sa kanila at kumakaway naman si Maria at Kaede habang nakangiti lang samin si Kaoru. Sumakay na kami ni Matteo sa kanyang Van at umalis na pabalik sa airport.

Grabe—parang, parang gumawa lang kami ng milagro sa japan, tapos yun na. Di man lang ako nakapag-gala, sayang naman.

"It's okay, We're going back here soon."


Sabi ng aking katabi habang nakayakap sa aking tagiliran. Sobrang lambing niya naman ngayon.

Aminin man o hindi pero—na-iinlove na ako sa kanya, nakakahiya man at ayoko aminin na napamahal na ako sa kanya. Sana—manatiling mahal niya parin ako dahil kung hindi na, paano na ako? Kawawa naman ako.


Lalo na at nag-I love you too narin ako sa kanya—thankful ako at hindi pa niya ako hinaharot sa pag-sabi ko non dahil tatalon ako sa eroplano, panigurado.




What's matter for now that— He's still the same, the man that loves me even though—I thought that he already have his ways with me.



I just hope for the good days to continue.




———————




Obsessive Acts || ✔Where stories live. Discover now