TATLUMPU'T TATLO

2.9K 139 18
                                    


Punong puno ng pag-aalala si Matteo habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan—Gusto niya makausap si Kyle, Gusto niya sabihin ang kanyang pinagplaplanuhang proposal para dito kaya di niya pinapansin ang kanyang minamahal.

Para siyang nasaksak ng paulit ulit tuwing naalala niya ang pagmumura sa kanya ng kanyang mahal, Para siyang masisiraan ng bait kung hindi niya mahahanap ang binata.

Pinsan niya si Summer—Summer Santíre, Ang kapatid ng kanyang pinsan na si Raphael Santíre, Nililibang niya ang dalaga sapagkat tumakas lang ito para magbakasyon dahil pino-poblema din nito ang mental health ng kanyang Kuya.

Dala ng kanyang stress ay nakapag bitaw siya ng salita na hindi niya plano sabihin—nagsisisi siya sa kanyang ginawa. Gusto niya hampasin ang kanyang sarili ng martilyo o barilin ang kanyang sentido.

Hinahanap niya si Kyle kung saan-saan, byumahe narin siya sa parañaque at hinanap ito sa kanyang apartment pero nakasalubong niya ang Ate nito na nagbabantay sa kanyang Lola at sinabi na hindi pumunta si Kyle dito.

Nagaalala siya—Umuulan pa man din at baka magkasakit muli ito. Ang dami niyang kasalanan na kailangan niya pagbayaran. Sising sisi siya sa kanyang nagawa.

Walang nakakaalam pero dinispatsa niya na ang babae na si Celestine—Dinala niya ito sa kanyang silid at walang pagdadalawang isip na binaril sa sentido. Alam naman ni Summer ang ugali nito kaya tinulungan siya nito na ibalot ang bangkay ng babae at tinapon kung saan.

Gusto na niya matapos lahat ng pagdurusa na ito at igugol ang oras kasama ni Kyle—kung saan mag lolove-making sila sa bawat sulok ng kanyang bahay at papakasalan niya ito sa ibang bansa.

Pero nasira lahat ng ito dahil sa pagiging insesitibo niya, Sana naman ay sinabi niya si Summer ay kanyang pinsan at sadyang malambing lang ang dalaga.

Nagbibiruan lang silang magpinsan nung binanggit niya na pagiisipan niyang pakasalan ito. Ang puso niya ay tanging na kay Kyle lamang, Wala nang iba.

Halos gabi na at gusto na niya sumabog sa takot at pag-aalala, Gusto niya ipatrack-down si Kyle para hindi na siya mangamba pa pero wala itong dala nung tumakbo ito paalis sa subdivision.

"I love you so much Kyle, I'm sorry but I won't let you go anywhere."

Singhap ni Matteo habang ginagala ang buong lugar ng manila, upang mahanap ang kanyang minamahal.


——————

Obsessive Acts || ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon