DALAWAMPU'T SIYAM

2.6K 127 10
                                    

[KYLE]

Tatlong linggo ang lumipas at para bang wala kaming pansinan ni Matteo, Busy siya sa pag-tratrabaho at pag eentertain kay Summer, Habang ako naman ay ginagawa ko ang tungkulin ko bilang—Kasambahay niya. Diba, Ganon naman talaga ang trabaho ko dito?


Habang nagwawalis ako dito sa kanilang bakuran ay biglang sumulpot si Summer at kasama niya si Matteo—Nakalingkis si Summer sa braso ni Matteo habang si Matteo naman ay tumatawa sa kung anong pinaguusapan.


Hindi ko sila pinansin at pinagpatuloy ang aking pagwawalis—Tila ba nawawarak ang kawawa kong puso, Hindi ko maintindihan kung bakit.

At sa loob ng tatlong linggo ay nagsusuka ako tuwing umaga, Nanghihina ako at daig ko pa ang babae na buntis. Hindi ko naman sinasabi kay Matteo ang tungkol dito at ayoko naman na maabala ko siya.


Hindi nila ako napansin nang dumaan sila sa gawi ko. Basta ako ay nakatungo lang at tuloy lang sa pagwawalis hanggang sa matapos ako dito at itinapon ang aking mga nadakot sa basurahan.




Hapon na at wala parin kaming paguusap ni Matteo, Gusto ko siya kausapin pero parang may naguudyok sa akin na wag. Pero gusto ko talaga siya makausap.


Kumatok ako sa kanyang opisina at narinig ko ang pagsabi niya ng pasok—tinulak ko naman ang pinto at unti unting pumasok.

"Kyle, How can I help you?"

Ani nito habang nakatingin sa kanyang computer at busy sa kaka-type sakin. Kyle na pala ha? Nasaan na yung Love niya? Ano na? Gaguhan lang ba lahat ng iyon?

"Matteo, may sasabihin sana ako."

Wika ko—Lumingon naman ito sa aking gawi na puno ng pagtataka ang mukha.

"Gusto ko na mag-retiro."

Nanlaki naman ang kanyang mga mata at tila di makapaniwala sa kanyang narinig. Ako din naman dahil hindi iyon ang plano kong sabihin. Ibang iba at sobrang layo sa plano ko sabihin. Pero ano magagawa ko? Instinct ko na ang nagsabi.

"Why? Is there any problem Love? Tell me."

Tumayo siya at lumapit sa aking gawi, hinawakan niya ang aking balikat at hinawi ang pawisin kong ulo.

"I—I don't feel comfortable working here kasi, uhm, I just wanted to work for another job."

Sabi ko na may pagka-ilang. Naiilang na ako at hindi ko maintindihan kung bakit.


"What job do you need? I can give it to you."

Pagsusumano nito sakin—Tangina ka Matteo, Wag mo'ko pinagloloko.

"Wala sir, Gusto ko na muna magpakalayo-layo."

Pagpapatuloy ko, Sana maintindihan niya na ayoko na dito kung ganyan ang itratrato niya sakin.

"I'll give you one week to think, Kyle, Please, Don't leave me."

Sambit nito na puno ng pagmamakaawa. Ako naman ay gusto tumawa sa kanyang biro. Ano akala niya sa akin? Uto-Uto? Papakasalan pa nga niya si Summer eh, Pakshet siya.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Gusto ko siya yakapin pabalik pero hindi ko magawa. Nanghihina na ako sa ganitong sitwasyon.


Ano na Matteo? Ano ba gusto mo? May Summer kana eh, Eh ako? Sino ang andiyan para sa akin? Sa iyo lang umikot ang mundo ko, wala nang iba.


——————











Obsessive Acts || ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon