CHAPTER NINETEEN: Split Away

14 2 0
                                    


Ang bilis ng panahon. Next week na ang graduation. Kaya dumalo ako sa graduation rehearsal ngayon.

"Hanep! Parang kailan lang freshmen pa tayo. Kita mo naman, next week ay graduation na tapos magtatrabaho na tayo." saad ni Emmanuel. Tama nga naman, dati halos chill lang kami tapos ngayon ang dami ng responsibilidad na naghihintay.

Break time muna kaya nandito kami sa tambayan dito sa cafeteria.

"At akalain mo yun, bago grumaduate ay nagkaroon na ng girlfriend ang ating bunso." natatawang sabi ni Dan.

"Hater siya ng mga girlfriend natin pero nainlove din siya sa matanda sa kaniya." hirit naman ni Aj. Natawa nalang ako sa mga sinasabi nila. Totoo naman kasi, I became the bashers of their girlfriends tapos ngayon close ko na ang mga jowa nila. Funny, right?

Sa apartment na ako dumiretso after nung rehearsal. Hindi muna ako pumupunta sa bahay nila Rain dahil nitong mga nakaraang araw ay masyado siyang weird. Kapag kinakausap ko siya, tango lang ang sagot niya. Parang ayaw niya akong kausapin. Hindi naman siya nagsusungit pero mababakas sa mukha niya na nabobored siya kapag kausap niya ako.

Tinotopak siguro yun. Kaya, bibigyan ko muna siya ng space. Baka masyado lang siyang nagulat sa mga nangyayari sa buhay niya. Pero siyempre, bibisitahin ko din siya sa mga susunod na araw dahil ayaw ko naman na sumapit yung graduation na hindi kami okay.

Kumain lang ako ng noodles tapos nahiga na sa kama. Kinaumagahan, nagising ako dahil tumunog yung cellphone ko na nasa mesang katabi ng kama ko. Tinignan ko kung sino yung nagtext at napabangon ako nang makitang si Rain ang nagtext. Excited kong binuksan yung text niya pero napabuntong hininga nalang ako nang mabasa ko ito.

From: My Sunshine, Rain
Sorry for being cold these past few days. Pero pwede bang huwag muna tayog magkita this week? But, I'll promise to be there on your graduation dahil surely present ang family ko sa paparating mong graduation kaya dapat lang na nandoon din ako. Ayown lang! See you next week:)

Hindi ba niya ako namimiss? Kasi ako, sobra. Sobrang miss ko na siya.

To: My Sunshine, Rain
If you still need enough space, I'll give you that. Pero sana mag-usap na tayo next week, okay?

Ilang minuto akong naghintay sa reply niya pero wala. Nakatext naman siya kanina kaya tiyak na may load yun pero hindi na nakapagreply pa. Hay naku!

Hindi ko na nagugustuhan ang mga nangyayari. Pakiramdam ko may mali.

Never siyang nagparamdam hanggang sa sumapit ang graduation. Wala siya. Akala ko ba pupunta siya? Ano bang nangyayari sa kaniya? She promised me that she will come, pero wala siya. Siguro, promise is meant to be broken talaga.

Sila Tita Angelica at Tito Marc lang yung nandito. Si Angelo at Allea naman ay busy dahil ginagawa yung bahay nila kaya nandoon sila dahil sobrang focus sila sa dream house nila.

Pagkatapos ng graduation ay dumiretso na kami sa bahay ni Tita Fatima kasama ng mga barkada ko at sila Tita Angelica at Tito Marc. Ipinasok ko na sa isip ko na ibibigay ko na ang bahay na ito kay Tita Fatima. This is the home of my Parents and I will always cherish this till my last breath. Alam ko namang iingatan ni Tita itong bahay na ito. Pero, malay natin dito rin ako tumira.

Sinabi ni Tita Angelica na on the way na daw si Rain. May inasikaso daw kasi kaya hindi siya nakapunta sa mismong graduation ko.

Pagkadating na pagkadating ni Rain ay pumunta na kami sa dining room.
Isang simpleng dinner lang ang nangyari. Hindi ko nakatabi si Rain kasi si Tita Angelica yung katabi niya. Pagkatapos naming kumain ay sinenyasan niya ako na pumunta sa labas kaya pumunta kami sa may garden. Umupo kaming dalawa sa may bench pero may distansiya.

I Fell Inlove with the RainWhere stories live. Discover now