CHAPTER EIGHTEEN: Special Occasions

4 2 0
                                    

Dedicated to MsFrancee

SPG ALERT!

Josh Chan

Mabilis na sumapit ang buwan ng pebrero. Inaabangan na ng mga taong may kasintahan ang araw ng mga puso. Dati, masyado akong allergic sa Valentines. Pero ngayon, hindi na ako makapaghintay na sumapit ang araw na iyon.

Simple lang yung effort na gagawin ko. Hindi din naman kasi materialistic si Rain. Sapat na yung bigyan ko siya ng simpleng regalo.

Sa kanila Tita Angelica na permanenteng naninirahan si Rain at masaya ako na close na siya sa pamilya niya.

February 12 na ngayon at bukas na ang kasal ni Angelo at Allea kaya naman busy ang pamilya Pineda sa pag-aasikaso para sa ceremony at party bukas.

Pagkatapos ng klase ko ay sa kanila Angelo na ako dumiretso. Nagseset-up na ng tables and chairs ang team ng organizer pagkadaan ko sa garden. Dito kasi sa garden ang reception pagkatapos ng kasal. Akalain mo nga naman, ikakasal na ang tagapayo kong kaibigan.

Pumunta muna ako sa kwarto namin ni Rain para ilagay itong bag ko tapos nagbihis muna ako.

Pagkababa ko, dumiretso ako sa kusina at naabutan kong nagbibake si Tita Angelica ng cakes and cupcakes tapos tinutulungan naman siya ni Rain. Nagmano lang ako kay Tita Angelica tapos hinalikan ko si Rain sa pisngi saka ako pumunta ng garden. Tinulungan ko si Angelo sa pagset-up ng speaker at mga ilaw.

Si Allea at Lyca naman ay busy sa pagdedesign sa may stage. Bukas ng gabi ang kasal kaya bukas pa ng umaga namin aayusin yung mga susuotin namin. Naghire sila ng famous designer kaya siguradong sosyal ang mga tuxedo at gown na isusuot ng mga kasali sa entourage.

Alas siyete na ng gabi nung matapos namin ang pag-aayos sa garden. Nagkaroon kami ng salo salo sa dining area at pagkatapos nun ay nagdesisyon ng magpahinga.

Kinaumagahan, maagang gumising ang lahat. Dumiretso kaming lahat sa baba dahil dumating na si Tita Vivian, yung sikat na fashion designer na kaibigan ni Tita Angelica.

Binigay niya sa amin ang kani-kaniya naming isusuot para sa kasal mamayamg gabi. Nagsidatingan na rin ang mga taong parte sa entourage para kunin yung isusuot nila.

Lumapit sa akin si April, kasama niya si LL. Siya sana ang Bridesmaid pero nag-insist siya na si Rain nalang lalo na't ako ang Best Man.

Hinalikan ako ni April sa pisngi tapos nagshakehands naman kami ni LL. Hinahanap nila si Rain pero sinabi kong nasa kwarto pa kaya nag-excuse na sila para kunin yung susuotin nila. Abay rin kasi silang dalawa.

Sa totoo lang, medyo weird si Rain nitong mga nakaraang araw. Dati, kahit naman nandoon ako sa kwarto ay nagbibihis pa rin siya pero ngayon pinauna na niya ako rito para lang makapagbihis siya. Hindi naman siya conservative dati. At saka wala naman na siyang dapat itago, kasi nakita ko na yung mga tinatago niya 'no? Yun nga lang hindi ko na rin matandaan kasi lasing naman kami noong may nangyari sa amin at medyo matagal tagal na rin yun. Napailing nalang ako sa mga naiisip ko.

"Love, ang ganda ng motif ng kasal nila Angelo ano?" Saad ni Rain habang papalapit siya sa akin. Ngumiti lang ako saka tumango. Color pink and blue ang motif ng kasal. Paboritong kulay kasi ni Allea ang pink tapos blue naman ang paborito ni Angelo kaya kulay blue ang tuxedo at amerikana naming mga kalalakihan tapos yung mga gown naman ng mga kababaihan ay kulay pink.

Yung design naman sa reception ay kulay pink at blue din.

Nang makalapit si Rain sa akin ay niyakap ko siya ng mahigpit. Namiss ko ng sobra ang babaeng ito. Pwede pala yun ano? Yung kahit lagi mong kasama yung taong mahal mo, mapahiwalay ka lang ng ilang segundo, minuto, o oras ay bigla bigla mo nalang mamimiss yung taong yun.

I Fell Inlove with the RainWhere stories live. Discover now