CHAPTER SEVENTEEN: Travel

8 2 0
                                    

Josh Chan

Nag-extend ako sa pagstay dito sa Hospital dahil binigyan ko ng isang linggong bakasyon si Manang Nelly para naman makasama niya ang pamilya niya. Bukas pa siya makakabalik dito. Bukas na rin ang bisperas ng bagong taon.

Naintindihan naman ni Rain ang sitwasyon ko at ang ipinangako ko naman sa kaniya ay babawi ako sa susunod na araw, para sa new year. Gusto ko siyang dalhin sa pinakapaborito kong lugar noong bata pa ako. Naayos ko naman na ang lahat para makapagtravel kami. Private Airplane yung gagamitin namin sa magiging flight namin. Tinulungan ako ng secretary ni Tita Fatima sa pag-asikaso. Gusto din kasi ni Tita na makapagbonding kami. Regalo na daw niya iyon sa pag-aalaga ko sa kaniya.

Kinaumagahan, nagising ako dahil sa naramdaman ko na may kumalabit sa akin. Kinusot ko pa ang mga mata ko.

"Manang Nelly. Ang aga naman po ninyo."

"Siyempre may flight pa kayo kaya kailangan na ninyong umalis. Ako na muna ang bahala kay Madam." Agad akong tumayo saka naghilamos sa may sink. Anong oras na ba? Alas sais na pala.

Alas otso nga pala yung flight namin ni Rain, Angelo at Allea. Hindi pa pala namin nasasabi ni Angelo sa kanila na magta-travel kami. Okay lang naman yun kasi sigurado akong nakapag-ayos na sila. Sinabihan ko kasi si Angelo na sabihan si Rain na mag-impake without telling my plan. Kasama namin si Angelo at Allea na magta-travel dahil doon balak magpropose ni Angelo kay Allea.

Si Allea kasi yung tipo ng tao na mas feel ang surprise kapag walang masyadong tao that's why kami lang ni Rain ang makakawitness ng sweetness nila.

Hindi sasama si Lyca sa amin dahil ayon kay Angelo ayaw daw niyang masira ang lovelife ng mga kapatid niya. Iba na talaga si Lyca. She changed so fast.

Alam ni Tito Marc at Tita Angelica ang mga balak namin and they let us to be happy. Maging sa side ni Allea ay ipinaalam siya ni Angelo at naiintindihan naman daw nila ang plano ni Angelo. Pero magkakaroon pa rin ata ng Engagement Party after ng proposal.

Umuwi muna ako sa aparment at kumuha ng mga importanteng gamit. 3 days din kasi kami sa Tokyo. Tokyo, Japan ang comfort zone ko. Ito ang pinakapaborito kong lugar noong bata pa ako. Naikwento sa akin ni Tita Angelica na tuwing new year daw ay nagpupunta kami ng pamilya ko sa japan kasama sila. Kaya masaya talaga ang Childhood ko dahil kahit laging wala ang Parents ko ay gumagawa naman sila ng paraan para bumawi sa akin at iyon nga ang ipasyal ako sa Japan.

Pumunta na ako kila Angelo. Bumusina lang ako. Dito ko nalang sila hihintayin sa labas. Lumabas mula sa loob sina Rain, Allea, at Angelo.

Kahit mukhang nag-aalangan ang itsura ni Rain ay sa tabi ko siya umupo. Sa backseat naman umupo yung dalawa.

"Anong trip ninyo? Magbabakasyon tayo ng hindi kasama ang buong pamilya?" mataray na tanong ni Allea.

"Adult na tayo kaya let us experience our life to the fullest." sagot naman ni Angelo.

"Tss." Allea hissed. Tahimik lang si Rain kaya tinignan ko siya.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ko.

"Sabi mo kasi nun dadalhin mo ako sa favorite place mo, nacu-curious lang ako kung saan ba yun. Malayo ba?" Ngiti lang ang naging sagot ko.

'Ilang oras lang ang magiging biyahe kaya malapit lang ang Japan' bulong ko sa isipan ko.

Sobrang excited ako sa mga mangyayari. Sasalubungin namin ang bagong taon kasama ang espesyal na babae sa buhay namin. This is the best life. Legit!!! This is amazing.

Ipinark ko yung sasakyan sa parking lot ng NAIA. Hindi naman ito mananakaw dito kaya iiwan lang namin itong sasakyan dito.

Pumunta na kami sa loob and then umupo kami sa waiting area. Alas siyete y media palang kasi.

I Fell Inlove with the RainWhere stories live. Discover now