CHAPTER NINE: Closure

22 6 3
                                    

Rain's POV

Maga-anim na buwan pa lang ang nakalilipas simula nung namatay si Franklin, pero yung sakit at kirot nandito pa rin sa puso ko. Na sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, laging siya ang nakikita ko. Patuloy niya akong dinadalaw sa mga panaginip ko.

Hindi ko kayang lokohin ang sarili ko kaya alam kong nagugustuhan ko na din si Mr. Chan. Pero, hindi pa ito ang tamang panahon para sa amin. Masyado pang komplikado. Kailangan ko munang ayusin ang buhay ko. Naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko.

Gustong gusto ko na siyang layuan at iwasan, ngunit sa tuwing gagawin ko iyon pinapakita naman niya kung gaano siya kabuting tao kaya wala akong ibang magawa kundi bigyan na lamang siya ng pagkakataong makapasok sa buhay ko.

Noong may nangyari sa amin, gusto kong sabihin na wala akong pinagsisisihan kasi espesyal siya sa puso ko. Pero mas pinili kong saktan ang damdamin niya dahil ayaw kong maging padalos dalos sa nararamdaman ko.

At saka, masyado naman ata akong mabilis magmove-on. Almost six months pa lang noong namatay si Franklin kaya marapat lang na hindi muna ako magmahal ng iba.

Pero hindi ko naman ginustong mawala ang taong mahal ko, nagkataon lang siguro na kinailangan niyang ibuwis ang buhay niya para sa amin.

He's a survivor of cancer and yeah his illness back but he didn't die because of it, he died just to save us.

Akala ng ibang tao ay namatay siya sa sakit na cancer pero alam ko at alam ng pamilya niya na namatay siya dahil niligtas niya kami.

Hindi ko namalayang napaiyak na naman ako. Hinawakan ko ang lapida kung saan nakasulat ang pangalan ng taong isinalba ni Franklin at isa sa dahilan ng kaniyang kasawian. Nandito ako sa kanilang puntod.

"France Reign" basa ko sa pangalan ng lapidang katabi ng puntod ni Franklin.

"Nandito ka din pala. Buti naman at binisita mo ang kapatid ko." tumabi si Bernadette sa akin saka niya inilagay ang bulaklak sa lapida ni Franklin at pinasadahan lang ng tingin ang lapida ni France.

"Nakakapanghinayang na nawala rin yung taong prinotektahan ng kapatid ko." madiin niyang wika. Napayuko ako. "I'm sorry."

"You've been so hurt and felt frustrated that time kaya wala kang kasalanan. Nakarinig ka ng mga masasakit na salita galing sa pamilya namin, at labis kang nalungkot. Hanggang sa napabayaan mo na ang sarili mo. I'm sorry." iniangat ko ang ulo ko at napatingin sa kaniya. She's also crying.

"I hope mapatawad mo ako. Sana naging matapang ako noong mga panahong yun para may naging karamay ka. Pero isa pa ako sa nakapagbigay ng sama ng loob sa iyo. Whenever I see you that time, sobra kasi yung pagkagalit ko sayo to the point na sinasabi ng isip ko na ikaw ang dahilan kaya namatay ang kaisa isang kapatid ko. But, I realized na mali ako. Who am I to blame someone who protected by my brother at all cost?"

"I want you to get mad at me right now because I don't deserve to be protected. Milyong beses niya akong pinaglaban pero nagawa ko pa rin siyang layuan at ipagtulakan."

"That's because you just did what my Parents wanted you to do."

"And I hate myself for hurting him. Kung alam ko lang na iyon na pala ang huling beses na masisilayan ko siyang buhay na buhay, sana pinaramdam ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal."

"If we will bring that past in our present, hindi talaga tayo makakapag move forward. That's why I'm asking you to forget what happened and live with the present. Kailanman ay hindi nagbago ang respeto at pagmamahal ko sa iyo bilang kaibigan. I hope you can forgive me and let us be friends...again" napangiti naman ako sa kaniya, "Kahit kailan hindi friends ang turing ko sa iyo..." nakita kong kumunot ang noo niya kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita, "Kasi mananatili kang bestfriend ko kahit ano pa ang mangyari."

I Fell Inlove with the RainWhere stories live. Discover now