CHAPTER TWELVE: Sympathy

10 4 1
                                    

Josh POV


Nagising ako dahil sa pagring ng cellphone ko. Si Loisa ang tumatawag. Ano kayang problema?

"Hello?"

[Wala na si Tita Sora.] nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko.

"Kumusta si Rain? Nasaan siya?" yun agad ang itinanong ko. Alam ko kasi na mahirap para sa kaniya ito. Nawalan na din ako ng magulang kaya alam ko ang pinagdaraanan niya.

[Nakaburol na si Tita Sora dito sa bahay nila. Pumunta ka nalang dito kapag hindi ka busy. Iyak kasi ng iyak si Rain at hindi mapatahan.]

"Sige, bago ako pumunta sa school dadaan muna ako diyan."

[Sige, salamat.] she said and then ended the call.

Bumangon na agad ako para maligo at mag-ayos. Pagkatapos kong maibutones ang polo ko ay kinuha ko na agad ang bag ko. Inilock ko muna ang pintuan ng apartment saka ako sumakay ng kotse para paandarin ang sasakyan ko. Ipinark ko muna ang kotse sa gilid ng kalsada saka ako lumabas para ilock ang gate. Bumalik na ako sa kotse saka nagmaneho. Ilang minuto lang ay ipinark ko na ang kotse sa may kanto at naglakad na ako sa may papasok papunta sa bahay nila.

Konti palang ang tao. Pumasok agad ako sa loob at sa may sala nakaburol si Tita Sora. Nakaupo si Rain sa tabi ng kabaong ni Tita Sora. Katabi niya si Loisa at nakayakap lang si Loisa sa kaniya dahil iyak pa rin siya ng iyak.

Nang makita ako ni Loisa ay kumawala na siya sa pagkakayakap kay Rain saka tumayo at sinenyasan akong maupo sa tabi ni Rain. Tumango lang ako. Tumabi na ako kay Rain tapos isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko habang tinapik tapik ko ang braso niya.

"I know that it's hard for you to accept that Tita Sora will never go back again. But, I just want to say that I'm always here for you." I whispered. Pinunasan niya ang mga luha niya saka ako niyakap ng mahigpit.

"I don't want to cry again but I can't stop it." iniharap ko siya sa akin. Hinalikan ko ang mga mata niya at pagkatapos ay tipid akong ngumiti.

"Alam kong malungkot si Tita Sora na nakikita kang umiiyak kaya tama na muna ha? Ipahinga mo muna yang mga mata mo. Wala ka pa atang tulog." namumugto kasi yung mata niya kaya siguradong magdamag siyang umiyak.

"Sabagay kahit na umiyak pa ako ng dugo dito hindi na babalik pa ang Mama ko. I miss her so much." hinalikan ko ang noo niya at muli siyang niyakap. Sa mga oras na ito, gusto ko lang na maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.

"Hala! Basang basa ka na ng luha ko. Pupunta ka pang School, diba?" tipid lang akong ngumiti at muli ko siyang iniharap sa akin saka diretsong tinignan.

"I will always be here by your side, okay? I will not let you to be alone. I'm willing to get wet just to save you from drowning." seryosong sambit ko. Napangiti naman siya. Damn! Finally, I saw that genuine smile again. "Gaya gaya ka ng lines, huh?" pinisil niya ang magkabilang pisngi ko tapos tinaasan niya ako ng kilay.

"Seryoso ako. Handa akong mabasa basta't pagkatapos nito ay maging okay ka na. Alam ko ang nararamdaman mo at alam kong hindi ito madali para sa iyo, pero gusto ko lang ding sabihin na kahit anong mangyari never kang mag-iisa kasi mananatili si Tita Sora sa piling mo para gabayan at bantayan ka." binitawan na niya ang pisngi ko at diretso niya akong tinitigan.

"Sinong nagturo sa'yong mag-advuice, huh?" natatawang tanong niya.

"Si Angelo. Legend yun sa words of wisdom." sagot ko. Muling napalitan ng lungkot yung mukha niya. "Sa totoo lang nahihirapan akong tanggapin na wala na si Mama..." agad niyang pinunasan ang mga luhang nagsilaglagan, "Ayaw ko ng umiyak. Ayaw kong maging iyakin. Pero alam kong normal lang ito. At alam ko ring magiging okay din ako. Pero habang hindi pa ako okay,  huwag mo akong iiwan ha? Sa iyo kasi ako humuhugot ng lakas ngayon."

I Fell Inlove with the RainWhere stories live. Discover now