CHAPTER SIXTEEN: Together

9 3 3
                                    

Josh Chan

Christmas Vacation na namin kaya nagkaroon ako ng maraming oras sa pagbabantay kay Tita Fatima. Pinagstay ko muna kasi siya sa Hospital para mas matignan siya ng Doctor. Habang patagal daw ng patagal, mas bumabagal na yung tibok ng puso niya pero kaya pa naman daw niyang makasurvive.

Pagsapit ng gabi, umuwi ako sa apartment dahil nagtext si Rain at nagluto daw siya ng dinner namin. Nagtatrabaho pa rin naman siya sa clinic ni Loisa kaya kahit papaano ay may pinagkakaabalahan siya sa maghapon.

"Isasama kita sa Hospital bukas. Okay lang ba?" Tumango naman siya at mababakas sa mukha niya ang pagkaexcited. Napangiti naman ako.

"Nga pala, sa susunod na araw sa Hospital na siguro ako mamamalagi hanggang sumapit ang christmas. Alam kong hindi ka pa ready at hindi ka pa okay, pero pwede bang sa kanila Angelo ka muna magstay habang wala ako? Mas mapapanatag kasi ako kapag nandoon ka sa kanila. Isang linggo rin kasi akong mawawala eh. Pangako, babawi ako sa new year. Balak ko sanang ipunta ka sa pinaka-paborito kong lugar." Bigla siyang natahimik kaya akala ko ay hindi okay sa kaniya na magstay kila Angelo pero napangiti ako nang sabihin niyang ayos lang.

Kinaumagahan, maaga kaming nag-ayos dahil pupuntahan namin si Tita Fatima sa Hospital. Sobrang saya ko kasi kasama ko si Rain. Noong sinabi ko sa kaniya ang tungkol kay Tita Fatima, sinabi ni Rain na kahit anong mangyari ay pamilya ko pa rin si Tita kaya dapat lang na manatili ako sa piling niya. And I'm so lucky that I have a girlfriend that has a kind and undestanding heart.

Nakatulala lang sa kawalan si Tita Fatima. Napunta lang siya sa reyalidad nang ilagay ko yung nakabasket na prutas sa mesang nasa tabi ng kama na siyang pinamili namin kanina para sa kaniya. Napatingin si Tita kay Rain.

"Siya yung girlfriend mo?" nakangiting tanong ni Tita Fatima. Ngayon ko lang nakita na totoo yung ngiti niya at hindi peke. Tumango naman ako. Lumapit sa kaniya si Rain para magmano.

"Hello po." masiglang bati ni Rain.

"Kamukha mo si Angelica. Yung kaibigan ng kapatid ko." Napayuko naman si Rain pero agad ding nag-angat ng ulo.

"Actually, she's my biological mother. I'm her elder daughter." saglit namang nag-isip si Tita.

"Wala namang nakikwento yung Mommy ni JC  na may anak pa pala si Angelica. Sabagay, 4 years old palang naman pala si JC nung maging magkaibigan ang Parents ninyo. Eh bakit gusto ni Lyca na saktan ka kung magkapatid naman pala kayo?" ngumiti naman ng mapait si Rain.

"Mahaba pong kwento, Tita." Napatango tango nalang si Tita Fatima.

Nag-enjoy si Rain sa pagstay namin sa hospital kasi close na agad sila ni Tita. Minsan ay kinikwentuhan ni Rain si Tita tapos napapatawa nalang si Tita Fatima.

Totoo ngang there is a rainbow after the rain. Kasi tignan mo naman, mukhang sumasang-ayon na sa amin ang tadhana kasi nagiging okay na ang lahat.

Unti unti ng nagiging okay si Rain at napapansin kong madalas na siyang tumawa at ngumiti hindi katulad dati na halos pasan na niya ang problema ng buong mundo.

Masaya ako na finally ay magkasama kaming lumulutas ng mga problema namin. I've once wished to be with her and I'm so thankful that we're now together.




Rain Almizo

My life is such a mess and gloomy before. Until I met Josh. He made my life into a colorful one. That's why all I want for him is to be happy.

Pero, natatakot ako sa sarili ko. I want to be with him in the best way I can pero kilala ko ang sarili ko. I know that its my hobby to make impulsive decisions.

I Fell Inlove with the RainWhere stories live. Discover now