CHAPTER TEN:Coldness

13 5 0
                                    

Josh POV

Pagkatapos ng klase ko ay dumiretso ako sa AA Bar. Medyo nagulat ako nang makita kong nakaupo si Angelo sa lagi naming puwesto dito at mukhang malalim ang iniisip. Tinabihan ko siya.

"Kararating mo lang ba, Bro?" curious kong tanong. Tumango lang siya saka muling bumalik sa pagkakatulala.

"First time mong magpapakita kay Allea ano? At mukhang kabado ka." napahinga muna siya ng malalim bago nagsalita, "Aaminin ko na kasi sa kaniya ang lahat ng nangyari." pagkasabi niya nun ay saktong narinig namin ang boses ni Allea na nasa harap na pala namin.

"I wanna hug you so tight because I super duper missed you. Kaso, parang negative ang thought ko sa huling sinabi mo. What is thing you need to admit?" seryosong tanong niya. First time ko lang atang makita si Allea na ganito umakto. Sobrang fierce at ang cold talaga ng itsura niya.

"Sige Bro, sa kabilang table muna ako." pumunta na ako sa kabilang table at saktong dinaanan ako ni Ms. Almizo. May hawak siyang tray na may lamang mga beer. Nilampasan niya lang ako saka siya lumapit sa isang table para ibigay yung mga beer nung mga customers. Siguro mga kasing edad ko lang ang mga magbabarkadang um-order nun.

Nakaramdam ako ng inis nung makita kong hinawakan nung isang lalaki ang kamay ni Ms. Almizo. Akma na akong tatayo nang makita kong inilapit ni Ms. Almizo ang mukha niya sa lalaking yun kaya muli akong umupo habang titig na titig pa rin ako sa kanila. Nakita kong napatawa si Ms. Almizo nang nagsalita yung lalaki saka nakangiti pa habang nagsasalita. Pagkatapos nun ay nakangiti siyang yumukod sa kanila. Ano kayang pinag-usapan nila? Bakit kaya grabe kung makangiti si Ms. Almizo?

Napaiwas nalang ako ng tingin at nagulat ako nang makita kong nasa harap ko na pala si April at may hawak siyang beer na nakalapag sa mesa.

"Mukhang kailangan mo ata ito kaya nilapitan na kita para ibigay ito." mahinahon niyang sambit habang inaabot sa akin yung beer. Kinuha ko naman iyon saka nagpasalamat.

Binuksan ko na agad yung beer saka inumpisahan ng inumin.

"Ms. Almizo!" rinig kong tawag nung lalaki kay Ms. Almizo kaya napatingin kami ni April sa kanila. Who is he to call her in her surname? Aish! I always calling her surname in my mind and I love that. But knowing that someone already calling him that, I think I should just call her Rain.

Bumalik si Ms. Almizo sa pwesto nila at muling nakipag-usap doon sa lalaki.

Dahil sa inis ko ay hindi ko nalang sila pinansin pa. To avoid pain, you must not see your special someone happy with other guy.

"Gustong gusto mo talaga si Ate Rain, ano? Ngayon alam ko na kung anong type mo." napakindat pa siya habang sinasabi ang mga katagang yan.

"Ano?" curious kong tanong.

"You like woman who's older than you but still has that young and pretty face." napatawa naman ako sa sinabi niya. "See? Tama ako, diba?"

"Aside from that, there is another reason why I fall for her. She's such a blessing from above. She has a beautiful soul. I love how she took so much effort to find ways in taking care of her mother and work hard at the same time. She loves her Mom so much that's why I want to do the same thing to her." napangiti pa ako habang sinasabi ko yan kasi yun talaga ang isa pa sa mga nagustuhan ko kay Ms. Almizo.

"Mukhang nahanap mo na nga talaga ang para sa iyo. Halatang baliw na baliw ka kay Ate Rain." nakakatuwa lang na nakakapag-usap na kami ni April na walang awkward sa pagitan namin.

"I still like you, Josh. Pero tanggap ko naman na you'll never love me back kasi sa kaniya lang tinamaan yung puso mo." natatawang sabi niya.

I Fell Inlove with the RainWhere stories live. Discover now