Chapter 31.2

12.9K 242 9
                                    

"O, nakarating ka na pala? Kumusta ang San Nicolas. Gusto ko sanang magbakasyon din eh kaso busy kami sa Opisina, ito kasing bipolar mong ex boss bigla nalang nag file ng leave, buti nalang at competent ang ipinalit niya"

Pasalampak na umupo si Maddie sa sofa namin. Biglang naging alerto ang teynga ko. Hindi ko alam na nag file siya ng leave, hindi naman siya ganoon. Ayaw ko din namang isipin na dahil sa sitwasyon namin.

Pala-isipan pa rin sa akin ang pagpunta niya sa San Nicolas, nalaman ko kay tatang na ako ang pinuntahan niya doon pero hindi ko alam kung para ano. Nagigiguilty ako, dahil sa akin ay malapit nalagay sa peligro ang buhay ng lalakeng mahal ko. Ewan ko nalang kung paano siya pakiharapan. Baka mabuti ang desisyon kong umalis nalang sa hospital bago niya pa malaman.

"Nakikinig ka ba sa akin?" si Maddie.

Mabilis ko siyang tiningnan at nautal pa sa pagsagot.

"Ah O-oo, ano nga uli yong sinabi mo? Ang hina kasi ng boses mo" wala sa sariling sabi.

Nangunot ang noo nito at malakas na bumuntong hininga.

"Ewan ko sa 'yo..." tumayo ito at naglakad papuntang kusina namin.

"Oy ano nga?" sinundan ko siya, ayaw ko namang isipin niyang hindi ko siya binigyan ng atensyon, napakamatampuhin pa naman nito at isa pa, gusto ko ding makikibalita.

"Ang sabi ko, baka nagkaganoon si Sir kasi nalaman niyang hindi pala totoong buntis 'yong GF niya..." napatigil ako sa paghakbang ng marinig ang sinabi ni Maddie "Nakaka-awa si sir, tsk tsk tsk. Ikaw ba naman ang paaasahin na magiging Daddy ka na tapos fake news pala. At isa pa, galit na galit ang mama niya sa babae, Ewan ko nalang kung anong gagawin ng mama niya sa babaeng iyon, eh sa narinig ko, Gusto pa naman nitong magka apo"

Ano itong narinig ko? Nag iimagine ba ako para pagaanin ang loob ko?

"Oy, natutulala ka na naman, may problema ka ba?" untag niya uli sa akin.

Tiningnan ko siya, may tanong sa kanyang mukha. Pero kung confuse siya ay mas confuse ako. Paano?

"I am already at Dr. Josie's clinic last week, she really cannot risk her job for this shit. How can I do this? I need to find ways to pull off this pregnancy. What? No fucking way, I made it this far just to back out! I already told him that I am pregnant and I need to get pregnant, he cannot know that I lied"

Siya ba 'yon? Siya ba yong babaeng iyon? O coincidence lang na nandoon din siya sa ospital na iyon kung saan ko narinig ang isang babaeng gustong peke-in ang pagbubuntis niya para hindi siya iwan ng lalake? Kung siya nga iyon? Bakit ngayon ko lang nalaman?

"Ano bang nangyari sa 'yo? May nangyari ba sa San Nicolas kaya ka nagka ganyan?" Napakamot pa si Maddie.

"Maddie, may kailangan akong gawin"

Mabilis akong umakyat sa kwarto at nagbihis, kailangan kong klarohin ang lahat bago ako magdidisesyon. Nakataya ang kaligayahan ko dito.

"Mads, Pakisabi kay tatang na may pupuntahan ako" Hindi ko na siya nilingon at lumabas na ng bahay. Narinig ko pa ang pagsigaw niya pero hindi ko na siya pinansin.

Pinuntahan ko ang Ospital. May mga kakilala na ako dahil regular na kami ni tatang. Gusto ko lang makasiguro bago ako gagawa ng hakbang.

Nakasalubong ko pa si Doc Agatha, ang doctor ni Tatang pagpasok ko. Mabilis ko lang siyang binate at dumiritso sa information desk.

"Hi nars" bati ko sa nurse na nakaduty sa reception area. Familiar ang mukha niya kaya baka kilala niya ako. Mas mabuti.

" Ikaw po pala Miss Avila" ganting bati niya sa akin. Pasimple akong humugot ng hininga at piping nagpasalamat.

"Ahm, nars, may gusto sana akong hingin na favor" paglakas loob kong bigkas. Nakita ko ang pagngiti niya.

" Oo naman po, ano po iyon?"

"Posible bang makita ang CCTV footage niyo noong last check-up namin ni Tatang? May titingnan lang sana ako nars. Pero kung hindi, okay lang din" nahihiya ko pang sabi.

"Wala pong problema, samahan ko kayo sa control room Ms. Avila, tara na ho"

Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang nakasunod sa nars. Napakiusapan ng nars ang operator kaya hindi na kami nahirapan. Nagpaalam na rin ito at bumalik sa post nito.

Nagtanong ang operator ng Petsa at Oras at mabilis nitong hinanap sa mga files nito. Hindi nagtagal ay nakita ko ang sarili na tawa ng tawa habang nakatingin sa cellphone ko, maya-maya ay may babaeng tumayo sa dulo ng nakahilirang upoan.

Mabilis na akong nagpasalamat sa operator at nagpaalam. Hindi coincidence, siya nga. Bakit ang tanga-tanga ko. Hindi ko natandaan ang boses niya. Kina-usap niya pa ako noon pero wala akong ka ideya-ideya. Edi sana, may happy-ever-after na sana ako ngayon.

Kahit nagiguilty ako ay nilakasan ko ang loob na harapin si Jacobo. Walang araw na hindi ko siya na miss, at walang araw na naiwaglit siya sa isipan ko.

________________

Nakatanga ako sa pintuan ng bahay na iyon. Presko pa sa ala-ala ko kung saan niya kinumpleto ang partial proposal niya, kung saan nalaman kong buntis pala... Umiling ako, tapos na iyon. Panahon na iyon sa bagong yugto.

Nilakasan ko ang loob at kumatok, hindi natagalan ay bumungad sa akin ang may edad na babae.

"Anong hanap nila?" tanong nito. Nag-aatubili man at sumagot ako.

"Nandito ho ba si S-sir Jacobo?"

Umiling ang matanda ang sumagot.

"Hindi pa siya umuwi, pero tumawag ang mama niya, nasa hacienda Villafuerte raw si sir, ano pala ang pakay mo?"

"Ah, w-wala h-ho, sige ho aalis na ako" kahit nanghihinayang ay tumalikod na ako sa pintuan.

Nanghihina ang mga paa ko sa kakatakbo kaya ay naisipan kong umupo muna sa gutter bago lalakad palabas ng subdivision na iyon. Habang nag-iisip ng susunod na gawin ay may humintong sasakyan malapit sa inuupoan ko. Hindi na ako nag-abala pang tumingin, baka sa kabilang bahay iyon.

"Crisanta?"

Nabitin ang pag e-emote ko ng marinig ang pangalan ko. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Si Jacobo?

Marahan akong lumingon sa direksyon niya at napagtanto kong totoo ang hinala ko.

May benda pa ang ulo niya ngunit siya pa rin ang Jacobo. Mabilis akong tumayo ngunit hindi gumalaw. Nasa harap ko na pala siya kaya yumuko ako uli. Ang enthusiasm ko kanina ay napalitan ng sobrang guilt. Hindi ko mapigilang kagatin ang labi para pigilan ang pagpatak ng luha.

Naramdaman ko ang yakap niya kaya hindi ko mapigilang mapahagulhol. Hindi ko mawari kung para saan pero hindi maampat ang pag-agos ng mga luha ko. Lord, is this happy ever after?


The End?



A/N: Nope, not yet. Maybe 5 chapters pa. This is a short sub-chapter but I still hope it will give you satisfaction. 

PS. Ito muna ngayon. May tatlong K-drama pa na papanoorin ko tapos I need to catch up sleep. hahahaha 


I hate you BossWhere stories live. Discover now