Chapter 13

17K 380 10
                                    

Napasalampak ako ng upo sa kusina. Mag aalas singko palang ng umaga at kagigising ko lang, I mean kakabangon pala kasi hindi pala kasi ako nakatulog. Ito kasing bipolar kong boss, bigla nalang akong hinalikan. Kakainis talaga, hindi ko naiimagine na siya ang magiging first kiss ko. 

Pero aminin mo din Crisanta na kinilig ka dun . Sa gwapo ba naman ni sir, choosy kapa ba?

Umiling ako sa naisip ng demonyo kong isipan. Haler, hindi sa choosy ha. Pero kahit ang gwapo niya ay ma attitude naman. Sa tingin niyo, nasisiyahan ako sa ginawa niya? nandidiri ako. Napaka immature niya pala, hindi nga lang halata kasi CEO ng isang kumpanya. Kung mature nga siya dapat hinarap niya ang mga magulang niya at yung Carly na iyon na hindi nang gagamit ng tao at sana wala ng mga pagpapanggap na nangyari. At dahil lang boss siya, ako ang sinisisi niya dahil hindi nag work ang kasinungalingan niya. 

Tsk tsk, mayayaman talaga, napakataas ng tingin sa sarili.

"Oh, ki aga-aga nakabusangot ka na, ngumiti ka naman anak ko para ngingiti rin ang araw na ito" ani tatang ng mabungara0n niya ako sa kusina. 

Nakalimutan ko na tuloy magsaing at magluto ng ulam dahil sa immature kong boss. 

"Wala to tang, mali lang ng gising... Gusto niyo ng kape?" tanong ko sa kanya at tumayo na rin. Kumuha ako ng dalawang tasa at nagtimpla ng Nescafe Stick, Coffemate at asukal. Kahit naman hindi pa sumagot si Tatang ay alam ko na iyon ang ipinunta niya sa Kusina. Nagiging Routine na namin kasi na magpang-abot sa kusina at kung may oras pa ay mag kwentohan pa kami bago ako maligo at magprepare para sa trabaho.

"Ano nga pala ang pinunta ng amo mo dito kahapon?'' tanong ni tatang, alam kong may pagka tsismoso din tong ama ko. 

" Wala ho, sa t-trabaho lang. Alam nyo na ho, marami kaming gagawin dahil galing pa kami sa expo" sikreto kong binatukan ang ulo ko dahil hindi talaga ako marunong magsinungaling sa kanya. sana naman hindi niya nahalata.

"Ahh, ganoon ba, Oh sige na, maligo kana at ako na ang bahala sa pagsasaing" aniya habang humihigop. 

Sinunod ko nalang kasi baka mahalata niya pa na nagsisinungaling ako.

Habang nagbibihis ay tumunog ang Cellphone ko. Napatigil ako ng makita ang numerong naka register doon. Kanina, inis na inis ako sa taong ito ngunit ngayon, para akong natuod. 

Patuloy ang pag ring, kahit nag dadalawang isip ay dahan dahan kong pinindot ang answer call, napapikit pa ako dahil sa nerbyos.

"H-hello sir"

Tumikhim muna ang boss ko sa kabilang linya bago nag salita.

"Miss Avila..." tumigil muna ito at saka nagsalita ulit "Today, I will meet an investor at Makati and it will be a two day meeting. I'll come  and p-pick you up" tapos nawala na ito sa kabilang linya.

Nakatanga nalang ako sa mga isusuot ko. Magkikita kami ni boss at sasakay na naman ako sa kotse niya, at masisinghot ko na naman ang pabango niya na kay swabe sa ilong. Ngunit, uunahin ko pa bang iisipin iyon kaysa sa trabaho ko?

Itinuloy ko na ang pag ayus at nagdala nadin ng extrang damit. Base kasi sa sabi ni boss ay two days na meeting iyon at hindi ko din naman alam kung uuwi ba kami o hindi. Mabuti na itong handa. 

Mabilis na lumipas ang oras na kinababahala ko, bakit pag hiniling mo na sana magtagal ang mga kamay nito sa pag galaw ay siya naman ang pagbilis ng mga ito. Hindi pa kasi ako nakapaghanda sa sarili. Ninerbyos na ako at para na akong maduduwal dahil dun. Bakit ba naman kasi at wala akong choice kundi ang mag trabaho. 

Hindi pa ako umabot sa waiting shed ng makita kong huminto ang kotse ng boss ko. Malayu-layu pa ako kaya binilisan ko na ang paglakad, hindi din naman kasi ako nakakatakbo dahil marami akong bitbit. Ngunit lumiko ang kotse papasok ng kalye namin kaya napahinto ako. Hayy nako, hindi talaga bagay ang kotse niya sa kalye namin. Naging luma lahat ng nasa paligid dahil sobrang shiny ng sasakyan niya. 

I hate you BossWhere stories live. Discover now