Chapter 28

12.4K 286 4
                                    


Mariin kong tiningnan si Jacobo habang nagmamaneho siya ng kanyang sasakyan. Napansin kong seryoso lang siya at pa minsan-minsan ay lilingunin ako at ngitian pagkatapos ay ibabalik na naman ang tingin sa daan.

Sinundo niya ako sa amin isang hapon dahil daw may pupuntahan kami. Mabilis ko namang pinaunlakan dahil nag e-expect ako na baka ay aamin na siya kung ano man ang meron sa kanya at ng Tori na iyon.

Hindi pa naman confirmed talaga ang mga nalalaman ko. Mula sa nakita ko sila last week sa isang DNA clinic hanggang sa mga nabasa ko sa goggle. Puro gut feeling lang naman kaya hinihintay ko na siya ang mag open-up. Isa pa, hindi ko din alam ang sasabihin ko. Kahit nasasaktan ako sa posibilidad na naglilihim siya sa akin ay pilit ko pa rin siyang inintindi.

"Hey why the stare?" untag niya sa akin isang beses na sinulyapan niya ako.

Napagtanto ko na may nagbago sa kanya. Hindi siya palakibo ngayon, simula pa kanina hanggang ngayon. Ngayon niya lang ako kinausap kung saan mag titrenta minutos na akong nakatingin sa kanya.

Marahan kong binawe ang tingin mula sa kanya at dahan-dahang bumuntong hininga. Yumuko ako at pinaglaruan ang laylayan ng blusa ko. Naging gesture ko na talaga ito kapag hindi ako sigurado sa ginagawa.

"Hey are you okay?" Marahan niyang inabot ang kamay ko at pinisil iyon. Naramdaman ko ang init nito na nagpagaan sa pakiramdam ko ngunit mukhang may kulang. Hindi ko alam kung ano, hindi ko maintindihan kung paano.

Mahina akong tumango at pinilit na tingnan siya at tipid na nginitian.

"Okay lang ako, mag drive kana" tanging nasabi ko.

Nangunot ang noo niya. Alam kong may naglalarong tanong sa isip niya ngunit ibinalik ko na ang tingin sa harapan ng sasakyan.

Narinig ko ang kanyang buntong hininga, alam kong gusto niyang kausapin ko siya kaso paano? Wala naman akong masabi.

"Crisanta, is something bothering you?" untag niya uli sa akin.

Nilingon ko siya at umiling, pilit kong pinagaan ang mood at ngumiti sa kanya.

"Saan pala tayo papunta?" pinasigla ko ang boses ng tanungin siya.

Kahit hindi niya nakuha ang gusto niyang sagot ay hindi na siya nagtanong uli ukol sa bagay na iyon. Nakita ko na pinilit niya ding ngumiti.

"Did you not remember?" playful na siya ng tanungin ako.

Umiling ako at nag belat sa kanya. Nakita ko ang pag ismid niya

"Come on Crisanta, try harder. Come on, ano ba ang petsa ngayon?" tumawa siya at tumingin uli sa daan.

"August 23?" balik ko ulit na tanong sa kanya. Hindi ko din alam ang petsa ngayon, ganyan talaga pag taong bahay ka nalang, nakakaligtaan mo na ang petsa sa kalendaryo.

"Yeah? And what's with the 23rd day of the month? Or every month?"

"Birthday mo? Uhm sahod? National heroes day?" clueless kong sagot.

Umiling siya uli at tumawa. Lintik ah, pinaglalaruan ako?

"Ano ba kasi ang meron ha? Sige na, sirit na ako" nag retreat nalang ako, wala talaga akong mahugot eh.

Tiningnan niya ako at nakangiting umiling.

"Hay Crisanta, You are so clueless... July 23 was when you said yes to me. So, today is our first monthsary" inabot niya ang pisngi ko at pinisil iyon ng mahina.

Napanganga ako, nalilimutan ko na ang mga mahalagang araw naming dalawa dahil sa mga bumabagabag sa isipan ko. Tiningnan ko siya na mukhang naaliw sa akin.

I hate you BossWhere stories live. Discover now