Chapter 11

17.5K 460 8
                                    

Tama nga si boss, sobrang magarbo ang expo. Mukhang nagkikita-kita ang mga mayayamang negosyante sa bansa. Sa tingin ko, ako lang ang alangan sa lugar na iyon, mabuti nalang ay pina upgrade ako ni boss kung hindi magmumukha talaga akong basahan dito.

Busy si boss sa pakikipag-usap sa ibang mga businessmen at nakatayo lang ako sa may gilid kung sakaling may kailangan siya. Kung maghihirang siguro ng prince charming dito sa expo, malamang si boss na iyon. Napakagwapo niya kahit seryoso ang mukha niya habang nakikipag-usap, may dominanteng aura si boss kaya mukhang ang mga kausap nito ay parang nakatingala sa kanya, metaphorically, kasi literally, sa taas niya kailangan talagang tumingala sa kanya. Mukhang nag a-agree lang ang mga ito sa mga sinasabi ni boss. Hindi ko tuloy mapigil mapangiti. Kahit pala ganoon ang boss ko, swerte pa rin akong boss ko siya kasi hindi siya basta-basta.

"Hi, Christian Chein"

Napalingon ako sa isang lalake. Nakalahad ang kamay niya sa akin. Hula ko Chinoy ito, Maputi, may pagkaround ang mukha at singkit. Cute siya, para siyang anak ng isang mayamang may-ari ng isang Chinese Restaurant.

Ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya.

"Crisanta Avila" tipid kong sagot. Alam kong kailangan ko din makipaghalubilo para na rin mas lumawak pa daw ang network namin, ayon narin kay boss kaya kahit naiilang ako ay kailangan kong makipag-usap sa mga gustong makipag-usap sa akin.

"Nice name, so how long have you been working with the mighty Mr. Villafuerte?" casual niyang tanong.

"Wala pang one month"

Tumawa siya sa akin.

"So, no reasons of leaving yet? I mean, don't get me wrong but Mr. Villafuerte is known for his short temper, If I am not mistaken, he already fired maybe 30 or 40 plus secretaries in his 3 years of becoming the CEO of their company"

Ngumiti ako. Ang business namin ni boss ay business namin. At kahit napipigtas niya ang pasensya ko ay loyal pa din ako sa kanya kaysa sa ibang CEO, siya kasi nagpapasweldo sa akin.

"Wala sir, wala akong balak na umalis sa posisyon ko ngayon"

Tumango-tango ito na parang kinukumbinsi ang sarili.

"But if you will, I can help you" sabi niya ulit at inabutan ako ng business card "Call me if the time comes Miss Avila"

Napatanga lang ako sa card na bigay nung Christian Chein, CEO din pala siya sa isang cargo company. Plano niya ba akong sulutin kay boss? Baka akala niya papayag ako, may utang kaya ako sa boss ko at kailangan ko pang bayaran iyon. Kahit naman ganoon, tinanaw kong malaking utang na loob ko iyon sa kanya, dahil yun yung nagligtas kay Tatang.

Nakita kong nagsibalikan na ang mga tao sa mga lamesa nila. Nakita kong luminga si boss kaya mabilis akong naglakad sa kanya. Nang makita na niya ako ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Umupo ako sa tabi ni boss na siyang pwesto ko sa loob ng tatlong araw na expo.

Nanghihinayang ako kasi kahit nasa Baguio na ako hindi man lang ako nakakita ng magandang tanawin dito. Last Day na ng expo, hindi ko namalayan dahil subsob ako sa trabaho. Kahit nanghihinayang ay wala naman akong magawa kasi trabaho ang pinunta ko dito, baka sa susunod babalik ako rito at kasama ko na sila ni Tatang, mas masaya iyon.

Hindi ko napansin na nakapatong lang sa lamesa ang card na bigay nung Christian kanina. Hindi ko na kasi namalayan dahil kailangan kong matugunan ang pangangailangan ng boss ko, sabi nga niya He should be my top priority.

"What's this?" Seryosong tanong ni boss habang inangat ang business card sa harapan ko.

"Ahh, wala iyan sir, may nagbigay lang" sagot ko naman.

I hate you BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon