Chapter 3

19.7K 428 13
                                    

"Alam mo Cristita, bilib ako diyan sa pagiging palaban mo pero My God ha, kahit si Boss Jake hindi mo pinalampas" talak ni Maddie.

Sabado at ikatlong araw ko na ring nagmumokmok sa bahay simula ng sinisante ako ng kumag na iyon at binato ko siya ng sapatos. Pinuntahan lang talaga ako ng babaitang ito para lang talakan, ang galing!

"May My God ha kapang nalalaman jan, alam mo kasi Madilina, prensipyo lang meron sa atin mga mahihirap. Eh, tinapakan niya na karapatang pantao ko alang naman na manahimik lang ako dahil lang mayaman siya at boss... I mean ex boss ko siya? At saka, illegal kaya yung ginawa niya sa akin nung pinagpapa overtime niya ako hanggang 8 pm, mga capitalismo talaga kaya yung mahihirap tuluyang naghihirap sila ayun, nagpapasarap"

"Ewan ko sa iyo, dami mong alam pero sisante ka naman" napailing pa ito na parang mas namomroblema pa kaysa sa akin.

"At least nakalaya ako sa mapang-aping boss mo"

Bigla namang lumambot ang mukha nito.

"Ehh paano yan, wala ka nang trabaho?"

Iwinasiwas ko ang kamay ko, nangangahulugang walang dapat itong problemahin.

"Alam mo maddie, hindi hangin ang nawala kaya mabubuhay parin kami. Trabaho lang yan, makakahanap din ako, ta mo baka nga maging successful pa ako sa mga susunod kong tatahakin sa buhay. Plano na siguro ng panginoon na hindi ako ilagay sa lugar na mapang api para lalago ako, diba?"

Ngumiti nalang ang babaita. Alam naman niya kasing nakalaklak ako ng positivity kaya hindi ako nega.

"Sana all ganyan, katulad mong mag-isip. Oh siya, uwi nako sa amin, dami ko pang gagawin"

Tango nalang ang naging sagot ko. Nang makaalis na si Maddie ay nakapagdesisyon na akong lumabas at magbakasakaling mangapply. Kahit anong trabaho basta marangal.

~~~~~~~~~~~~~

Mag iisang linggo na akong naglilibot sa mga Fastfood, mga Gen. Merchandise, Mga malls para mag apply ngunit sabi tatawagan nalang daw. Lumong-lumo akong umuwi isang hapon dahil alam kong dumodoble kayod si tatang sa Vulcanizing shop. Matanda na si tatang at alam kong nahihirapan na siya.

Nakita ko si tatang habang nakatayo sa labas ng shop, nakaharap ito sa isang magarang sasakyan. Di siguro ordinaryong tao ang may-ari niyan kasi napaka ganda mukhang nasa ilang milyon ang halaga ng brand ng sasakyan.

Kahit malayo palang ay tinawag ko na ang kanyang pansin, malaki naman ang ngiti nito at kumaway. Bakas sa mukha nito na kahit nahihirapan ay lumalaban parin. May bitbit itong malaking tubo sa kabilang kamay, iyon yung pantanggal ng mga screw pag nagpapalit ng gulong ng sasakyan.

"Mano po tang"

"Kaawaan ka ng Dios, kumusta ang lakad mo?"

"Ayon, tatawagan din daw. Dami na nilang nagsabi nun ehh kahit isa wala naman"

"Relax ka lang muna, wag kang magmadali dadating din yan. Sige na uwi kana sa bahay baka madumihan ka"

Napasimangot ako, hindi naman kasi ako maarte para takot madumihan.

"Tatang naman eh" bigla kong naalala ang sasakyang kaharap ko na ngayon. "Kanimo po ba yan? Parang big time ang may ari ah"

"Nagpapahangin lang yan ng gulong flat daw, nasa loob lang naman ang may ari niyan, aalis na din siguro yan kakatapos palang din kasi"

Sobrang tinted ng mga bintana ng kotse, na temp pa naman akong silipin ang may ari baka artista o baka naman mga elitista. Ngunit pinili ko nalang magtungo sa bahay.

Pagkapasok ko ay agad akong nag bihis ng maikling short at puting kamiseta, mukha akong nene sa porma ko pero yung nene na pamatay ang legs, asset ko kaya ang legs ko. Habang nag aayos ay may kumatok sa pintuan namin kaya iniwan ko muna ang ginagawa at tinungo ang pintuan. Wala namang estrangherong nawawala dito kaya baka kapitbahay lang.

Laking gulat ko ng mabungaran ko si Arnel. Bakit kaya andito tong taong to, baka pinadala na sa akin ang summon ng barangay dahil binukulan ko lang naman ang amo niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Casual kong tanong.

"Gusto kang kausapin ni boss, sabi niya ngayon din, doon sa loob ng kotse" tiningnan nito ang kotseng pinag iinteresan ko kanina. So, sa kumag pala na iyon ang kotse, sayang binato ko nalang sana sang isang windshield nito.

"Hindi ko naman na siya boss kaya ayaw ko siyang sundin, umuwi nalang kayo Arnel nag sasayang lang kayo ng oras"

"Sige na Cristy, maawa ka sa akin, sabi niya pag hindi kita napapayag ay ako ang sisisantehin niya" bakas sa mukha nito ang pag aalala. Alam ko pa naman ang sitwasyon niya at ng pamilya niya at hindi ko kayang maging selfish dahil lang sa gagong kumag na iyon.

Kahit napipilitan ay lumabas nalang ako ng bahay at tinungo ang kotse, parang nagtataka pa si tatang ng katukin ko ang pintuan ng kotse.

"Tang, kakausapin ko lang ho tong may-ari ng kotse nakaharang sa daan eh" hindi naman din ito umimik at nagkibit balikat nalang.

Bumukas ang bintana ng kotse at nandoon nga ang kumag. Printing naka upo na parang pagmamay-ari niya ang mundo.

"Come in"

Iwinasiwas ko ang aking kamay, para ano pa at susunod ako sa kanya eh hindi naman na siya ang nagpapasweldo sa akin. Sa katunayan nga, wala pa ngang nagpapasweldo sa akin. Hayyy buhay, kung hindi lang dahil sa kumag na ito.

"Hindi na kailangan, okay lang na dito ako sa labas. Ano nga po pala ang sasabihin niyo?" Pa cool kong tanong. Na parang pantay lang kami ng katayuan sa buhay.

Dumukwang ako sa bintana ng kotse na parang hindi ko amo dati ang may ari nun.

Hindi siguro nito inasahan ang sagot ko kaya napa-ayos ito ng upo. Seryoso pa din ang mata nito na parang hindi naman galit pero parang hindi din nasisiyahan.

"Okay, I want to hire you back"

Natigilan ako saglit ngunit agad namang bumalik ang huwesyo ko. Hire me back? Pwe! Hindi na oyy. Kahit magkaanak pa ako ng tiyanak ay never na talaga.

"Ahh. wag na ho, may trabaho na din kasi ako" pagsisinungaling ko pa. I PROMISE di na talaga ako aapak sa loob ng opisina nito.

"I already checked and I found out wala pa, hindi ka pa inihire ng mga pinag aapplyan mo, so why is that?"

Natigagal pa ako, ba't niya ba alam?

"I need a secretary effective today for my board meeting, and I want you to take that post" pagpatuloy pa niya.

"Mag aaply nalang ho ako sa iba ho, yun hong makatao, makakalikasan, makabansa, at higit sa lahat makaDios, sige ho una na ako" tumalikod na ako agad at tinanguan si tatang. Nagkatinginan pa kami ni Arnel na nakatayo sa may unahan ng kotse. Tinanguan ko lang siya at naglakad na pabalik ng bahay.

Hindi ko maiwasang mapalakas ang pagsara ng pintuan kaya lumikha ng malakas na ingay. Pero ano pa ba dapat ang magiging reaksiyon ko matapos doon. Masampal ko nga ulit, may pa punta-punta pa dito sa bahay na pwede ang namang mag hire nalang sila ng bago. Sure akong magkandadapa pa ang mga applicants kung ganoon ngunit bakit ako pa? Na ayaw na pa-alipin sa taong iyon?

"Akala niya siguro madadali ako sa mga salita niya? Wala na, hindi na ako takot sa kanya. Kaya ikaw Jacobo Villafuerte da third? Who you ka nalang sa akin, pak you ka" dinuduro ko pa ang pintuan na parang andoon ang kumag.

Mainit pa rin ang ulo ko dahil doon kaya minabuti ko nalang na magluto na bago dumating ang mga kapatid ko. Samantalang wala pa akong trabaho ay ako muna ang mag aasikaso sa kanila, mabait kaya akong ate.

     

                       TO BE CONTINUED...

I hate you BossWhere stories live. Discover now