Chapter 27

393 19 7
                                    

SIDNEY'S POINT OF VIEW

She looked at me from head to foot. I don't even know where to start. How can I forget this woman?

She marched and looked around the house. At alam ko kung anong pumapasok sa isip niya.

"Yaya, paki dala muna si Sandler sa kwarto niya." Utos ko sa katulong.

 It's Caleb's Mom. 

Hindi ko alam kung paano niya natunton ang tinitirahan namin, But of course she has her own ways. Nanay siya ni Caleb.

Bahagya kong ibinuka ang bibig ko ng maunahan ako nito mag salita.

"I am totally impressed. After so many years ay nakuha mo parin ang gusto mo nang hindi ko namamalayan. Ngayon ay may bahay ka pa galing sa pera ng anak ko."

She smirked sarcastically. Naka halukipkip ako nitong nilapitan hanggang tuluyan na kaming magkaharap. 

"Caleb is not here." Yun na lamang ang tanging lumabas sa bibig ko. 

After I saw her playing with my son, I guess she already knew about him.  

"I know. Hindi siya ang pinunta ko dito! How dare you, have an affair with my son?! and even tried stealing him from his wife!" Madiin niyang sagot.

Hindi maitatago ang galit na nagmumula sa nanlilisik niyang mata. Nag echo ang boses nito sa loob ng bahay. She is a scary woman, Aaminin kong may takot ako sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit kami nag hiwalay ni Caleb.

"Si Caleb ang lumapit sa akin." Iyon ang totoo. Piniglan ako ang sarili ko at ang pag mamahal ko para maging maayos kaming magulang sa anak namin. 

"Stop that! I will never like you, nor accept you in my family! Kahit ano pang gawin mo o ni Caleb! Pero hindi natin maikakaila ang nananalaytay na dugo ko sa anak mo."

Sana ay nag kakamali ako sa mga hinala ko. Kung iniisip niyang mailalayo niya sa akin ang anak namin, nag kakamali siya. It scares me that she might take away my son. Ayokong humantong kami sa ganoon. Kung kinakailangan ko ulit iwanan si Caleb ay gagawin ko, wag lang makuha sakin si Sandler.

Kumunot ang noo kong tinignan siya. "If you're planning to take my son away,  Hinding hindi ako papayag."

Lakas loob kong sinabi iyon. Wala akong pakielam kung ina siya ni Caleb. This is about my son.

She laugh sarcastically. "Ohh Hija, Relax. Don't over react, dahil wala akong planong agawin ang anak mo. Ikaw parin naman ang ina niya."

I looked away. Parang namumuo bigla ang luha sa mga mata ko. Sabihin na lang niya kung anong gusto niya.

"Then what do you want?" Parang hindi ko na matagalan ang usapan namin. I want her out pero wala akong karapatan na paalisin siya dito dahil tama siya. Si Caleb ang nag mamay ari ng pamamahay na to. 

"Kung ano man ang relasyon mo sa anak ko ay wala na akong pakielam! Ibalik mo siya sa asawa niya and I want my Apo!"

She pointed a finger at me. I cannot be weak. Marami na ang pinag daanan ko at alam kong mas matapang na ako ngayon. 

"I cannot control him the way you did. It is his choice, ayaw na niyang bumalik sa asawa niya."

Sabi niya ay hindi niya aagawin ang anak ko pero bakit parang pakiramdam ko ay gusto niyang kunin ito sa akin. Noon si Caleb ang pilit niyang pinalayo sa akin, ngayon naman ay anak ko? That's too much.

"Bilib ako sa kakapalan ng mukha mo! You even used your son to seduced Caleb. This all your plan!" Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. 

Prison of Lies (Partners in Crime Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon