Chapter 17

4.6K 121 37
                                    

Sidney's Point of View

After her wedding, ngayon na lang ulit kami nag kita ni Audrey. It was quite a long time. She bloomed a lot kahit pansin ko na tumaba siya ng kaunti. Iba talaga ang nagagawa ng in love.

"Well actually I was planning to talk my interior designer again. Para kasing may kulang pa."

This my first time to visit their new house. Maganda at elegante. Bagay na bagay sa personality ng mag asawa. I was holding my iPhone and waiting for someone's call while Audrey is busy touring me in her house. Hindi pa ulit siya nag tetext or tumatawag sakin. I'm starting to get worried. Pakiramdam ko may mali sa ginawa ko.

"Besie, are you listening?" She snapped her fingers in front of my face that I easily startled.

I sighed heavily. I think she needs to know. After all, sa kanya ko naman talaga sinasabi lahat ng sikreto ko. Well, except the fact that I'm having that complicated arrangement with my ex.

"I need to tell you something." Saglit kaming umupo sa bar counter and I hardly closed my eyes before I speak. Kung saan naalala ko nanaman ang mga nangyari last friday which is four days ago.

The way he kissed me shared the same desires and passion. Naramdaman ko ang pag iinit ng pisngi ko. It always brings shiver to my spine.

"Besie. May nangyari.." Her eyes immediately grew wide. Well, what do expect?

"With Vixen?!" Kahit nagulat siya, she can't hide her excitement to hear my story. Yan pa! Botong boto yan kay Vixen. If she only knew everything. Haaay..

"Well not literally may nangyari. Muntik na!" She instantly changed her facial expression and looks very disappointed.

"Muntik na? So meaning wala naman talaga nangyari? Hindi kayo nag sex?"

Wala naman talaga kasi hindi ko tinuloy. And now I'm guilty. Sigurado ako na nasaktan ko ang ego niya. Alam ko dahil nakita ko sa mga mata niya. Maybe that's the reason kung bakit hindi siya nag paparamdam sakin ngayon. Obviously.

"Besie. Pinigilan ko ang sarili ko. M-Maybe I wasn't totally ready. Naisip ko lang kasi ang anak ko."

I heard her sighed heavily then she held both my hands.

"Hanggang kailan besie? You deserved to be happy again. Kailangan na ni Sandler nang tatayong maging Ama sa kanya. Wala ka pa bang balak ipakilala ang anak mo kay Caleb?"

I looked away. Kung alam mo lang Audrey. Kung alam mo lang kung gaano ka gulo ang buhay ko ngayon.

"I-I don't know."

"Baka naman kasi kailangan mo ng sabihin yang matagal mo ng tinatago? Para makapag mahal ka na ulit. Alam ko din naman na gusto mo din magkita ang mag ama mo."

Aminado naman ako na noon pa man, gusto kong makilala ni Caleb ang anak namin. Sino ba namang ina ang ayaw mangyari yon diba? It would just be better kung naging maayos ang lahat. Well, this is my fault. Hinayaan ko kasi na umabot sa ganito. Hinayaan ko pang si Caleb mismo ang makaalam ng tungkol kay Sandler.

"Ang hirap Audrey. May asawa na siya. At kahit alam kong mali ang itago yon sa kanya.. Pinangungunahan lagi ako ng takot."

Then she hugged me. Bakit ba napunta nanaman kay Caleb ang usapang ito? Bumisita na siya sa bahay kinabukasan matapos ang party. He just gave me a cold treatment at nag focus lang sa anak namin. Nakakapanibago nga na hindi niya ko sinigawan.

"Kaya mo yan bestfriend. Kung ano man pinag dadaanan mo. You're a strong woman. "

"I can't lose Vixen. Kaya takot din akong makipag commit sa kanya. That sometimes.. being friends is better than being lovers. Yun ang natutunan ko noon samin ni Caleb."

Prison of Lies (Partners in Crime Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon