Chapter 26

461 16 5
                                    

SIDNEY'S POINT OF VIEW

This day we are celebrating Claud Sandler's third birthday. There is no children's party cause we decided to spend time with our son for a vacation in Subic. As expected this along the beach private villa is owned by his father. It also consist of a wide infinity pool which my son would definitely enjoy.

"Happy Birthday Sandler.."

Sabay kaming nag palakpakan after singing our birthday song with our son. Nakatayo ito sa upuan at pinag gigitnaan namin ni Caleb.  Tatlo lang kami at isinama na lang namin ang ilang house maids and body guards ni Caleb para mag celebrate. Parehong desisyon namin na huwag na lang gawing enggrande ang birthday ng anak namin. 

Sometimes small celebrations are better with your loved ones. Mas ma-eenjoy namin ang okasyon na walang ibang iintindihin na bisita. This is also our first out of town simula nung bumalik kami ng anak ko sa Pilipinas. I mean madalas naman itong sinasama ni Caleb sa mga malalayong pasyalan, pero madalas ay hindi naman ako sumasama noon.

" Ok blow your candle anak. " I said while kissing his cheeks.

But in the end kaming tatlo din ang sabay sabay na nag blow ng kandila while Yaya Emely took our picture. 

This is priceless. 

Kitang kita ko sa anak ko kung gaano siya kasaya. For the past two years of their lives ay hindi sila magkasama. This is the first time na magkasamang mag celebrate ang dalawang lalaki na pinaka mamahal ko.

I guess this is the best gift for our son, his family.

"I love you my Claud Sandler! Are you happy?" Pinanggigilan muna ng yakap at halik ang anak namin, bago buhatin ni Caleb.

" Yes Daddy. I love you too" Sabay nag lilikot ito sa sobrang saya.

Time flies when you're happy.  Sa tatlong taon na mag isa kong tinaguyod ang anak ko, ay masayang masaya ako bilang kanyang ina.  He is no longer a baby at hindi parin ako sanay.

Saglit kong kinuha ang regalo ko mula sa drawer para ibigay to kay Sandler. I decided to buy him a four stage rocket ship. Medyo nahirapan nga ako ibili ng regalo ang anak ko, dahil sa sobrang dami na niyang laruan.

"Here's your gift from mommy. Happy Birthday!" Nanlaki ang mata niyang kinuha sakin ang regalo. Sa sobrang excited ay pilit na bumaba nito sa pag kakabuhat ni Caleb para mabuksan ang regalo.

"Wow!!!" He unwrapped my gift the moment he received it. I bend my knees para tumapat ako sa kanya.

"Later you can open and play your new toy.  But first you have to eat okay?" Sigurado akong hindi na namin maisasama sa swimming yan pag nag laro na. He needs to enjoy the place.

"Yes Mommy.." Then he hugged me. He's such a sweet boy. Napaka masunurin na bata. Sa totoo lang hindi siya mahirap alagaan, nag mamaktol lang yan pag gutom na.

Nag lean din si Caleb at iniabot sa anak namin ang isang rectangular envelope.

"And here is your gift from Daddy.." Kahit ako ay medyo nag taka. Wag mo sabihing pera ang regalo niya? I'm sure  hindi pa yan ma-appreciate ng anak namin. 

Binuhat niya ito paupo sa dining chair at siyaka din siya umupo sa tapat nito.

" Do you want to go to Disneyland? " Mabilis na tumango si Sandler at sumigaw pa ng yehey bago halikan ng Daddy niya. Hindi ko inaasahan that his gift was a ticket for Disneyland Florida. Spoiled na spoiled talaga kay Caleb yan.

Right after our gift giving ay nag simula na kaming kumain ng tanghalian. Hindi na rin namin napigilan si Sandler sa sobrang excited mag swimming. But since pareho kami ni Caleb na hindi pa naka swimming attire ay saglit muna namin pinabantayan ito sa baby sitter niya.

Prison of Lies (Partners in Crime Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon