AYR 56: SAVED

175 13 2
                                    

[PAULINE]

"A-amber?" gulat na pagsabi ko sa pangalan niya.

"Congratulations, Pauline." she mockingly said to me. "Welcome to our headquarters. Once you're in, you can't get out."

She grinned and that scared the shit out of me. Ibang-iba ang aura niya ngayon. Hindi ko akalaing ang mabait na batang nakilala namin ay may ganito palang personalidad. Hanggang ngayon tulala pa rin ako dahil sa hindi ko inaasahang malalaman ko.

"I t-thought you're in jail?" nauutal kong tanong sa kanya. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya dahil naiilang pa rin ako, kaya ibinaling ko na lang ang tingin ko sa paligid ng warehouse na ito, naghahanap ng daan palabas.

"Let's just say..." iminuwestero niya ang kamay niya sa baba niya. "I'm the best."

That phrase sent chills down my spine. Hindi ko akalaing makakaramdam ako ng kilabot sa kanya at sa mga salitang binibitawan niya kaysa sa mga lalaking nakapaligid dito.

Sa kabila pala ng maamo niyang mukha, nagtatago ang totoong sama ng kanyang budhi. A wolf in a sheep's clothing, indeed.

Nilunok ko ang kung anumang nakabara sa lalamunan ko bago uli nagtanong sa kanya. "W-what about your ate? Paano mo iyon nagawa sa kanya?"

Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin sa akin. "I hate it when someone is better than me. I hate it when the people I love the most value someone more than me. It's... I don't know."

Napatingin siya sa baba na parang biglang may alaalang pumasok sa isipan niya. Ginamit ko iyong pagkakataon upang makatakas. Tumakbo ako papunta sa pinanggagalingan ko.

"Hey!" Amber shouted, feeling betrayed. "All of you, get her!"

Narinig ko ang agarang pagkilos ng mga tauhan ni Amber upang pigilan ako sa pagtakbo. Mabilis akong tumakbo, pero what the frick, mas mabibilis sila dahil sa mahahaba nilang mga biyas.

Hinihingal na ako sa pagtakbo at nang malapit na akong makarating sa may bintana kung saan ako pumasok, may humigit bigla ng buhok ko.

Napaaray ako sa sakit, 'wag ang buhok ko!

Umikot ako pakaliwa at iwinasiwas ang paa ko sa ere. Tuluyan itong tumama sa may tagiliran niya kaya't napabitaw siya sa akin.

Ginamit ko iyong pagkakataon para tumalikod muli ngunit may mga lalaking nakaitim na rin na nakaharang sa daraanan ko. Madilim ang paligid kaya't medyo nahihirapan akong bilangin kung ilan sila.

May mga hawak silang mga kutsilyo at punyal habang ang mga kamay at paa ko lamang ang gamit kong panlaban.

Kailangan kong makakuha ng kung anumang magagamit ko laban sa kanila. Nang lumapit ang isa sa kanila na may hawak na kutsilyo, hinila ko ito papalapit pa sa akin at tinuhod ang tiyan nito. Napaluhod ito kaya agaran kong kinuha ang hawak nitong kutsilyo at itinarak sa may balikat niya saka hinigit muli.

May kutsilyo na akong hawak. Puwede na siguro itong panlaban.

Pumuwesto ako sa aking battle position. Ang mga paa ko ay medyo magkalayo at nakababa ang aking mga tuhod habang ang mga kamay ko ay nasa harapan ng aking dibdib.

Sumugod ang isa sa kanila kaya kaagad akong umikot at gumawa ng flying kick na tumama sa mukha niya.

Dalawa na ang sumunod na sumugod sa akin. Inuna ko ang lalaking nanggaling sa kanan ko at pinatid siya saka sinipa sa may mukha. Tumba kaagad ito, natatawa na lang ako dahil ang bilis ko silang mapatumba ngunit hindi ko alam kung kakayanin ko silang lahat gayong napakarami nila. Bago ko pa man maubos ito ay tiyak na pagod na pagod na ako.

May hawak na espada ang lalaking nanggaling sa kaliwa ko kaya't tumakbo ako papalayo sa kanya papunta sa isa sa mga container ban. Itinukod ko ang mga paa ko sa container ban na ito saka pinuwersa ang sarili na lumipad sa ere. Bumagsak ako sa likod ng lalaking nahabol sa akin. Hindi niya kaagad ako nakita kaya sinipa ko siya sa likuran at tumama ang mukha niya sa may bakal na container ban.

Ako na ang sumugod sa pinakamalapit na kalaban na nasa posisyon ko ngunit bago pa man ako makalapit dito, may humihigit na naman ng buhok ko.

"Argh!" Napahiyaw ako dahil sa sakit na nanggagaling sa anit ko. Puntirya talaga nila ang buhok ko. I guess I have no choice but to do this.

Habang hawak ng taong nasa likod ko ang buhok ko, hinawakan ko ng maigi ang kutsilyong hawak ko saka ginamit upang putulin ang buhok ko.

Mahalaga sa akin ang buhok ko, ngunit nakakasagabal ito sa pakikipaglaban ko kaya minabuti ko itong putulin. Napailing ako sa haba ng naputol kong buhok.

Mula sa hanggang bewang kong buhok ay naging one inch above the shoulder na ito. Hindi pa pantay-pantay kaya alam kong mas lalo pa itong iikli kapag inayos.

Dahil sa pagputol ko ng buhok ko, mas nakagalaw ako ng maayos at nakapagpatumba pa ng higit sa sampung mga kalaban.

Napakarami pa rin ng mga natirang mga kalaban habang nanghihina na ako sa mga pasa't sugat na natamo ko sa pakikipaglaban sa mga ito. Sabay sabay na sumugod sa akin ang limang kalalakihan.

Sinuntok ko ang isa ngunit nasuntok din ako ng isa pa kaya napadapa ako sa sementong sahig. Akma akong sisipain ng lalaking may mga piercing sa katawan ngunit nakaikot ako at nagpagulong-gulong sa sahig

Nakatayo ako kaagad ngunit naging dahilan lang iyon upang paulanan ako ng mga suntok. Napaatras ako dahil sa ginawa nila.

Naramdaman kong namamaga na ang kaliwang mata ko habang lalong bumuka ang sugat na nasa pisngi ko na dulot ng hiwa na ginawa sa akin ni Veronica kaya lalong naging limitado ang galaw ko.

Sinipa ako ng isa sa kanila sa mukha kaya napatumba na ako. Hindi na ako makagalaw pa. Ramdam ko ang sakit na nadarama ko sa buong katawan ko habang ang mukha ko ay namamanhid na. Hindi ko na magawang kumilos pa dahil bawat paggalaw ko, lalong nadaragdagan ang sakit na nararamdaman ko.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang nararamdaman ko ang maraming mga yabag ng paa na papalapit sa direksyon ko. Hinayaan ko na lang sila sa maaari nilang gawin sa akin dahil hinang hina na talaga ako. Kaunting pahinga lang talaga, lagot ang mga ito sa akin.

Naramdaman ko na ang presensya ng napakaraming taong nakapalibot sa akin nang bigla akong nakarinig ng malakas na kalabog.

Nanggagaling ito sa unahang pintuan ng warehouse na para bang may nawasak. Lahat ng lalaki na nakapalibot sa akin ay lumingo at nakiusyoso kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na sipain ang isa sa kanila saka ako tumayo.

Ilang segundo pa lang, kusa akong napaluhod dahil hinang hina na at nangangatog pa ang mga tuhod ko.

Lumapit sa akin muli ang mga lalaking ito nang may maliwanag na ilaw na pumunta sa direksyon namin.

Tumigil ang sasakyan sa harap namin at kitang-kita ko ang nagtatakang ekspresiyon sa karamihan.

Pagkabukas ng pintuan ay tumambad ang isang lalaking kilalang kilala ko. Niligtas ako ni John.

Binaril niya ang lahat ng nandirito ngunit sa halip na bala ang lumabas ay parang karayom ito na tumutusok sa mga kalaban.

Ano iyon? Tranquilizer?

"Sakay na!" sigaw sa akin ni John at pagkasakay ko sa loob ng sasakyan, pumasok na rin siya saka pinaharurot ito.

Hindi ko akalaing ililigtas niya ako.

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now