AYR 40: FOURTH MISSION-SHOUTS

203 15 0
                                    

[TAMARA]

Nasa gitna kami ng pagshu-shoot ng interview nang may marinig kaming sigaw sa hindi kalayuan. Malalim na ang gabi kaya naman rinig na rinig ang sigaw nito na umaalingawngaw sa paligid.

Kaagad na tumayo si Anthony mula sa kinasasadlakan niyang upuan papunta sa direksyon ng ingay na narinig namin.

Tinakbo niya ang daanan papunta sa kuwarto sa second floor.

Nagkatinginan muna kaming lahat bago napagdesisyunang sumunod at makiusiyoso.

"Anong nangyari?" tanong sa akin ni Hale.

I shrugged my shoulders. "I don't know. Let's go check it out?"

Tumango siya sa akin bago nagsimulang sumunod sa akin. Nasa likod ko lang siya habang papunta kami sa second floor ng bahay na 'to.

Rinig na rinig pa rin namin ang malalakas na sigaw na nagmumula sa isang babaeng naghihinagpis.

Umakyat na kami ng hagdanan at hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kaba. Bumibilis ang tibok ng aking puso sa hindi ko malamang dahilan. It feels like there's something inevitable that had just happened.

Pag-akyat namin dito ay nakita naming nakabukas ang kuwarto sa may dulong bahagi ng hallway. Nasa lapag noon ay sina Amber at Anthony. Ang mga naririnig pala naming mga sigaw kanina ay nanggagaling kay Amber.

Iyak ng iyak si Amber habang may dugo sa kanyang damit. Dalawa ang kulay ng dugong nakikita ko sa damit niya, ang isa ay mas maitim habang ay isa naman ay pulang-pula. Puro dugo na lang ang makikita ko sa harap ng damit niya. Siya nga yata ang pinakaunang nakakita ng kung anumang nangyari sa kuwartong ito.

Si Anthony naman ay nakayakap sa kaniya na para bang pinipigilan siya lumapit sa kung anumang nasa loob ng kuwarto.

Medyo napatahan na ni Anthony si Amber at habang kinakausap niya ito ay naglakas loob akong lumapit sa pintuan ng kwarto.

Kaunti lang ang bukas nito kaya tinulak ko ito nang mahina para bumukas ito ng tuluyan.

Nagulat ako sa tumambad sa amin at agad na napatalikod paharap kina Hale.

Nakita ko ang katawan ni Cassandra habang may nakapulupot na lubid sa leeg na nakasabit sa kisame.

Luwa na ang mata at dila nito na talaga namang kalunos-lunos na ang kondisyon.

Bukod sa bigti niya ay may nakita rin akong natulong dugo mula sa kanyang kaliwang palapulsuhan papunta sa siko nito. May tumutulo ring kung anumang puting likido sa bibig niya na larang namuong laway.

Hindi ko kinaya ang nakita ko kaya bigla akong napatakbo papunta sa unang banyong nakita ko. Binuksan ko agad ang toilet bowl nito saka sumuka.

Nagpakamatay ba si Cassandra? Bakit naman? May problema ba siya?

Finlush ko na ang inidoro at dumeretso sa may lababo. Nagmumog ako ng bibig ko at naghilamos ng mukha ko. Sinigurado kong malinis iyon saka humarap sa salamin.

Kalma, Tamara.

Kaya mo yan. Kailangan mong kaharapin iyon.

Lumabas na ako ng banyo at tumambad sa akin ang mga kasamahan ko na nag-aantay sa akin.

"Okay ka lang, ate?" tanong sa akin ni Felize.

Tumango ako sa kaniya saka naglakad papalapit sa crime scene. Mukhang kuwarto ito ni Cassandra.

Naabutan ko roon na naiyak si Ginang Cecilia dahil sa biglaang pagkamatay ng anak niya. Lahat ay nagulat dito, dahil hindi ito inaasahan.

Pinasok ko ang kuwarto ni Cassandra habang iniiwas ang tingin ko sa bangkay.

Magulo ang ayos ng mga damit at bag ni Cassandra na para bang nanggagaling ito sa damitan at mga closet na nakabukas sa gilid at itinapon papalayo. Nakakalat din ang mga gamit na nakapatong sa bedside table ni Cassandra kaya't nagkalat ang bubog mula sa ilaw na nasa lampshade niya.

Mukhang nagwala muna siya at nagtapon ng mga gamit bago mangyari ang hindi namin inaasahan.

May upuan din na nakatayo sa ibaba ng bangkay ni Cassandra at may nakita rin akong duguang kutsilyo sa may hindi kalayuan sa may kanang parte ng kuwarto, mukhang ito ang ginamit para sa kamay niya.

Mukhang may malaking pinagdaraanan talaga ang batang ito dahil nagawa niyang gawin ito.

May mga ilang hindi ako maintindihan dito. Katulad na lang na kung bakita nandito ang isang bagay na ito gayong nasa ganito ay isang ito. Bakit nakaganito pa rin ito kahit nagganito na itong bagay na ito.

Nararamdaman ko nang nakakunot na ang noo ko sa sobrang pagkalito ngunit pinili ko na lamang ito hindi pansinin at isatinig.

"So napansin mo rin pala, huh?" biglang tanong sa akin ni Hale.

"Huh?" pagtataka ko. "Ang alin?"

Wala akong nakuhang tugon sa kanya bagkus naglibot lang siya sa loob ng kuwarto at tinitignan lahat ng bagay rito.

Pinili ko na lang na hindi isipin ang iniisip ko dahil hindi ito makakatulong sa sitwasyon na ito.

Nabigla ako nang biglang may humigit sa kamay ko at pinaharap sa kanya.

"Sino ba talaga kayo ha?" sigaw sa akin ni Ginang Cecilia. "Hindi namin kayo kilala, kayo ba ang may gawa nito ha?"

Nabigla ako sa sinabi niya. So kami ang pinaghihinalaan niya ngayon?

Napatingin ako kay Amber na may nanlilisik ding mga mata tulad ng sa kanyang tita.

"Tita.." tawag sa kanya ni Anthony.

"Ano?"

"Huwag naman po kayong manisi ng kung sinu-sino..."

Lalong dumilim ang aura na nakapalibot kay Cecilia at mukhang galit na galit na siya.

"Eh, ano? Hayaan na lang natin silang nandirito ha? Kung hindi sana sila nandito, edi sana..." humina ang boses niya ng bahagya. Halatang masiyado siyang apektado sa nangyari sa nag-iisang anak niya.

"Tita!" biglaang sigaw sa kanya ni Anthony. "Buksan mo ang mga mata mo tita! Hindi mo ba nakikita na nagpakamatay si Cassandra, ha? Nagpakamatay siya, tita! At napakaimposible ang binibintang niyo sa kanila dahil hindi pa sila umaakyat ng second floor. Nasa sala lang sila sa buong pagkakataon na nandirito sila sa bahay. Kaya tita, tell me... Paano nila 'yun magagawa?"

Tuluyan ng bumagsak ang mga nakatagong luha sa mga mata ni Cecilia at napatumba na rin siya sa sahig sa sobrang bigat na nararamdaman.

Masiyadong masakit para sa isang ina ang makitang mamatay ang anak niya. Sobrang naawa ako sa sitwasyon niya ngayon. Hindi ko alam ang sasabihin at gagawin ko.

Ano nga kaya talagang nangyari sa kanya?

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now