AYR 41: FOURTH MISSION-SUICIDE? MURDER?

206 16 0
                                    

[TAMARA]

Tuluy-tuloy pa rin ang pag-iyak ng mga taong nandirito ngunit ngayon ay medyo kumalma na sila. Nakasabit pa rin ang katawan ni Cassandra dahil ayaw ito ipatanggal ni Hale.

"Ba...kit?" tanong ni Ginang Amelia rito.

"I think there's a play that have happened here." Hale said confidently.

Play? Anong ibig niyang sabihin?

"What do you mean? Care to elaborate that?" sumingit si Krissha dahil maging kami ay litong-lito na rin at hindi maintindihan ang mga nangyayari.

Pinagpag ni Hale ang damit niya saka tumayo ng deretso.

"Paano kung sabihin ko sa inyo na hindi suicide ang nangyari? Paano kung sabihin ko sa inyo na may ibang pumatay sa kanya? Maniniwala ba kayo?"

W..hat??

Kaya ba may mga kakaibang bagay akong napansin sa crime scene na mukhang hindi maayos ang pagkakagawa?

Probably because the killer isn't a professional kaya hindi ganoon kalinis ang pagkakagawa niya.

Wait.

He's saying that someone is the cause of Cassandra's death right? Or more specifically, someone killed Cassandra.

But...

Who could kill Cassandra among these people?

Who has an intention of killing her?

"Ano ba..." naiiyak na pagkasabi ni Ginang Cecilia. "Namatayan na nga kami ng kamag-anak, namatayan na ako ng anak, tapos sasabihin mo na hindi nagpakamatay si Cassy? Sasabihin mong may pumatay sa kanya? Bakit? Paano ka nakakasigurado doon ha? Sino ka ba?"

"Tapos ano? Sino ba namang posibleng pumatay sa kanya? Edi kami-kami lang din? Kase nandoon lang naman kayo sa living room diba? A-ano? Sabihin mo? Sinasabi mo ba na isa sa amin ang pumatay?"

"Yes."

Dahil sa sagot ni Hale ay lalong lumakas ang iyak ni Ginang Cecilia. Sobrang hirap na ng nararamdaman niya lalo na nang malaman pa niya na hindi nagpakamatay ang nag-iisang anak niya kundi pinatay. At ang pumatay pa rito? Maaaring kasama pa nila sa bahay.

Kaya ayaw pang ipatanggal ni Hale ang bangkay dahil sa mga ebidensiyang nasa katawan niya. Dahil sa mga clue na maaaring makatulong sa pagtuklas ng katotohanan.

Tumawag na sila kanina ng pulis ngunit mukhang matatagalan pa ito ng pagdating dahil nasa liblib na parte ito mg probinsya na baka hindi pa nga alam ng pulisya. At nasa alas diyes na rin ng gabi. Ganitong oras kadalasan ay traffic na rin talaga dahil sa rush hour kaya buhol-buhol ang sasakyan sa highway.

Nagpatuloy na sa pag-iinspeksyon si Hale at mukhang marami-rami na rin siyang nakuhang ideya na maaaring makapagturo sa amin kung sino ang culprit.

Sobrang focused na focused siya rito, dahil ba sa criminology ang kurso niya. That course sounds fun, huh? I wonder ano kaya ang papagawa sa'yo roon kung babae ka?

Talaga namang absorbed na absorbed si Hale sa pangyayari. Let's take it as if this is his little play to prove that his worth it to be a police someday. Sa mga panahon na ganito kase, pati pulis na dapat ay humuhuli sa masasamang tao, at nagpapalaganap ng mga mabubuting gawi ay siya na ring gumagawa ng masama. Napakabilang na lamang ang mga pulis na walang kabalastugang nagagawa kahit isang beses and I salute them for that. They should be respected, madalas ay mga low-ranking officials pa ito.

Pinunasan na ni Ginang Cecilia ang luha na nagbabadya sa mga mata niya saka tumayo at lumapit sa amin.

"Sino... ba talaga k-kayo?" tanong nito.

Nalaman niya ba na hindi naman talaga kami parte ng media?

Wait. Hindi naman siguro 'diba?

Hindi nga yata. Sadyang shocked pa rin siguro ito at napaparanoid sa mga mangyayari. I can't blame her. This is all too much to handle.

Hinarap siya ni Hale at may nilabas sa bulsa nito. Binuksan niya ang nilabas niyang wallet at ipinakita kay Ginang Cecilia.

"Police Officer 2 Hale Iceton Santos." matikas na pagkakasabi ni Hale sa kanya.

Tinignan ko ang nasa wallet ni Hale at may badge nga na nakalagay doon.

Saan niya nakuha iyon? Hindi ba't nag-aaral pa lang siya?

Tinignan ko ang mukha ng iba pang kasamahan ko at kagaya ko ay gulat din sila sa sinabi ni Hale ngunit hindi nila maaaring ipahalata ito.

Is this part of an act? O totoo ba ito? Kung part ito ng pagkukunwari ni Hale ay ginawa niya ng maayos ang parte niya.

Pagkatapos niyang mag-imbestiga sa crime scene ay lumabas na siya ng kuwarto ni Cassandra.

Agad ko namang hinigit siya papasok ng isa sa mga banyo sa bahay na iyon.

Nilock ko ang pinto at saka ako humarap sa kanya.

"Hale." mariing pagtawag ko sa kanya. "Anong 'yung ginawa mo roon? Pulis ka ba talaga?"

"Don't worry Tamara, fake itong chapa na nasa wallet ko. Hindi ko nga alam na magagamit ko ito ngayon eh. I only use it when it is an emergency. Like this?"

Hindi ko alam pero para nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang malaman kong hindi naman talaga siya pulis.

Alam ko ang hirap ng ginagawang pagpapanggap ni Hale. Dahil dito, mas lumaki ang tyansa naming mabulilyaso sa ginagawa namin. Mas tumaas ang probabilidad na mahuli kaming nagpapanggap lamang.

Mahirap magpanggap na pulis at masiyadong malaking responsibilidad ang inilagay niya sa mga balikat niya ngayon kaya hindi ko maiwasang mag-alala.

"Don't worry, Tamara. If you think, I'm gonna fail, or we're gonna fail. Please think again. Don't you trust me?" he said those words with pleading eyes.

"Uh..." He left me speechless. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.

"I'll promise you Tamara. I will find out the culprit behind this. I will investigate on them to know who is the real culprit. Sisiguraduhin kong mahuhuli ko siya at hindi siya makakatakas sa impyernong pinasok niya."

"I promise Tamara. Trust my words."

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now