AYR 50: BAND-AID

193 15 0
                                    

[FELIZE]

"Hello?" sigaw ko sa telepono.

"Hello?!" muli kong ulit saka ko napagtantong naputol ang koneksyon namin. Nakarinig ako ng mahinang sunod sunod na pagtunog ng beep sa cellphone ko

Biglang dumilim ang paligid. Halos wala akong makita sa loob ng sinasakyan kong bus kung hindi dahil sa ilaw na nanggagaling sa cellphone ko. Ginamit ko ito upang libutin ng mga mata ko ang kabuuan ng paligid.

May nakikita rin akong ilang mga ilaw na nanggagaling sa telepono ng ibang tao ngunit hindi pa rin ito sapat upang makapagbigay ng liwanag.

Natutulog ang katabi ko sa upuan kaya hindi ko siya maistorbo. Gusto ko na sanang bumaba ng bus na ito dahil nakakaramdam talaga ako ng kakaibang kilabot. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Pero nahihiya kase ako sa mamang katabi ko. Halatang pagod na pagod siya at inaantok kaya pinili ko na lamang manatili sa puwesto ko.

May naramdaman akong kakaibang humahaplos sa may bumbunan ng ulo ko. Kinikilabutan ako dahil sa paghawak nito. S-sino 'to? Manyakis ba ito?

Lord! Tulungan ninyo po ako! Ayoko ko pa po ma-rape o mamatay. Marami pa po akong pangarap sa buhay.

Bumaba ang mga hawak niya sa tenga ko at talaga namang naaestatwa na ako sa posisyon ko. Sumabay pa ito sa takot na nararamdaman ko dahil sa dilim ng paligid.

Natatakot ako! Anong gagawin ko?

Nang maramdaman ko ang malamig na metal na bagay sa pisngi ko na unti unting tumutusok sa balat ko ay talaga namang napasigaw na ako.

"Sino ka?!" malakas na sigaw ko. Nakaalarma ito ng mga tao sa paligid at nagising na rin ang tao na katabi ko.

Bumalik na sa dati ang ilaw na nanggagaling sa paligid kaya napagtanto ko na kaya pala dumilim dahil pumasok kami sa isang tunnel.

Ang tanga ko. Ba't di ko naisip iyon? Kaya pala naputol din ang koneksyon ng pag-uusap namin nina Krissha dahil nawalan ng signal dulot doon.

Hindi ko namalayan na nakatayo na pala ako sa puwesto ko at pinagtitinginan ng mga tao. Lahat ay napatingin sa direksyon ko at binibigyan ako ng nagtatakang mga ngiti.

Sumilip ako sa likuran ng upuan ko ngunit wala namang ibang tao doon maliban sa isang babaeng teenager na buntis at anak niya. Naka-suot ito ng makakapal na damit. Hindi naman siguro siya iyon di 'ba?

Pero tandang tanda ko pa rin ang naramdaman ko. Sigurado ako na may humawak sa akin at nagtututok ng patalim sa pisngi ko. Hindi ko malilimutan kung gaano ang malamig na metal na iyon ay unti-unting tumusok sa pisngi ko. Hinawakan ko ang mukha ko at may naramdaman akong maliit na hiwa doon at kaunting dugo ang nalipat sa mukha ko. Kaagad ko naman itong tinapalan ng panyong nasa bulsa ko.

"Miss, okay lang kayo?" tanong ng lalaking nasa tabi ko.

Saka ko napagtanto na nakatayo pa rin pala ako sa posisyon ko habang pinagtitinginan ng mga tao. Yumuko na lamang ako sa kanila dahil sa labis na pagkahiya at dahan dahang bumalik sa upuan ko.

Grabe, Felize. Ano bang nangyayari sa iyo? Kakaumpisa pa lang ng misyon ko ngunit kung ano-ano na ang nangyayari rito.

"Hala miss, nagdudugo ka." sambit ng lalaking napansin ko na halatang nakita ang sugat ko.

Kinuha niya ang kamay ko at inalis iyon sa may pisngi ko para tignan ang sugat.

"Hindi naman malalim ang pagkakasugat nito, miss pero kailangang tapalan dahil naagos ang dugo." nakangiti niyang sabi sa akin.

Pinagmasdan ko ang lalaking katabi ko. Tantiya ko ay siguro ilang taon lamang ang tanda nito sa akin. Maputi ito at may katangusan ang ilong. Medyo singkit ang kanyang mga mata at mahahaba ang pilikmata. Gwapo si kuya, hihihi.

Pinunasan niya gamit ang panyo ko ang dugong natulo sa pisngi ko. Kinuha niya ang bag na dala niya at parang may hinahanap rito. Kagat-kagat niya pa ang labi niya habang may kinakalikot sa bag niya. Lumiwanag ang mga ngiti niya nang mahanap niya na iyon.

Kumuha pala siya ng band-aid mula rito at itinapal sa sugat na nasa pisngi ko.

"Oh ayan okay na." Sabi niya sa akin habang nakangiti.

Kinuha ko ang cellphone ko na namatay na pala dahil lowbatt na ito at ginamit bilang salamin. Kita ko sa repleksyon ang mukha ko na may band-aid. Tiningnan ko ang pisngi ko at natawa ako dahil dito.

"Seriously, SpongeBob talaga?" reklamo ko sa katabi ko.

Paano kase may design ang napili niyang band-aid. SpongeBob SquarePants pa talaga. Para siyang bata, grr.

Tumawa siya ng mahina saka tumango. "Sorry na, haha. Iyan lang ang band-aid na nasa bag ko eh."

Nagpasalamat na lang ako at itinuon ang atensyon ko sa bintana habang nakatingin sa labas. Malapit lapit na ako sa may bahay nila Tamara. Buti na lang walang mabigat na traffic akong nakaenkuwentro ngayon.

Pinili kong huwag lingunin ang katabi ko dahil nahihiya pa rin ako sa pinaggagagawa ko kanina. Gusto ko nang bumaba kaso medyo malayo pa ako sa babaan ko. Kapag bumaba ako rito ay mas mapapalayo ako. Kakailanganin ko pag maglakad muli o 'di kaya mamasahe kung sakali para lamang makapunta kaagad sa destinasyon ko.

Nang makita ko na ang bababaan ko ay kaagad na akong tumayo at sumigaw sa driver.

"Para!" malakas na pagkakasabi ko para masigurado ko na maririnig ako ng nagmamaneho. Unti-unting tumigil ang bus kaya naman naglakad na ako papunta sa gitnang bahagi ng bus.

Papalakad na sana ako nang may humawak sa kamay ko na pinipigil ako upang humakbang. Paglingon ko ay si kuyang tumulong pala sa akin na naglagay ng SpongeBob na band-aid.

Binigyan ko siya ng nagtatakang ngiti.

"Ako si Lander. Ikaw?" pagpapakilala nito.

"Felize."

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now