AYR 25: HELP

312 26 8
                                    

[PAULINE]

Pinatong na ni Krissha ang libro sa lamesa. Nakuha pala nila ito, huh? Ibig sabihin nagtagumpay talaga kami sa misyon namin noong nakaraan.

"Anong gagawin natin diyan?" tanong ko sa kanila.

"Maybe there are clues written here?" sagot ni Krissha.

"Teka lang guys, diba last time may reward tayo at yun yung pictures nung nakaraan. Kaya ba wala tayong natanggap ngayon ay itong libro na mismo ang clue natin?" nagtatakang tanong ni John.

"Puwede pero--" I was cut off when Tamara spoke.

"That is really our reward." she said.

"How?" All of us almost asked in unison.

Napatitig sa amin si Tamara saka isinuksok ang kamay sa bulsa. May nilabas siyang isang piraso ng papel.

"Papel na naman? 'Wag mong sabihing code uli 'yan?" tatawa-tawang tanong ni John.

Seryoso lang na tumitig si Tamara kaya nawala ang mga ngiti sa labi ni John.

"Bakit?" kabadong tanong ni John.

"You're right. This is a code. At may kinalaman ang librong iyan para macrack ang code na ito."

Code galing sa libro? Bago 'yun ha? Paano kaya ginagawa yun?

Pinakita sa amin ni Tamara ang code at nakakasakit ito sa ulo dahil puro numbers lang naman ito.

[ 1, 23 ]
[ 3, 24 ]
[ 1, 16 ]
[ 3, 2 ]
[ 2, 75 ]
[ 1, 28 ]

"Para saan yang mga numerong 'yan? Pano natin 'yan madedecode?" tanong ko sa kanila.

Si Tamara ang sumagot sa amin. "Well, we need to see the contents of the book first in order for us to decipher the text."

Lahat kami lumapit sa puwesto kung nasaan si Krissha dahil malapit sa kaniya ang libro. Lahat kami, maliban kay Hale.

Nilingon namin siya pare-pareho.

"Ano?" tanong nito sa'min.

Nilalantakan niya na pala ang mga pagkain na nakalagay sa may bedside table ni Hale. Hay nako! Nauna pa sa may sakit.

Tumingin siya sa amin saka gumawa ng peace sign gamit ang dalawang daliri.

"Sorry! Nagutom lang ako, hehe?"

Sumunod na rin siya sa amin na lumapit sa libro. Ang libro ay pinamagatang "OMNIBUS". Ang paraan ng pagkakasulat o pagkakaimprenta ng libro ay nagbibigay ng kakaibang aura para sa libro.

Binuksan namin ang libro ngunit nagtaka kami nang tatlong works lamang ang nakalagay dito at pawang mga maiikling tula pa. Nasa isandaan ang pahina ng libro ito ngunit ang unang tatlo lamang ang nagamit.

Strange, huh?

Binasa namin ang mga nakasulat dito. Bawat isang pahina ay isang maikling tula lang din ang nakaimprenta.

ARE YOU READY? | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon