AYR 53: SEEK

182 13 0
                                    

[TAMARA]

Mabilis kaming kumilos ni Krissha upang ipagpatuloy ang paghahanap kay Felize habang sina Pauline naman ang humarap sa mga lalaking nakaitim.

Sila ang nangdistract sa mga ito para makaalis kami sa labanan. Lumingon ako upang masigurado na okay lang sila at nang makita kong nakikipaglaban na sila ay hindi ko maiwasang kabahan para sa kanila. Sana maging maayos lang sila.

Pumunta kami sa may dulong bahagi ng second floor na malayo sa nangyayaring kaguluhan at hinalughog ang mga kuwarto na naroon, nagbabasakali na mahanap si Felize na nagtatago rito.

Habang mas tumatagal ang pagkawala ni Felize, lalo akong kinakabahan para sa kanya. Gaya nga ng sinasabi namin dati, hindi namin alam kung ano ang kayang gawin ng mga ito, kaya hindi kami maaaring magpatumpik-tupik pa dahil maaaring nasa peligro na ang buhay ng isa sa amin.

Patuloy lang kami sa paghahanap nang may sumulpot bigla na lalaking nakaitim sa harap namin ni Krissha. Nagkatinginan kami ni Krissha saka nagtanguan. Kailangan naming mapatumba muna ito.

Naglabas siya ng may katamtamang arnis kaya't lalo akong kinabahan para sa amin ni Krissha. May nakita akong golf club sa may gilid kaya kinuha ko ito upang ipandepensa. Si Krissha naman ay may nakuhang walis tambo. Natawa ako sa hawak niya, medyo maarte pa ang pagkakahawak niya rito na halatang nadudumihan sa kinuha niya. Paano kase, iyon pa 'yung kinuha.

Diniinan ko ang hawak ko sa golf club na ito dahil nararamdaman ko ang mga kamay ko na nanginginig. Hinigpitan ko ang kapit dito saka naghintay sa pag-atake ng lalaking nasa harapan.

Iwinasiwas niya sa ere ang hawak niyang arnis na para bang nagmamayabang, saka lumapit sa akin. Kaagad akong yumuko at nagpadulas pakanan para makaiwas habang si Krissha naman ay nalatulala lang sa may malayo. Pinalo ko siya ng hawak kong golf club ngunit nakaiwas siya at napalo ako ng arnis niya. Napaaray ako sa sakit ng pagpalo niya.

Umatras ako hanggang sa maramdaman ko ang kahoy na lamesa sa likuran ko at ibinaligtad iyon para makapagtago mula sa kanya. Ininda ko pa rin ang sakit dahil sa pagpalo niya.

Sumilip ako at nakita kong binali niya ang leeg niya upang patunugin saka linipat ang tingin sa nakatulala pa ring si Krissha. Lumapit siya rito habang si Krissha naman ay patuloy lang na naatras.

Nang ihampas niya ang arnis sa direksyon ni Krissha ay nasangga ito ng babae gamit ang walis tambong hawak. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi siya matamaan nito.

Lumabas na ako kaagad sa pinagtataguan ko saka lumapit sa nakaitim na ito. Pinalo ko siya ng golf club ngunit nahawakan niya ito at nakuha saka itinapon kung saan man. Masiyadong malayo ang narating nito kaya hindi ko na maaaring makuha mula sa pagkakataong ito. Lumapit ng lumapit sa akin ang lalaking ito habang ako naman ay atras ng atras. Ramdam ko na ang butil butil na pawis sa noo ko at hindi ko na malaman kun saang gawi pupunta upang makatakas dito.

Nang makalapit na siya sa akin ay itinaas niya na ang mga kamay niya at papalo na sa may direksyon ko. Ihahataw niya na sana ito nang may malaking vase na tumama sa kanya at nabasag sa may ulo niya.

Tumumba ito at nawalan ng malay at tumambad sa akin ang nakatulalang si Krissha. Siya siguro ang bumato ng vase na ito. Nginitian ko lang siya saka lumabas na ng kuwartong iyon. Kailangan na naming mahanap si Felize.

Nakalabas na kami ngunit tumambad nanaman sa amin ang isang lalaking naka leather jacket at mask. Wala na akong hawak na kahit ano at wala na rin akong makuhang magagamit na panangga sa paligid kaya wala na akong pagpipilian na gamitin kung hindi ang mga kamay ko na lamang. Sinugod na siya ni Krissha gamit ang tambong hawak ngunit nakuha ito ng lalaki saka binali.

"Takbo na, Tamara!" sigaw sa akin ni Krissha habang sinusubukan niyang pigilan ang lalaking ito. Ramdam kong hindi niya kakayanin ngunit nang makita ko sina Hale at Seb na papalapit ay tumuloy na ako sa daraanan ko.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Halos lahat ng lugar ay napuntahan na namin maliban sa isang lugar kaya alam ko na kung saan didiretso. Sa attic.

Tinahak ko ang daan papunta roon saka umakyat sa kahoy na hagdanan. Habang naglalakad, ipinagdarasal ko na makita ko na sana sa itaas si Felize nang mapanatag na ang loob naming lahat.

Dahan dahan kong pinihit ang doorknob ng pintuan saka unti-unting binuksan ito.

Pumasok ako at sinubukang buksan ang ilaw gamit ang switch sa gilid ngunit hindi ito gumana. Pinagpatuloy ko na lang ang pagpasok at ang tanging ilaw na nagbibigay sa akin ng liwanag ay ang galing sa pintuang nasa likod ko.

Maalikabok sa lugar na ito at maraming nakalagay na iba't ibang uri at laki ng box na may mga lamang gamit. Inuna kong maghanap sa may kanang bahagi ngunit wala akong nakita kundi mga laruan ko lang nung bata ako. Nagsimula na akong maghanap sa kaliwang bahagi nang may tumunog na bakal sa may likurang bahagi.

Natatabunan ito ng malalaking box kaya hindi mo kaagad makikita ang lugar. Dahan-dahan akong lumapit dito.  Hindi ko alam pero kinakabahan ako habang papalapit dito ngunit umaasa pa rin ako na makita ko nang nagtatago rito si Felize.

Kinuha ko ang isang kahon at inalis ngunit may tumama sa ulo kong matigas na bakal kaya't napatumba ako.

Aray! Ramdam ko ang sakit mula sa sugat na nasa noo ko at hindi ko mapigilang mapahiyaw sa sakit.

Nakarinig ako ng pagsinghap mula sa hindi kalayuan bago ako nawalan ng malay.

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now