AYR 28: THIRD MISSION-THE INN

305 20 1
                                    

[KRISSHA]

Bumaba na kami ng sasakyan isa-isa at nakabuntot pa rin si Seb sa akin.

Naghiwa-hiwalay kami at nasimulang maglibot upang magmanman sa paligid. Magkasama na naman kami ni Seb dito.

Napunta kami ni Seb sa may liblib na lugar na pinaliligiran ng puno. Puro kulay berde o kayumanggi ang nakikita ko. Ang presko rin ng simoy ng hangin sa gawing ito.

"Ang ganda rito!" Hindi ko napigilang mamangha. Tumingin ako kay Seb upang malaman ang reaksyon niya.

"Yes, it's beautiful." sabi niya habang nakatingin lang sa akin. "So damn gorgeous."

Namula ako dahil sa sinabi niya. I bit the insides of my cheeks to stop myself from smiling widely.

Marahan ko siyang pinalo sa balikat.

"Baliw ka! 'Yung tanawin kase." pagsaway ko sa kanya kase nakatingin pa rin siya sa akin.

"Yeah yeah, but you are more beautiful."

Naramdaman kong tuloyan na akong namula. Yumuko na lang ako ng kaunti para hindi niya makita ang mala-kamatis kong mukha. Nakakahiya!

Gahd. Bakit ganito 'tong lalaking 'to? What did I do to deserve him?

"T-tara na.. mukhang wala tayong mapapala dito-"

Sabi ko sa kaniya ngunit nahagip ng mata ko ang isang puno.

Nilapitan ko ito sa hindi malamang dahilan. Ramdam ko namam na nakasunod lang sakin si Seb.

Napakataas at napakalaki ng puno. Parang ang tagal tagal niya nang nakatayo rito dahil sa yabong nito.

Nilapitan ko ito at napansin kaagad ang nakaukit sa balat nito.

'Lola and Lola loves Tamara'

Mababaw na ang pagkakaukit nito dahil sa tagal ng panahon. Nakapaloob ang nakasulat na ito sa isang puso.

Kaya pala kanina pa hindi mapakali si Tamara? 'Yun pala ang dahilan ng kanyang pananahimik.

This place must be special to her. But I think this is also her nightmare. A fire that she once played onto but can't get any nearer now 'cause she might be burned.

I get it. I understand her now.

"What's with that?" tanong ni Seb mula sa gilid ko.

"Nothing," I gulped. "Let's go back there already."

"O...kay?"

Naglakad na kami pabalik kung saan nakaparada ang sasakyan namin. Wala naman kaming mahalagang nahanap na makatutulong sa misyon maliban na lamang sa nakaukit sa punong iyon.

Nasa may sasakyan na nakaabang sina John, Pauline at Felize habang nakita naman namin sina Hale at Tamara na galing sa kabilang banda ng bangin.

Nakayuko lamang si Tamara at halatang umiiwas ng tingin sa amin, habang si Hale naman ay todo alalay dito.

Nang makita ko ng kaunti ang mukha ni Tamara, pansin ko na namumugto ang mga mata nito at kagagaling lang sa iyak. May ilan pang bakas ng basang luha sa dibdib ni Hale na kitang-kita dahil sa suot nitong gray v-neck shirt.

Nang makalaput sila ay akma ko sana silang tatanungin nang tumunog na naman ang mga cellphone namin

Isa langang dahilan ng sabay-sabay na pagtunog no'n

ARE YOU READY? | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon