Chapter 2: Vindora

20.3K 805 150
                                    

LEAN MACAROV

"Woah." Hindi ko maiwasang mamangha. Mula sa open field kung nasaan ang lumilitaw na ilog, pumasok kami sa masukal na kagubatan at dumating dito. May naglalakihang pader na umaabot sa pinakamataas na bundol, no, it's more than that.

Sa harapan naman namin ay may naglalakihang gate na nakakonekta sa isang tulay na gawa sa bato. sa ilalim ng tulay ay may ilog na umaabot din hanggang sa maabot ng aking mga mata. Sa taas may mga letrang nakaukit  ng salitang Vindora.

Pumunta kami sa maliit na pintuan sa tabi ng gate, kumatok ang lalaking kinuha si meow mula sa akin at sinilip siya ng isang lalaki. Mukhang kagigising lang ng lalaki at nang makita ang lalaki ay mabilis niyang binuksan ang pintuan for papasukin kami. 

Papasok sana ako nangpinigilan ako ng lalaki. Napatigil ako sa paghinga dahil tinutukan niya ako ng espada. Pinaningkitan niya ako ng mata.

"Sino ka? hindi kita kilala, hindi ka basta-basta pakakapasok dito" masungit na sabi sa akin ng lalaki. Ngayon ko lang napagtanto na ang suot niya ay tulad ng suot ng mga kawal sa bahay namin. Nanigas ang katawan ko dahil sa isang galaw ay maari niyang putulin ang ulo ko.

Biglang hinawakan ng lalaking itim ang buhok ang espada ng lalaki at nilayo ito mula sa akin.

"She's with us" seryoso niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ng kawal at humingi ng paumanhin. Pinadaan ako ng kawal at naunang maglakad. Hinawakan ng isang lalaki ang braso ko at inalalayan akong maglakad dahil nawala bigla ang lakas sa katawan ko.

Lumabas ulit kami sa isa pang pintuan palabas ng maliit na kwarto ng kawal, napasinghap ako. Nawala bigla ang takot na naramdaman ko nang makita kung ano ang nasa kabilang parte ng pader.

"Oh my god" nanlaki ang mga mata ko, ang ganda dito. Pagpasok sa loob ng gate, may maluwag na daanan. sa gilid nito at may mga bahay na makukulay at may kakaibang mga disensyo. Sa baba ng mga bahay ay mga maliliit na tindahan kung saan may nagtitinda ng iba't-ibang mga gamit.

May mga karwaheng dumadaan at may nakasakay na mga tao na may iba't-ibang kulay na kasuotan. May mga batang naghahabulan at maiingay ang mga tao sa paghahalina ng mambibili. May mga matatanda na gumagawa ng bula na may iba't-ibang hugis mamangha ang maliliit na bata.

"Madalang lang ang mga tulad mo dito" bigla akong kinausap ng isang lalaki kong kasama, mataas siya, kayumanggi ang balat at may kulay silver na buhok. Nag-aagaw pansin din ang kulay asul niyang mga mata. "Mga normal na taong bigla-bigla nalang sumusulpot sa boundary"

"H-ha?" taka kong tanong. Parang na-offend ako sa bigla-bigla nalang na sumusulpot. Hindi ko naman kasalanan yun eh, kasalanan ng multong bumubulong.

"We like to call you mushrooms" nakangisi niyang sabi "para kayong mga kabuti na kung saan-saan lang sumusulpot"

Nagpatuloy sila sa paglalakad pero napatigil ako, Mushroom? ako? mushroom?

Nilingon ako nung lalaking kinakausap ako kanina at napatawa. Bumalik siya sa akin at inilahad ang kamay niya.

"Ako si Wade" sabi niya. Tinitigan ko ang kamay niya at binalik ang tingin sa kanya. Ano ang gusto niyang gawin ko? Inilahad ko din ang kamay ko sa kanya.

 oh. gusto niyang magpagandahan kami ng kuko? ngumisi ako ipinagyabang ang kuko kong bagong linis. 

Napatigil siya nang pareho kaming nakadapa ang mga kamay sa ere. Bigla siyang tumawa ng malakas.

"Takte, anong ginagawa mo?" sabi niya at tumawa ng malakas. pinaningkitan ko siya ng mga mata, hindi ba kami nagpapagandahan ng kuko?

"Oo nga pala," tumigil siya sa kakatawa at huminga ng malalim "I'm Wade Fletcher, I have the Ability to control Ice"  sabi niya.

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONEWhere stories live. Discover now