SPECIAL CHAPTER: Little Ones

82K 2.6K 589
                                    

LEAN'S POV

"Search within the castle! Search every home!" sigaw ni daddy sa mga tauhan niya "Wag na wag kayong titigil hanggat hindi ninyo nahahanap ang apo ko!"

"Flame, kinakabahan ako" bakas sa boses ko ang kaba,nanlalamig ang mga kamay ko at hindi ako makahinga ng mabuti "Shh, everything will be fine."

"Nahanap niyo na ba sila?"  agad kong niyakap sina Shane nung dumating sila, bakat din sa mga mukha nila ang takot, marahas silang umiling

"Nagsimula nang maghanap sina Wade pero hindi parin ako mapalagay, baka kung ano na ang nangyari sa kanila" naiiyak na sambit ni Thaina, hinagod naman ni France ang likod niya

"I'm going after them, take care and do not leave, in case they return, hinalikan ni Flame ang noo ko bago umalis

"Mommy" nanginginig na ang boses ko na tumabi kay mommy, hinagod niya nag likod ko "Wag kang mag alala anak, hindi sila mawawala saatin, I promise" when my mom hugged me, medyo nabawasan ang kaba na nararamdaman ko

"Nasaan na kaya sila? masyado naman nilang kinareer ang pagiging adventurous" umiiling na biro ni Reil pero halata sa mukha niya ang pagkabahala

hindi ako mapakali na walang ginagawa kaya tumayo ako "Hindi ko kaya, hahanapin ko sila"

"sabi ni Flame na wag tayong aalis diba?" pinigilan ako ni Tracy pero tumingin ako sa kanya na may luha sa mata 

"Hindi ko kayang umupo nalang knowing that my child is in danger somewhere" napabitiw naman siya at bumuntong hininga

"Alright, where will we start?"

--

"Logan!"

"Ash!"

"Jayden!"

"Blake!"

"Tyler"

"Aiden!"

kasalukuyang nasa kagubatan kami at naghahanap sa mga bata, madilim na pero nagawan ko naman yun ng paraan, I created light with my own hands. Aiden where are you?

--

3rd PERSON'S POV

"Ngayon ay nasa akin na kayo! sigurado akong hinahanap na kayo ng mga magulang niyo at pag dumating na sila dito ay gagamitin ko kayong hostage pagkatapos ay mapipilitan silang ibigay ang korona saaki-MAKINIG KAYO!" Hindi na napigilan ng isang lalaki ang inis niya dahil hindi sa kanya nakikinig ang mga bata at naglalaro lamang ito

"Eww. papagalitan ako nito ni Mommy, ayaw pa naman niya na nadudumihan ang damit ko" sabi ng isang batang lalaki na si Logan at nakangiwing tinitingnan ang sapatos nito na puro putik

"Ang arte mo talaga maglaro na nga lang tayo!" inis na sabi ng isa pang batang lalaki na si Ash at hinila ang kaibigan niya

abala naman sa paghahanap ng mga insekto ang dalawa pang batang lalaki, si Tyler at Jayden "Uy! tingnan mo 'to oh! ang galing!" turo nito sa ipis na naglalakad sa pader

"yuuuccckk. wag kang lumapit diyan nakakadiri oh!" tumago ang kaibigan nito sa likod, nilapitan sila ng isa pang batang lalaki "ang duwag niyo, ipis lang yan oh!" tinuro niya ito pero bigla itong lumipad

"Anak ng fushushushu! TUMAKBO NA KAYOOO!" sigaw ng mismong nagturo, tiningnan lang siyang dalawang magkaibigan

"Ipis lang daw oh!" bulong ni Jayden nito sa tabi "Oo nga pero takbo ng takbo!" pabulong na sagot ni Tyler at sabay silang naghagikhikan

"Aiden! Aiden! tuungan mo akkoooo!" tumatalon talon na sigaw ni Blake habang pinapagpag ang buhok na pakiramdam niya ay may ipis pa din

tiningnan lang ni Aiden ang kaibigan at ngumisi "Halaaa, oo nga. sunugin natin?" pananakot nito sa kaibigan at nagpalabas ng maliit na apoy kasi baby pa siya kaya baby parin ang fire niya.

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora