Chapter 3: Safiara Academy

145K 4.8K 455
                                    

LEAN MACAROV

"I'm Tracy Ryker" sabi nung magandang babae na pinagpala ng malalaking meh. Lumapit si Shane sa akin at inabutan ako ng tuwalya. Pumunta kami sa kwarto nilang dalawa ni Tracy.

"Ako si Lean, Lean Macarov" sabi ko sa kanila. Napakagat labi ako, I feel guilty not saying may full name. It won't even matter.

"Cute ng pangalan mo tulad sayo, ilang taon ka ba?" tanong ni Tracy.

"I'm 18" simpleng sagot ko. Napatigil si Shane sa pagtutupi ng damit at nilingon ako.

"Seryoso ka?" gulat nilang tanong. Tumango lang ako at nagkibit balikat sila.

"Mag shower ka na dun!" nginuso ni Shane ang pintuan sa tabi ko, tumango ako sa kanya. Malagkit na rin kasi sa katawan. Gusto ko muna ng oras magisip-isip. Pagpasok ko sa CR napangiwi ako, masikip naman dito. Huminga ako ng malalim, siguro naninibago lang ako.

Habang naliligo ako, hindi ko mapigilang mapaisip sa mga nangyayari. Parang hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari sa akin. Hindi ako makapaniwala na napunta ako sa mundo sa labas ng malalaking pader na iyon.

Nang matapos ako, Lumabas ako ng CR. Nakita ko sila Tracy at Shane na seryosong nag-uusap pero ngumiti nang makita ako.

"Done!" Sabi ko sa kanila, Tumango naman sila at ngumiti, may kinuha si Tracy sa isang drawer at inihagis ito sa akin na mabilis ko namang nasalo.

"Here, wear this" Nang tiningnan ko ito, isang maliit na three-fourths na dress na kulay maroon. Binigyan din nila ako ng puting dollshoes.

"Thank you!" Sabay ngiti ko sa kanila 

"You look fabulous!" Tracy exclaimed, pinisil niya ulit ang mga pisngi ko pero pumayag nalang ako dahil pinahiram niya ako ng damit.

"Hey, what's up with your hair? Bakit mahaba masyado?" tanong ni Shane, I just shrugged, Doyle never wanted me to cut my hair. He said it was beautiful at would stare at it intently minsan natatakot na ako sa pagkacreepy niya. 

"Pwede bang bawasan natin? baka mahirapan ka kasi" sabi ni Tracy. Tumango ako sa kanya kaya ngumiti siya sakin at sinuklay ang buhok ko, nakaharap ako sa salamin. Halos kalahati ang nabawas niya sa buhok ko. 

"Ayan! hindi ko masyadong iniksian dahil baka manibago ka" sabi ni Tracy. Tumingin ako sa salamin at nakita ang pagbabago. Yung dati kong buhok na umaabot sa sahig, hanggang beywang nalang ngayon.

"Hmmm," biglang sabi ni Tracy habang nakatingin sa buhok ko "Hindi ko ala ang hairstyle na babagay."

"I fishbraid mo nalang" Sabi ni Shane sa kanya habang nag iimpake

 "Shane, bat ka nag iimpake?" Kunot noo kong tanong sa kanya habang inaayos ni Tracy ang buhok ko. 

"Seriously Lean, Sunday na kaya so we need to to back to the Academy" nagulat naman ako sa sinabi niya. 

"Academy?" tanong ko, parang hindi ko pa narinig yan ah.

"Ay oo nga pala, pasalamat ka at first day palang bukas, madali kang makakahabol"sabi ni Shane habang namimili ng damit

 "Mag aaral din ako?" nagtataka kong tanong. I never went to school, yet alone wala akong mga ability tulad nila.

"What?! hindi mo pa naranasang magaral?" parang shock na tanong ni Tracy sakin

 "Nag-hohome school lang kasi ako" malungkot kong sabi sa kanila, totoo naman. Sa mansyon, mga private tutors lang ang pumunta. I have atleast 9 lessons a day. Kasama na ang etiquette at atlong iba't-ibang linggwahe.

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONEWhere stories live. Discover now