Chapter 23: Family Portrait

91.8K 3.2K 140
                                    

LEAN MACAROV

Pinayagan nila akong bisitahin si Shouma bago kami umalis pabalik ng Academy. Kumatok ako sa pinto ng isang kwarto sa loob ng kastilya. Binuksan ko ito at lumingon ang mga tao sa akin.

Ngumiti ang dalawang bata at tumili nang makita ako, pumasok ako sa loob at mabilis silang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Shouma" mahina kong sabi. Ang higanteng si Shouma ay nakaupo sa higaan, may mga nakabalot na bandeha sa kanyang katawan at sa kanyang ulo. Ngumiti siya sa akin, mas pinakita ang nag-iisang malaking ngipin niya. 

Nagkakalat ang mga dilaw na bulaklak sa higaan nila. Yung binata na nakita kong dala ang mga bata ay nandito din, nginitian niya ako.

"Maraming salamat," sabi niya "dahil sayo mas napadali ang mga buhay namin, pinalitan na ang chief ng bayan namin at malayang makakapunta na sa bayan namin si Shouma."

Napangiti ako sa narinig. Mukhang magiging maayos na ang lahat, huminga ako ng malalim at hinima ang buhok ng batang babae. Ngumisi siya sa akin habang naglalaro ng mg abulaklak.

"Matanong ko lang," sabi niya "kamag-anak mo ba ang hari at reyna?"

Mabilis ako napailing at tumawa ng mahina.

"Hindi," sabi ko "pumapasok lang ako ng Academy tulad nila. Wala akong relasyon sa pamilya nila."

"Ah," sagot niya at napaisip "Naisip ko kasi na kung ikaw man ang magiging reyna, mapapatag ang loob ng mga sinasakupan mo."

Napangiti ako at umiling. 

"Ganda," napalingon ako sa higante. May hawak siyang bulaklak na pinagdikit-dkit at ginawang bilog. Nilagay niya ang korona na gawa sa mga bulaklak sa buhok ko na kinulong ni Tracy kaninang umaga. Nakuntento ang mukha niya "Ganda talaga."

Napatawa ako ng mahina. Nagpatuloy ako sa pakikipag-usap sa kanila tungkol s amg aplano nila sa bayan nila nang may kumatok sa pintuan.

Sumilip mula dito ang reyna, mabilis kaming tumayo at yumuko. Iwinagayway niya ang kamay niya na para bang pinapaupo kami.

"I just need to talk to the Weaver" Nagkatinginan kami ng mga bata at ni Shouma. Ngumiti ako sa kanila. Humingi ako ng kaunting oras para magpaalam. Pinayagan naman ako ng reyna at lumabas siya.

"Aalis na ko dito. Mag-iingat kayo," sabi ko at yumakap sa kanila "Shouma, alagaan mo sarili mo"

Pagkatapos kong magpaalam, lumabas ako ng kwarto. Naghihintay ang reyna kasama ang mga tagasilbi na sumusunod sa kanya. Nakasuot siya ngayon ng puting bestida at ang kanyang korona,  kumpara kagabi simple at maaliwalas siyang tingnan ngayon. Pero ang ekspresyon niya ay hindi nagbago, wala pa rin itong emosyon.

"Kamahalan," sabi ko at marahang iniyuko ang ulo ko "Pasensya na po sa pagpapahintay."

"Oh no need to apologize dear," sabi niya. Nagsimula siyang maglakad at sumunod ako sa kanya "I see the way my son looks at you"

"P-po?" gulat kong tanong sa kanya, it was so random na hindi ko pinaghandaan ang tinanong niya. Akala ko tungkol sa pagiging Weaver ko or pagiging mushroom.

"My son never showed warmth and affection ever since," napatigil siya at huminga ng malalim "his ex lover broke his heart." she trailed off

"Nakikita ko ang pagbabago sa ugali niya, gusto ko sanang ipagpatuloy niya iyon. One of my children may be the future leader of this kingdom, bahala sila kung sino sa kanila I am confident that I have raised powerful leaders." dagdag pa niya "But I have one favor to ask you"

tumigil siya kaya napatigil din ako, lumingon siya sa akin. Ang dilaw niyang mga mata ay sumisilip sa kaluluwa ko.

"Ipagpatuloy mo lang ang pagiging kaibigan niya" sabi niya "I am a fully pledged demon that was raised by dragons, may nagsabi sa akin na isa sa mga anak ko ay ang magmamana ng mga katangian ko. I am not worried about Tracy, hindi fully developed ang ability niya at kaya niya itong kontrolin. She is a kind and patient girl na nagmana sa ama niya. But Flame, namana ni Flame ang pagiging mabangis at mainitin ng ulo ko. If he is overwhelmed with emotion, anger to be specific. Manganganib ang buhay niya, I was able to suppress my potential because I was raised by dragons who are tough pero si Flame hindi. He can burn down kingdoms if his emotions get the best of him. And he will die because of it."

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONEWhere stories live. Discover now