CHAPTER 4: Not in the Human Realm

128K 4.2K 335
                                    

LEAN MACAROV

Hinatid ako ni Tracy at Shane papunta sa sinasabi nilang Headmaster. Nasa pinakataas kami na palapag ng kasilyo. Sa kanang banda ng hallway, may malalaking bintana na tinatabunan ng glass, sa kaliwa naman ay ang mga pintuan papunta sa mga clasroom at sa mga gitna ng mga pintuan ay may malalaking etatwa ng mga tao.

Walang mga tao na tumatambay, siguro ay dahil na rin sa klase. Umabot kami sa pinakahuli ng kasilya na may malaking pinto. Bigla kong naalala ang mansion, maraming pagkakapareho ng mansion at ng Academy.

Automatic ang pagbukas ng malalaking pintuan at bumungad sa aming tatlo ang napakalaking kwarto. may mesa sa gitna at may mga sofa naman sa magkabilang harap ng mesa, sa kaliwa ay puno ng mga aklat at sa kanan naman ay may mga painting. Umasim ang mukha ko, naalala ko nanaman si Doyle. 

Nakaupo sa sofa ang limang lalaki na kasama namin. Si Luke tahimik na nagbabasa at sinusubukan siyang kausapin ni Kairo. Si Tristan naman nakatitig sa salamin at inaayos ang kanyang buhok. Si Flame nakaupo at pinaglalaruan si Meow. Si Wade lang ang tumayo para salubungin kami.

"Kanina pa kayo namin hinihintay, bakit ngayon lang kayo?" tanong niya sa amin. 

"Nakalimutan namin eh, malapit na kaming pumasok sa classroom" nakangiwing sabi ni Tracy. Hinawakan ni Shane ang kamay ko at umupo sa sofa. Nginitian ako ni Shane kaya napangiti din ako.

She looks so kind and gentle, she smells good too. 

Biglang lumibot ang swivel chair sa mesa kaya napatalon ako. Mula dito may matandang lalaki na nakasuot ng floral polo at beach shorts. May mahaba siyang balbas at walang buhok ang ulo niya.

"Saan ka nanaman pupunta?" tanong ni Tristan sa kanya "Bat ganyan ang suot mo?"

Inirapan siya ng matanda na nakaupo sa swivel chair. 

"Wala kang pakialam kung saan ako pupunta, at susuotin ko ang gusto kong suotin" sagot niya. Napunta ang tingin niya sa akin at tumaas ang kilay niya.

"Ikaw yung sinasabing mushroom?" tumango ako, hindi ko parin tanggap na mushroom ang tawag nila sa mga tulad ko. "Ability?" tanong niya, umiling ako.

"Hmmm," sabi ng Headmaster habang may binabasang mga files "That is rare, wala pa kaming natanggap ng mushroom na walang ability. I think you came from the Human Realm"

Nanlaki ang mga mata ko, walang ability na mushroom? Human Realm? biglang nagkagulo yung isip ko. Hindi pa ba ito yung mundo sa labas ng mga pader? Kung hindi ito mundo ng mga tao, nasaan ako?

Nagkatinginan kami ng Headmaster, nakita yata niya ang mukha ko na halatang naguguluhan.

"You are from the Human Realm are you?" nagtataka niyang tanong, bigla napunta sa akin ang atensyon ng mga kasama ko "You came here on accident because you wanted to escape did you?"

Hindi ako makasagot, tumango lang ako. 

"totoong gusto kong tumakas" panimula ko "pero Human Realm? hindi ba ito ang mundo ng mga tao? may ibang mundo pa ba? nasaan ba talaga ako?"

Kumunot ang noo nila sa sinabi ko.

"Lean, saan ka ba nanggaling talaga?" tanong ni Kairo sa akin, umiling ako. "H-hindi ko alam" sagot ko.

Kwinento ko sa kanila lahat ng nangyari bago ako makapunta dito, pati rin sila naninibago. 

"Hmmm," tumayo ang Headmaster at nag-isip "Ito ang unang pagkakataon na nangyari ang sitwasyon na ito"

"Mushrooms--that is what we call to humans that get lost here-- are summoned in our world because their desire to escape reality is too powerful" panimula ng Headmaster "pero madalang lang ito nangyayari, minsan may mga mushroom na napupunta dito dahil hindi sila normal, mga tulad namin na napunta sa mundo ng mga tao. Siguro sa iyo, sa kagustuhan mong makatakas ay binigyan ka ng oportunidad na makawala kaya bumukas ang portal sayo"

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon