Chapter 28: Concert

68.3K 2.3K 146
                                    

LEAN MACAROV

"Bakit ganyan mukha mo? ayaw mo bang maging partner ang gwapo na tulad ko?" 

Lumapit sina Wade at iba naming mga kaibigan. Sinamaan ko ng tingin si Wade, hindi niya sineseryoso yung pagdadamdam ko. Lumapit si Shane at Tracy at yumakap ng mahigpit.

"Nagsisi ako na naging Academy officer pa ako. Forget the benefits, I wanna sleep" sabi ni Tracy na nagkakalat ang buhok at nangingitim ang ilalim ng mga mata.

"Nagugutom na ako," sabi ni Shane "Isang oras lang ang break namin kailangan kong kumain ng madami."

Napatawa ako, hindi lang sila ang mukhang mga pagod. Maging si Tristan, Kairo, Luke at Wade ay mukhang bibigay na din.

"tara, kain mo na kayo, ako magbabayad" sabi ko sa kanila, nanlaki ang mga mata nila. 

"Talaga!?" sigaw ni Trsitan "Kahit ilan ha, walang bawian." 

"Oo nga, yana nalang matutulong ko sa inyo."

Lumapit si Kairo at pinulupot ang kamay niya sa braso ko.

"Ikaw talaga ang paborito ko Lean!" sabi niya.

"Ako?" napalingon kami kay Luke na nakasimangot. Lumapit naman si Kairo kay Luke at pinulupot ang kamay niya sa braso nito.

"Nagbibiro lang, pangalawa lang si Lean." natatawa niyang sabi "Ikaw kaya ang bebe Luke ko."

Nandidiri siyang tiningnan ni Luke at tinulak siya palayo at nagsimulang maglakad at naghanap ng makakain.

"kadiri ka Kairo, di tayo talo"

Natawa ako, napalingon ako sa dalawang magkasama na nasa likod nila. Hindi ko sila napansin, nakita ko si Flame na seryosong nakatingin sa akin at si Hilda na hawak ang kamay ni Flame na nakikitawa rin. Nag-iwas ako ng tingin, kumirot nanaman yung dibdib ko sa nangyari.

Ang sakit tingnan ng taong gusto mo pagkatapos ka niyang itaboy.

Hindi ako nagpadala sa emosyon at kumain kasama ang mg akaibigan ko. Naglaro din kami sa mga booth hanggang sa naubos na ang oras at kinailangan na nilang bumalik sa mga gawain nila. Natira kaming lima, kasama si Flame at si Hilda. 

Things got awkward. Wala niisa ang nagsasalita sa amin. With the five of us in one place, its really not a good idea.

"Flame," sabi ni Hilda at inihilig ang ulo niya sa balikat ni Flame. "Wala na bang ibang pwedeng gawin? nabobored na ako dito."

"Marami pa akong gawain. Maglibot ka lang muna" sabi ni Flame sa kanya. Napanguso si Hilda at napatingin sa amin.

"I don't like the company." maarte niyang sabi. Gusto kong mapairap, ikaw pa talaga ang mag-iinarte.

Nagbuntong hininga si Flame at hinawakan ang pulsuhan ni Hilda.

"Just come with me." sabi niya at hinila si Hilda palayo. Ngumisi siya at tumingin sa akin. I just stared back at her.

Ang araw ay mabilis na lumipas at nandito na kami sa huling araw ng Festivities at bukas na ang ball at ang firework display.  Abala ang mga studyante sa pag-aantay ng idolo nila. Nag set-up kagabi ng malaking stage sa kanan na parte ng Academy grounds at sa kanan naman ay ang kaunting booth para sa inumin at pagkain at may malaking campfire sa gitna. May mga studyanteng nagsasayawan palibot dito at meron namang nakaupo lang at nag-uusap. May mga studyanteng nagkakantahan at nagtatawanan.

"Thank god, for the last day" sabi ni Tracy habang kasama naming naglalakad-lakad sa campus. Tiningnan ko rin kung maayos na ang dekorasyon na nasa paligid ng stage.

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONEWhere stories live. Discover now