Makasarili

283 2 0
                                    

Hindi ko alam,
‘Di ko lang namamalayan;
Ako ang may kasalanan,
Gayon na rin ngayong kasalukuyan.

Ngunit naglao’y napansin ko na;
Inaamin kong makasarili ako.
Kung sinasabi niyong mabuti akong tao,
Pwes, mali kayo sa inaakala niyo!

Akala niyong masaya na.
Suot ang maskarang pakitang-tao,
Ngiting kahit anong anggulo,
Hindi pa rin makita-kita ang saya nito.

Nang marinig ko ang mga usap-usapan,
Kung nagsasabi kayo,
Na ayaw ko lang mangdamay ng ibang tao,
Sasabihin ko sa inyong sarili ko lang inaatupag ko.

Sawang sawa na ako,hindi ko na kayang hawakan ito, Pero kailangan. Kailangan sa hindi ko mawaring kadahilanan.

Hindi ko alam ang dahilan,
Kung bakit ako nagkaganito,
Na taong hindi totoo,
Sa mga taong nasa paligid ko gayun na rin sa sarili ko.

Nakatingin lang ako sa salamin, nay-iniisip.
Sawang-sawa na ako sa kalagayan ko,
Dahil hindi ko na kayang panindigan ito,
O, baka may iba pang rason kung bakit nagkaganito?

Palagi kong iniisip na;
Makasarili ba talaga ako,
O, pagiging artista ang gusto ko?

**

The poem above (the poem picture) was my first draft about two years ago. It haven’t changed a bit after rewriting the poem today though. Thanks for reading by the way. I also changed some which didn’t had done justice for the poem itself so I removed those parts.

–outofwordtheater

Mga Tula (Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon