Jowa

192 1 0
                                    

Napatingin ako sa paligid ko.
Nakikita ko sa kanan at kaliwa ko
Na may mga jowa ang mga kaklase’t kaibigan ko.

Ang iba, ang daling makakita.
Akala mo single pa,
‘Yun pala, taken na mamaya.

Ang iba naman paiba-iba ng jowa.
Pang-tatlo, pang-apat, pang-lima.
Parami nang parami ang nasa listahan ng nagiging jowa nila.

May short-distanced,
Long-distanced,
At online pa ang distance.

May one month pa lang,
May umaabot ng three years, humigit o kumulang,
At may naghihiwalayan kahit sila’y one day pa lang.

Pero, lola niyo, wala kahit ni isa.
Wala pang nagiging jowa ang lola.
Bakit nga ba wala akong jowa?

Simple lang naman,
Ayaw kong masaktan,
Ayaw kong umiyak ng walang katapusan.

Pero ang masaklap na katutuhanan,
Ang lola ay matanda na ngayon,
At walang nanliligaw na naligaw sa makamandag kong kapanahunan.

Mga Tula (Poems)Where stories live. Discover now