Luha't Pighati

65 1 1
                                    

Ang lahat ng pasa’t pasakit,
Lahat ng luha’t pighati,
Lahat ng pag-iisa’t
Dalangin.

Oh, Diyos ko, ito’y aking dasal,
Aking pakiusap at hangad;
Anak ko sana’y mabuhay
At wasto.

Kahit sa kalagayan kong ito,
Sa Iyo pa rin ako tatakbo;
Walang-wala man ako,
Siya ay alay ko Sa Iyo.

Mga Tula (Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon