5. No turning back

180K 3.7K 402
                                    

"Tell me, Thea, bakit ang tagal mo kanina sa rest room, anong nangyari, masama ba ang pakiramdam mo?"

I almost gasped right after hearing Sebastian's question. Hindi ako agad nakasagot. Nasa silid niya ako at pinaiinom siya ng gamot. Patulog na kami. Ang buong akala ko ay hindi niya ako tatanungin nang ganoon. I just bit my lower lip and smiled at him. Nagkibit-balikat na lang ako - I acted okay - iyong parang wala lang, iyong parang hindi ako kinakabahan, pero kinakabahan ako kasi hindi ako alam kung anong magiging reaksyon niya sa oras na malaman niya ang nangyari sa amin ni Yvo.

I sighed. Nararamdaman ko pa rin ang bawat hagod ng labi niya sa labi ko na para bang magkahugpong pa rin an gaming mga labi. Wala akong ibang naisip kanina kundi kung gaano ako nangulila kay Yvo at kung paano ko gustong maibsan niya ang pangungulila na iyon. I kissed him with all that I have - all the power and all that was ever left in me. Ginawa koi yon para sa sarili ko. Gusto kong maging masaya. Gusto ko siyang makasama kahit na natatakot ako sag alit sa kanyang mga mata.

"Natagal lang, alam mo naman. I need to be presentable." Tiningnan ako nang mariin ni Sebastian. Ngumiti lang ako sa kanya tapos ay hinagkan siya sa pisngi. I said goodnight to him and immediately left his room. Pumasok ako sa silid ko - ganoon pa rin ang set up namin sa bagong mansyon na binili niya sa loob ng isang exclusive village sa metro. May malaking verandah sa kwarto ko - it overlooks the city and from where I am - I can also see the house in front of us. Malaki ang bahay sa kabila - mukhang kilala ang mga taong nakatira doon dahil sa dami ng sasakyan at mga lalaking nakaputi na nagpapalibot-libot sa bahay nila. I just stood there savoring the view of the city from my room.

Naaalala ko na naman si Yvo. I missed him. Hanggang ngayon ay mabilis ang tibok ng puso ko dahil na rin sa ginawa niyang paghalik sa akin. Paulit-ulit sa isipan ko ang isinisigaw ng puso ko kanina - I miss him. I'm still in love with him. Hindi ko alam kung kaya ko ngayon na harapin pa si Sebastian nang nakatingin sa kanyang mga mata. I'm scared that he might hate me for what I did with Yvo but I can't seem to disobey my heart.

I sighed. Isinara ko ang French door ko at bumalik sa kama ko. Sumadal ako sa headboard at saka pumikit. I saw Yvo's face. His dark eyes and his face - that knee shattering look. His voice and the way he called my name - it's just so...

Napadilat ako nang mag-ring ang phone ko. It was an unknown number. Kahit na hindi ko alam kung sino iyon ay sinagot ko dahil baka emergency. Idinikit koi yon sa tainga ko at saka ako nagsalita.

"He-hello..."

There was nothing in the other line. Wala akong marinig kundi ang mariing paghinga. Kumunot ang noo ko. Tumibok nang mabilis ang puso ko. Is there a possibility that the caller is indeed Yvo Consunji?

"Y-yvo..." Halos anas na iyon na lumabas sa bibig ko. Hindi ako makahinga. I heard the other line sighing.

"I can't sleep, Althea. You have intoxicated my being again." Nanlaki ang mga mata ko. Kumunot ang noo ko. Nanikip ang dibdib ko. Gusto kong sumigaw. I don't know if he's saying those things just to make me fall - may ihuhulog pa ba ako? Hulog na hulog na ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag sinunod ko ang puso ko ngayon. Alam kong may mangyayari kapag hinayaan kong ma-expose ako kay Yvo pero anong gagawin ko? I feel like I've been pushing away happiness for a long time at ngayon na nakalatag sa akin ang happiness na iyon - kaya ko pa bang tumanggi.

"N-nasaan ka?" Tanong ko.

"Why? Do you wanna spend the night with me, Althea?" Tanong niya sa akin. My mind is saying Yes! Gusto ko. Gusto ko siyang makasama. I bit my lower lip. Tumango ako na para bang nakikita niya ako. Saka lang ako nagsalita.

"Gust-to ko, Yvo." Mahinang wika ko. Wala na akong pakialam kung masasaktan ako o iiyak ako sa huli. I just wanna be with him because I wanna be happy. Yvo is my happiness. I'll embrace him even if he pushes me away.

Exclusively HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon