3. That gesture

185K 4.2K 432
                                    

"Oh my gosh! I'm so sorry, Sir!"

Agad akong napatayo nang makilala ko kung sino ang nasa harapan ko. I don't know his name but I know him and according to my co-workers he is one of my bosses and I yelled at him - oh my god! Oh my god talaga! I didn't even bother wiping my tears away. Wala akong care kung kala tang mascara ko basta kailangan kong mag-sorry sa boss ko. I bit my lower lip. He looked as if he just got out of a very formal party. He's in a suit. His eyes and hair is as black as the night and I couldn't seem to forget the first moment I saw him.

He gave me a chaste kiss at the side of my lips.

Oh my gosh talaga! Why am I so bobo?!

"S-sir, sorry po. I didn't see you." Nagyuko ako ng ulo. Hiyang-hiya ako. Paano pa ako haharap sa boss ko? Bago lang ako sa trabaho at bago lang ako sa mundong ito baka mamaya ay i-fire niya ako. Ayokong ma-fire! Daddy pa naman is so proud of me because I got a job that is not related to our family business or to my mom's teaching job.

"What are you doing there?" He asked me. Mataman siyang nakatingin sa akin na para bang hindi niya alintana ang hitsura kong mukhang nadumihang cotton kendi. Kinagat ko ang labi ko. Sinubukan kong itaas ang braso ko para punasan ang pawis ko nang maamoy ko ang sarili ko.

Amoy sukang Datu Puti! I'm so maasim na! And so oily! I really hate Edgar for doing this to me! How dare he cheat on me with that barbeque stick! Bigla na naman akong nanlumo nang maalala ko kung anong ginawa niya sa akin.

For crying out loud! Anniversary namin and I was about to give him my virginity buti na lang at hindi ko naibigay sa kanya kundi maghahalo ang puti at de color sa labahan! I just sighed. I never wanted to feel like this. Ang gusto ko lang ay maging masaya. Positibo akong tao - lahat sa paligid ko ay tinitingnan ko bilang masayang bagay. Kuntento ako sa kung anong meron ako at hindi ako naghahanap ng kahit na ano. Ganoon ako pinalaki ng mga magulang ko at ganoon ko tingnan ang buhay. For me, every sunset is a start of a new beginning and every sunrise is a journey worth taking. I sighed.

Noong hindi ko nakikilala si Edgar ay masaya naman ako. I never even thought of having a boyfriend noong hindi ko pa siya kilala. But when I met him - I started having dreams of having a special someone - someone whom I can hold hands with or kiss whenever I like. I didn't want to be alone all of a sudden, kaya noong nilagawan niya ako, sinagot ko siya agad. Siya ang naging kasama ko sa buong college life ko. He's two years older than me, mas maaga siyang nakatapos kaysa sa akin pero palagi niya pa rin niya akong pinupuntahan. I sighed. Ang sakit-sakit ng puso ko.

"I'm very sorry, Sir."

"What are you doing at the sidewalk, Miss?" He asked again. Para bang hindi na niya ako natatandaan. Malandi lang siguro talaga siya. Nagkibit-balikat na lang ako.

"Nothing, Sir. I'm just counting the dirt. Uuwi na po ako." Nilagpasan ko siya. I tried saving my dignity. Isang linggo pa lang ako sa kompanya nila ay nasigawan ko na ang boss ko. Nakakahiya talaga. Ano na lang ang iisipin niya sa akin?

Humakbang ako palayo pero naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. When I looked at him, I saw him grinning like a little boy. Something inside me made me wanna grin like that.

"You wanna go grab some ice cream?" Biglaang tanong niya. Napataas ang kilay ko. Sabagay, gusto ko rin ng ice cream. Gusto ko ng malamig na ice cream, tapos strawberry flavor, tapos didilaan ko hanggang sa makalimutan ko na ang ginawa sa akin ni Edgar. Marahan akong tumango sa kanya. He took my hand and made me walk. Tumawid lang naman kami at tinungo ang 7/11 sa tapat. Pumasok kami. Tahimik lang naman ako. I sat on one of the chairs inside but he looked at me and signaled me to come to him and so I did. Tumapat kami sa freezer at saka tumingin sa loob niyon. Nakita ko agad ang strawberry ice cream na gusto ko. I looked at him tapos ay tinuro ko ang isang gallon ng ice cream. He just looked at me. Sumenyas siya ng number one sa kanyang daliri tapos ay tumango ako. Bigla siyang ngumiti. Binuksan niya iyon para kunin ang itinuro ko saka binayaran sa counter.

Exclusively HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon