16. Nearing

112K 3.1K 647
                                    

Masaya sila at masaya ako para sa kanila. Malaking - malaki na ang tyan ni Thea at natutuwa ako kapag nakikita ko kung paano alagaan ni Yvo ang mag-ina niya. Oo - kanya. Kahit naman kasi baliktarin ang buong mundo - boto ako para sa kanila at naniniwala ako na para sila sa isa't isa. Dahan-dahan ko nang naiintindihan ang istorya ng bawat isa sa kanila and I really think that they owe each other a lifetime of happiness.

Kitang-kita ko sa mata nila kung gaano nila kamahal ang isa't - isa at nagkakaroon na iyon ng katuparan.

Kaya lang, madalas kong tanungin sa sarili ko ngayon kung bakit ako nasasaktan. Di yata'y tinamaan ako. Kung sabagay, aaminin ko na rin naman na noong una ko siyang nakita sa opisina ay nagka-crush kaagad ako sa kanya. Sino ba namang hindi magkakagusto kay Yvo Consunji? He's a total package and maybe - just maybe, I am starting to fall for him.

Nakikita ko kasi kung gaano siya kabuti kay Thea at kahit na parang ako ang third wheel - hindi ako talaga ang third wheel sa bahay na ito - kaya hindi ko mapigilan ang makaramdam ng something sa kanya talaga. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko dahil kaibigan na ang tingin ko kay Thea at hindi ko gagawin sa kanya ang ginagawa ng mga kontrabida sat v.

"Liway!" Nagulat ako nang biglang may pumalakpak sa harapan ko. Nakita ko si Thea - ang una ko talagang nakita ay ang mabilog niyang tyan. Six months na ang tyan niya at mayabang na mayabang na iyon. May dala siyang cupcake.

"Nag-bake ako ng cupcakes. May date kasi kami ni Yvo ngayon." Dama ko ang kilig sa boses niya. "Papunta na nga siya. Nag-text na siya at sinabing aalis na siya sa office ngayon. I prepared cupcakes for him. Mahilig kasi iyon sa sweets. Kaya lang feeling ko napakatamis ng nagawa kong cupcakes, can you taste it?" She asked me. Wala namang pag-aatubiling kinuha ko ang cupcakes at tinikman iyon.

Masarap ang gawa ni Thea. Mukhang masayang-masaya siya sa kinalabasan ng cupcakes niya. Itinaas ko ang dalawang hinlalaki ko dahil hindi ako makapagsalita.

"Ay talaga! Akala ko too sweet! Sabagay ganoon naman si Yvo, he's too sweet! Naalala ko noong minsang pinagbawalan ko siyang manigarilyo. College pa lang kami noon, tapos nagalit ako, huminto naman siya pero ang ginawa niya kain naman siya nang kain ng matatamis. Sabi ko sa kanya mas gusto kong magka-diabetes siya kaysa cancer. I'm so in love with him, Liway at natutuwa ako dahil dahan-dahan ko nang nakikita iyong Yvo na minsang nagmahal sa akin aty minahal ko."

Nginitian ko si Thea. Nasasaktan ako. Alam kong hindi dapat pero nakakaramdam ako ng sakit. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Masaya ako para sa'yo." Sabi ko sa kanya. Sincere ako. Talagang napakasaya ko kaya lang hindi ko maiwasan ang hindi masaktan. Gusto kong umiyak ngayon.

"Salamat, Liwayway. Tama ka eh, kailangan lang namin mag-usap. Kailangan lang namin intindihin ang bawat isa. Ginawa ko din iyong sinabi mong ipakita ko kay Yvo na hanggang ngayon ay mahal ko siya, hindi ako napagod. Tama ka... look where we are now?" Tumango na lang ako. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. I wanted to apologize to her. I want to tell her how sorry I am for falling in love with Yvo Consunji.

"Ngayong okay na kayo, pwede na siguro akong bumalik sa buhay ko - este umalis sa bahay na ito. Na-mi-miss ko na kasi ang nanay ko." Pagsisinungaling ko. Noong nakaraan ko pa pinag-iisipan iyo. Kung hindi ako aalis, magakakagulo lang lalo kami. Ako ang walang karapatan kay Yvo, ako ang bago, ako ang kailangan umalis. Alam ko naman kung hanggang saan ang kaming dalawa.

Maya-maya ay narinig ko na ang pagparada ng sasakyan ni Yvo. Alisto naman si Thea na agad tumayo. Inalalayan ko siya tapos ay sabay namin siyang sinalubong. Hindi yata mag-isa si Yvo. May kasama siyang isang lalaking halos kasing edaran niya lang. Magkahawig ang kanilang mga mata kaya naisip ko nab aka magkapatid sila.

Exclusively HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon