17. Dead Ends

113K 2.9K 1.4K
                                    

Four months later...

"Her name is Andromeda, she's so cute and she's so little."

Mukhang tuwang-tuwa si Yvo sa anak namin. Kaharap niya si Yna at si Yllak habang isasayaw-sayaw ang baby namin. I gave birth to a baby girl and I named her Andromeda just like what Yvo wanted. Andromeda is two months old at napapansin ko na gustong-gusto niya ang boses ng Daddy niya. Tuwing nagsasalita si Yvo ay pumapalag siyang parang lumalangoy. Ako naman ay gustong-gusto kong panoorin silang dalawa ng anak niya.

Kasalukuyan akong nasa kusina, tinatanaw ko lang sila sa dining area. Yvo's hair is longer now and it adds character to his personality. Nakita kong ibinigay niya kay Yna si Andromeda tapos ay lumakad papunta sa akin. Una, hinagkan niya muna ako sa labi tapos ay sa gilid ng aking sentido, ipinalupot niya ang braso niya sa baywang ko saka ibinaon ang mukha niya sa aking leeg.

"I love you..." He said. I smiled.

"I love you too... I'm so excited about the wedding." Wika ko pa sa kanya. Tumawa si Yvo.

"Ako din. Sabi nga ni Nanay, everyone is getting married, Yllak and Yna plans of having their wedding next year but Nanay requested for them to be married three years from now. Hindi pa yata niya kayang pakawalan ang mga bunso niya." Tumawa siya at hinalikan ako sa leeg. Natutuwa ako kay YVo, siyang-siya na iyong nakilala ko noon. Tama nga iyon kasabihan, pain can change people but love eases away every ounce of pain in our hearts.

"Sasamahan nga pala ako ni Ate Yza sa designer mamaya. Gusto mo bang ikaw na lang ang sumama sa akin? Para kasing ang laki-laki na ng tyan ng ate ko pero ilang months pa lang naman iyon."

"Ay naku, gusto ko mang samahan ka pero binawalan ako ni Ate. Umiiwas lang ako sa sandok, but I'll miss you. I'll stay with Yllak and Andromeda here, we'll just wait for you."

Hinagkan ko si Yvo sa ilong tapos ay tinulungan niya akong mag-ayos ng pagkain tapos ay pumunta na kami sa dining area kung saan tuwang-tuwa si Yna sa pamangkin niya. I am admiring the fact that Yvo is such a good big brother to his siblings and that he is a good father to our baby. Alam kong magiging good din siya sa mga susunod naming anak at natutuwa ako sa isiping iyon. Habang nagmimeryenda ay dumating naman si Yza at kasama niya ang anak niyang lalaki - si Hyron. Hyron seemed to be really close with his Uncles. Nakipaglaro rin siya sa anak ko. Kami lang ni Yza ang umalis. Pagsakay namin sa kotse ay naroon si Helios.

"Meet my personal driver. Ayaw niya kasing ako lang ang umalis at baka daw mahirapan ako. O.A. minsan itong asawa ko." Humagikgik si Yza. Napangiti na rin ako. Minsan may tendency din si Yvo na maging o.a. Noong isang gabi ay hindi tumitigil si Andromeda kakaiyak, ang ginawa ni Yvo ay dinala agad siya sa ospital kahit na sabihin ko na hindi naman iyon kailangan gawin.

Nagalit pa siya sa mga nurses sa emergency room, ang siste, hindi lang pala nadighay ang anak niya kaya iyak nang iyak ang bata. I laughed at him habang pauwi na kami. Sabi ko napaka-over reacting niya. He snapped at me. Lalo ko lang siyang tinawanan.

Sa kwarto namin natutulog si Andromeda. Kung minsan ay sa sa gitna naming dalawa. O minsan ay sa dibdib niya. Mahal na mahal ni Yvo ang anak namin.

"We're here." Helios spoke. Bumaba siya ng sasakyan para alalayan si Yza. Binuksan din naman niya ang pintuan ko para makababa ako. Tatlo kaming pumunta sa loob ng mall para makipag-appointment sa designer ng gown ni Yza. Habang naglalakad ay umikot ang mata ko sa loob at doon nakita ko ang pamilyar na mukha ni Liway. I smiled widely. Tinawag ko siya at nilapitan.

"Liway!"

She turned her head on me. Napangiti siya.

"Thea! Kamusta?!" She exclaimed. Nagyakapan kaming dalawa tapos ay nagkamustahan.

Exclusively HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon