13. It will be fun

116K 3.4K 760
                                    

"Hindi ko kasi maintindihan. Alam ko naman na wala akong karapatan, pero pwede ko bang malaman kung anong nangyayari, bakit kasama mo si Mrs. Mendoza, bakit ka umiiyak? Bakit punong-puno ng takot ang mga mata mo, Sir?"

Hindi ko na mapigilan ang pagtatanong. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na sinasamahan si Mr. Yvo Consunji sa cafeteria ng ospital at pinakakalma siya. Hindi man niya lantarang ipakita ang pagluha niya, tama naman na ang takot sa mga mata niya para maintidihan ko na marami siyang kinatatakutan sa mundo - sa pagkakataong iyon ay hindi ko na kaya ang manahimik at panoorin na lang siya.

Hindi naman siya kaagad na nagsalita. Nakatingin lang siya sa tasa ng kape na nasa harapan niya. Huminga ako nang malalim at hinawakan ang kamay niya. He must feel awful. Kung anuman ang nangyari kay Mrs. Mendoza ay sapat na iyon para yanigin ang boss ko. He looked at me.

"She's pregnant." Malamig na wika niya. Hindi naman nagbago ang takot sa mata niya. Puno ng galit ang tinig niya ngunit ang takot ay naroon pa rin at hindi niya iyon maitatanggi.

Hinihintay ko pa ang sasabihin niya. Alam kong may sasabihin pa siya ngunit tila ba hirap na hirap siyang ilabas iyon mula sa kanyang bibig. He sighed again.

"I'm the father of her baby."

Hindi ko na iyon ikinabigla. Ikinapagtataka ko lang ay kung paano sila nagkaroon ng relasyon ni Althea. Wala na ako sa lugar para panghimasukan pa ang bagay na iyon. Tama na ang impormasyong nalaman ko. Tumango na lang ako sa kanya tapos ay nagbuntong-hininga. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayong nalaman ko na ang bagay na iyon. Ano nga ba? May dapat ba akong sabihin?

Nakadama ako ng kaba. Nakahinga lang ako nang maluwag nang marinig ko ang pag-ring ng phone niya. Tinitigan ko lang siya. Walang pasabing tumayo siya at iniwan ako sa cafeteria. I twitched my lips. Para saan kaya ang panghihinayang na naramdaman ko habang pinanonood ko si Yvo na maglakad paalis? Para bang inuokupa ng panghihinayang na iyon ang buong puso ko ngayon.

Parang gusto kong narito lang siya sa harapan ko at kahit na gaano siya kagalit o kalungkot ay gusto ko siyang tingnan.

Nagulat ako nang bigla kong makita si Axel John - ang nakakainis na kaibigan ng kuya ko na umupo sa harapan ko at nginitian ako. Kinuha niya ang clubhouse sandwich ko at nilantakan iyon. Sa inis ko ay hinampas ko siya ng lalagyan ng toothpick sa noo.

"Aray naman Baby Butchog!" Reklamo niya pa sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ikaw! Binabalaan kita ha! Lubayan mo na ang kapatid ko! Hindi kayo bagay maging magkaibigan! Sinisira mo ang buhay niya! Bad influence ka! Fuck you!" Inis na inis ako. Inis ako kay Axel dahil siya ang dahilan kung bakit hindi na umuuwi si Kuya sa bahay at dahil sa hindi niya pag-uwi ay lalong nagagalit si Papa sa kanya. Ilang taon na ang hidwaan sa pagitan ng kuya at ng Papa ko. Gusto ko na maayos na sila dahil gusto kong maging happy family na ulit kami.

Kung hindi dahil kay Axel John, hindi sana huminto sa pag-aaral ang kapatid ko. Graduate sana siya ngayon at malamang siya ay doctor na pero dahil nga sa maitim na budhi ni Axel John Apelyido - napariwa ang buhay ni Kuya at hindi natupad ang pangarap niyang maging nurse.

Sinabunutan ko pa siya sa bangs niya.

"Akala mo nakakagwapo iyang gupit mo? Mukha kang aso!"

"Kung hindi lang dahil kay Ido, matagal na kitang hinalikan. Alam ko may pagnanasa ka sa body ko, Butchog."

"Kakainin ko lahat 'wag lang ikaw, Axel. Maitim ang budhi mo, mahahawa ako sa'yo! Gago!"

Nag-walk out ako. Bumalik ako sa silid ni Kuya na si Yvo ang nasa isipan. Iniisip ko, sinusuri ko ang sarili ko kung gusto ko ba siya? Natatandaan ko ang unang beses naming pagkikita. He half kissed me. Kinilig ako, siyempre, bakit hindi? Pero ngayon na nalaman ko na may relasyo siya sa babaeng may asawa ay hindi ko naman alam kung anong maiisip ko sa kanya. Naroon pa rin ang respeto ko. Ang paniniwala ko sa kanya, pero alam kong may nagbago.

Exclusively HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon