8. Plans

123K 3.3K 547
                                    

"Yllak, hindi ka ba talaga uuwi sa bahay? Nag-aalala na si Nanay sa'yo. Umuwi ka na."

Nakatapat sa tainga ko ang telepono habang kausap ko si Yllak sa kabilang linya. Ilang buwan na siyang hindi umuuwi sa mansion at talagang nag-aalala na sa kanya si Nanay. Hindi ko na maintindihan ang bunso namin. Matigas na matigas ang ulo niya at dahil iyon sa nangyaring pag-alis ni Yna. Marami siyang mga bagay na pinaniniwalaan ngayon na hindi ko maintindihan. Marami siyang mga taong kinamumuhian. Wala siyang pinakikinggan kundi ang galit na nararamdaman niya at iyon ang dahilan kung bakit apektado ang relasyon niya kay Nanay Sheena.

I was on my way to the office that morning. Nasalubong lamang ako ni Nanay sa bahay at itinanong niya sa akin ang kapatid ko kaya narito ako ngayon at kinukulit siya. Yllak didn't answer me. Umungol lang siya tapos ay ibinaba ang telepono. Napamura ako. Ipinasok ko sa parking lot ng building ko ang kotse at saka bumaba. Ibinato ko sa valet ang susi at muli ko na namang tinawagan si Yllak. Hindi na siya sumasagot sa ngayon. Inis na inis na ako. Habang naglalakad papasok ay tinawagan ko si Ate Yza.

"Yvo?" She sounded as if she just woke up. Sa inis ko ay nasigawan ko si Ate.

"Can't you just ask your fucking husband where the hell is Yna para naman umayos na ang kapatid natin!"

"I do not appreciate you yelling at me over the phone, Yvo Mas matanda pa rin ako sa'yo so just fucking shut up! Good day!" Binabaan ako ni Ate ng telepono. Nang muli ko siyang subukang tawagan ay hindi ko na siya ma-contact. Napamura na naman ako. I called Yllak again but there was no answer, si Ate Yza ay patay na ang phone, tinawagan ko si Yna pero unattented din ang phone niya so in the end I called Yto so he could check on Nanay's situation. She seemed so awfully sad this morning but like my other siblings, he isn't answering his phone.

"Busy fucking his wife! People have got to answer their damn phones! Technology ang tawag doon! Fuckers! Phone lang hindi pa masagot! Fuck! Fuck! Fuck!" I said. Natigilan ako saglit nang makita kong halos lahat ng empelyado ko ay nakatingin sa akin. Natitigilan din sila. Punong-puno nang pagtataka ang mga mukha nila.

I cleared my throat and fixed my tie. I looked at all of them.

"What are you staring at? Go back to work." Kalmadong wika ko. Nang makapasok ako sa opisina ko ay itinaob ko ang table doon dahil sa inis na nararamdaman ko. Inis na inis ako kay Yllak at lalo pang nakadama ng inis nag maalala ko ang eksenang nakita ko kagabi.

I was out with some of my friends last night and as I entered the coffee shop to buy some cake for Nanay I saw Thea with Sebastian's son - Paul and they were out for a midnight coffee drink. Naikuyom ko ang palad ko nang maalala ko kung gaano kalawak ang ngiti niya habang kausap niya ang lalaking iyon. Hindi siya pwedeng makaramdam ng saya lalo na at hindi pa ako nakakawala sa kamiserablehang pinaglagyan niya sa akin. Hindi patas ang buhay, gusto kong masaktan si Thea kaya hindi siya dapat ngumiti nang ganoon.

I groaned. Tinawag ko ang secretary ko.

"Erin!"

Agad naman siyang pumasok sa opisina ko. Namumutla siya. She was shaking also. Hindi yata siya makahinga. I looked at her. Napagitla siyang lalo.

"Find me something else I can break." I told her. Tumango siya. Nagpabalik-balik ako sa paglakad sa loob ng office ko at nang makabalik siya ay may dala na siyang isang dosena ng vase. Nagpatulong siya sa utility. Inilapag niya ang mga iyon sa harapan ko at isa-isa kong pinagbabato.

Hindi dapat maging masaya si Thea! Kailangan niyang pagbayaran ang lahat ng ginawa niya sa akin! I cannot let her be happy. Hindi pwede. Nang matapos akong magbasag ay binalingan ko ang utility. Hindi na sila umalis. Matagal ko nang ginagawa ang bagay na ito at alam na nila ang protocol.

Exclusively HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon