10. Suprise

123K 3.4K 778
                                    

Galit. Galit ang nakikita ko sa mga mata ni Yvo sa ngayon at nakakaramdam ako ng takot at lungkot. He faced me. Wala na ang Yvo na minahal ko noon at nagmahal sa akin. Kahit ulit-ulitin kong titigan ang kanyang mga mata, wala na ang taong iyon at alam kong kasalanan ko ang lahat ng nangyayari sa amin.

Hindi isang beses ko inisip kung anong nangyari kung sinabi ko sa kanya ang lahat noon. Siguro ay haggang ngayon, magkasama kaming dalawa. Maybe now we have kids, maybe we are living our happily ever after.

Nakakuyom ang mga palad niya. Napapikit ako ang umigkas ang kanyang kamay. Akala ko ay sasampalin niya ako but then walang dumating na kahit na anong sampal galing sa kanya. His hand was just in the air and it stayed there for a while before he cupped my face to claim my lips. He was holding on to me like everything he has depended on it.

For the first time in many years I felt he intensity of our first kiss. I felt like I was Scarlett O' Hara and I was being kissed by Rhett Butler. As his lips touch mine, I remembered Romeo and Juliet's first kiss - but mine is more epic. Bakit? Because I was being kissed by Yvo and that's enough.

Isinandal niya ako sa hood ng kotse. Tulad nang gabing iyon ay lumalalim ang bawat hagod ng kanyang labi. Iniisip ko kung anong mangyayari sa amin pagkatapos. Alam ko naman ang posibilidad nito.

Alam kong masasaktan ako. Ang tawag na sa akin ay masokista pero gusto kong makasama si Yvo dahil kahit balikatarin ko ang buong mundo siya lang ang minahal ko at alam kong pakamamahalin ko. Mali ang nagaganap. Hindi naman dapat maging mali ito - kung hindi dahil sa akin. Sa nangyari sa amin ako ang may kasalanan. Yvo did nothing but love me and I did nothing but hurt him. Sinaktan ko siya kaya nasasaktan ako ngayon.

Bigla siyang lumayo sa akin. He looked so frustrated. Hindi nga siya makatingin sa akin ngunit damang-dama ko ang galit na meron siya para sa akin. Minsan ay hinihiling ko na sana ay hindi ko na lang nakilala si Yvo - na sana hindi ko na lang natikman ang langit sa piling niya dahil binawi naman kaagad iyon. Hindi ko na kaya ang mga nangyayari sa amin.

"Yvo, I just made a choice. I just saved what's left of my family. Pinapili nila ako, kung ikaw o ang pamilya ko and I chose them. I'm sorry... I knew that moment that I have broken you. I'm sorry." Napahagulgol ako. Lalong lumayo sa akin si Yvo. Hindi na niya ako nagawang tingnan. Nasabunutan niya pa ang sarili niya tapos ay napapaangil pa.

"Ypu married him for money? Althea, you could've married me for the same reasons. I am richer than him - ako lang sapat na para ma-save iyang pamilya mo but still you chose him over me! Akala mo ba inutil ako! There could have been you and me! But you choose him and you! Naging masaya ka ba? Did you finally had the happy ending you wanted?!"

He was shouting. Napahagulgol ako lalo. Alam ko ang mga sinasabi niya at alam kong sa lahat ng tanong niya ay hindi ang sagot. Hindi ako naging masaya. Walang araw na hindi ko pinagsisihan ang desisyon ko. Walang araw na hindi ko siya inalala.

"Putang ina, Thea! Kailan mo ba ako papalayain?" He said. He looked at me. That anger in his eyes broke my heart apart again and again until I don't know how much of my heart is left on me. I hate feeling helpless. I hate seeing Yvo like this. Gumalaw ako at nilapitan ko siya. Pilit ko siyang niyayakap pero umaalis siya. Lumalayo. Hindi naman ako sumuko but that moment when I tried hugging him, naitulak niya ako at iyon ang naging dahilan kung bakit ako napaupo sa lupa.

Napahagulgol ako. Yvo was crying too. Ito siguro iyong long overdue naming break up. Dapat noon ko pa ginawa ito. Dapat noon pang bago ako umalis at magpakasal kay Seb. Hindi ko dapat iniwan si Yvo sa resort.

"See what you've done to me?" He hissed. "This is what you've made me, Althea. You broke me and you're going to pay for every pain and every wound you have given me so ready yourself. Nagsisimula pa lang ako."

Exclusively HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon