Chapter 5

8K 165 24
                                    

I’VE NEVER BEEN THIS NASTY 2 (JAMES FRANCESCO)

 

Chapter 5

Nang mga nakaraang buwan ay napakadami niyang ginawa para guluhin at paghiwalayin si Mitch at si Sydney, napaka immature at selfish ng mga ginawa niya at narealize niya lang na wala namang magandang maiidulot iyon, isa pa ay kitang kita niya na in love ang dalawa sa isa’t isa, lalung –lalo na si Mitch. Ni minsan ay hindi siya tiningnan nito kagaya ng mga tingin nit okay Sydney. He’s looking at Sydney with full of love and adoration so she stopped bothering them, after all these years she finally gave up on having Mitchell.

Kinuha niya ang handbag at ang maleta na nakapatong sa ibabaw ng kanyang kama bago lumabas ng bahay, she needs a breath of fresh air, magbabakasyon siya sa isang villa na pagmamay ari ng pamilya nila. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya at alam niya kung bakit, iyon ay dahil sa mga nagdaang taon ay wala siyang ginawa kundi ang bumuntot kay Mitchell sa kung saan saan. Sa isang taon ay may halos dalawampung Grand Prix at wala siyang pinapalampas doon para lang maghabol kay Mitch, pero ngayon ay umabot na siya sa kapaguran at kawalan ng pag asa pero hindi naman siya nalulungkot talaga, masaya siya na masaya na si Mitchell kay Sydney.

Ipinusod niya ang buhok niyang hanggang balikat bago sumakay ng sasakyan Hindi pa man sumisikat ang araw ay nagpasya na siyang umalis, ayaw niyang gabihin sa daan.

Pasado alas dos na ng hapon at sa tantsa niya ay mga sampung kilometro na lamang at mararating na niya ang villa, hindi niya mapabilis ang sasakyan, malubak at maalikabok ang kalsada dahil hindi pa nasesemento iyon, idagdag pa na tirik na tirik ang araw. Nagsisimula na siyang mahilo dahil hindi pa siya kumakain ng pananghalian.

-

Ilang linggo na niyang hindi nakikita si Spencer, hindi ito pumupunta sa mga race at wala na ring inirereklamo sa kanya si Mitch, sa katunayan ay ang sabi pa nito sa kanya ay sumuko na daw si Spencer. Halos lumundag ang puso niya sa balitang iyon.

Gustung – gusto niyang Makita si Spencer ngayon, kung tumigil na ito sa paghabol sa matalik niyang kaibigan ay maaari na sigurong seryosohin ang mga bagay sa pagitan nilang dalawa.

Makailang beses na niyang tinawagan ito pero operator lamang ang sumasagot, nakapatay siguro ang cellphone nito. Nagpasya siyang tanungin ang kapatid nitong si Killian, ang sabi lamang nito ay baka nagbabakasyon si Spencer sa villa na pagmamay ari ng pamilya nito. Alam niya ang tinutukoy nitong villa at hinding hindi niya makakalimutan ang lugar na iyon. Tahimik siyang napangiti habang tinatahak ang daan papunta sa nasabing villa, mahaba –haba ang magiging byahe niya pero sinisiguro niyang magiging sulit iyon. Tinawagan niya ang sekretarya at nagbilin na huwag siyang aabalahin sa susunod na dalawang araw.

-

Menos singko bago mag alas tres nang marating ni Spencer ang villa, sinalubong siya ng mag asawang katiwala at ng iba pang tauhan sa villa.

Nakahayin sa lamesa ang maraming pagkain at lahat iyon ay paborito niya. Matapos niyang kumain ay nagpasya siyang matulog, nagbilin siya sa mga katiwala na sa hapunan na lamang siya gisingin, gusto niyang sumabay sa mga ito sa pagkain.

I've never been this nasty 2 (JAMES FRANCESCO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon