ITAE MO NA YAN [GOODBYE 2014]

31 1 0
                                    

May sama ng loob? May galit? May masakit? May mabigat?

ITAE MO NA YAN! [GOODBYE 2014]

Hello ako si Seurichan. Aminado akong marami akong kalokohang ginawa ngayong taon at itatae ko na sya. HAHAHA ANG PANGIT NG TERM KO! Pero anyway, itutuloy ko pa rin ang post kong ito kahit hindi naman ako sigurado kung anong sasabihin ko. Uh. As usual, wala lang akong magawa kaya nagsusulat na naman ako dito sa ASDFGHKL;SAKJKA na hindi ko mawari kung bakit umabot ng 1k reads. SALAMAT PARIN HAHAHA! Saka dun sa kaibigan kong sumusubaybay dito kahit hindi naman ito series, salamat! 

Una sa lahat, lagyan natin ng meaning ang tae. Trash Abandon Erase. OHA PINAG-ISIPAN KO 'YAN NG MGA 2 MINUTES HAHAHA! Okay. Ano nga ba 'yung mga dapat nating iTRASH, ABANDON, ERASE? Magbabagong taon na. Magbagong buhay na tayo! Wala namang masama kung magbabago. Ang masama ay kung magbabago ka para sa masama, diba? Mas okay pa kung magtatransform ka mula sa pagiging kung ano ka man papunta sa pagiging neutral. May kaibigan akong nagsabi sa akin na, hindi rin daw tama 'yung 'WAG KANG MAGBAGO~' kasi may mga ugali tayong dapat rin nating ayusin at itama. 

Ngayon naman, bumalik tayo sa tae. TRASH, ABANDON, ERASE. Ano nga ba ang kailangan nating itae? Syempre 'yung waste dahil kung magandang bagay naman, bakit mo sasayangin? Pwede rin pala 'yung magagandang bagay kung ang plano mo ay magimprove, diba? Unahin natin ang para sa kapakanan natin.

ITAE ANG SAMA NG LOOB - Minsan may mga galit tayo sa mga nakakasama natin na dinadala pa natin hanggang pagpapalit ng taon. Dapat 'wag na e. New year nga, ipush mo na! NEW DAPAT LAHAT HAHA! De, syempre mahirap naman makalimot. Medyo mahirap rin magpatawad minsan, diba? Pero isipin mo nalang, kapag hindi mo sya pinatawad, may pakialam ba sya? Wala naman diba? Patawarin mo nalang para pareho kayong walang samaan ng loob. Sabi nga, do not let the behavior of others destroy your inner peace. Saka wala namang mali kung patatawarin mo sya. PATAWARIN MO LANG KASI, 'WAG MO NA BIGYAN NG ISA PANG CHANCE. Gaano katagal ka na bang nababadtrip sa kanya? Naaapektuhan ba sya? O ikaw lang rin 'yung naaapektuhan? Inis na inis ka sa pagmumukha nya, wala naman syang pakialam. IN FACT NAG EENJOY PA NGA SYA HAHAHA. Saka seriously, ano bang mapapala natin kung hindi tayo magpapatawad? Masaya 'yun, wala kang dalahin? Sapat na rin naman siguro 'yung alam nya ang kasalanan nya. May nagsabi sa akin, 'wag raw akong masungit dahil ang Langit na ang bahala. Kaya Good vibes!

Ano pa bang dapat ilabas? 'Yung mga unnecessary feelings natin para sa mga taong hindi naman tayo pinapansin. HAHAHA HUGOT! Oo nga, minsan may mabuting resulta kapag ipinaglalaban mo ang isang bagay pero isipin mo naman kung may maibubunga bang maganda. Maging futuristic ka rin. Minsan nangyayari na kung kelan ka sumuko, saka pa dumating yung pinakaaantay mo. Hindi ko naman sinasabing sumuko ka. Bakit, hindi ba pwedeng maghold ka duon pero mabuhay ka rin naman at bigyan ng kulay ang ibang aspeto ng buhay mo? Isipin mo rin kung masyado kang naghohold sa isang bagay. Minsan kasi nagsasayang nalang tayo ng oras. Kumbaga, ngayong bagong taon, BAKIT HINDI MO IWASAN ANG MGA BAGAY NA HINDI NAMAN MAKAKATULONG SA'YO? Teka bakit nga ba ulit ako napunta dito?

Mga hinanakit, dapat ring itae. KUMBAGA MAGMOVE ON NA TAYO! New year, new life! HAHAHA! 

Meron pang dapat itae. YUNG MGA BAD HABITS NATIN. Ngayong may oras ka pa, isipin mo kung ano ba yung mga maling bagay na nagawa mo at iwasan mo na 'yon pagdating ng susunod na taon. Hindi naman necessary na January 1 magsimula. Kakayanin mo namang magbago anytime mo gustuhin. Makakaya mong magbago agad. Disiplina lang, diba? Ano ba yung mga bagay na madalas mong ginagawa na wala namang nagiging tulong sayo at ubos oras pa? Wala namang masama kung magkakaroon tayo ng mga libangan pero minsan kasi.. nauubusan na ng oras yung mga importanteng bagay. Minsan kakawattpad mo nakakalimutan mo na yung mga assignments mo. Okay lang sana kung mabilis kang gumawa e. Okay pwede yung excuse pero PWEDE MO RIN NAMANG UNAHIN YUNG ASSIGNMENTS MO TUTAL NAMAN MABILIS KA LANG GUMAWA DIBA? Mas masayang magwaldas ng oras kung wala ka nang nakatenggang dapat gawin. 

Ano pa? Teka kanina ang dami kong aniisip tapos ngayon wala na! Kailangan rin nating ilabas itapon at burahin ang mga masasamang alaala. May nagsabi nga sa akin na masyado raw akong nabubuhay sa nakaraan ko. Tama sya pero may rason naman ako. Ikaw, may rason ka ba? HAHAHA

Hindi mo naman kailangang gawin komplikado ang mga bagay-bagay. Minsan okay lang na magsayang tayo ng oras, no? Pero minsan okay rin kasi yung may pagtutuunan ka ng pansin na mas magagandang mga bagay, like praising Him, making your life meaningful.. and etc! Oo, lahat naman tayo ay normal na mga tao. Hindi naman natin magagawang payapa ang mundo sa isang pitik lang pero saan ba nagsisimula ang mga malalaking bagay, sa maliit diba? HAHAHA! Kayo naman :> Minsan kasi masyado nating ginagawang komplikado ang mga bagay, bakit? Kasi ang dami nating dinadagdag, dinadala at iniisip na hindi naman kailangan.

Pasimplehin natin. Alam nyo naaamaze ako sa mga tao, specially sa mga lalaki, na kering-keri kahit sarili lang ang dala nila. Ako hindi ko kaya 'yun. Yung bag ko nga mas marami pa yung kaartehan ko kesa sa kailangan ko talaga. Ang resulta? Mabigat ang bag ko. Obserbahan din kasi natin. Minsan may mga dinadala tayong hindi naman na necessary. Oo, hindi natin mapepredict ang mangyayari pero ang nangyayari kasi minsan, masyado na nating pinahihirapan ang sarili natin. Minsan isang buong binder ang dala mo pero filler lang naman ang kailangan mo. 'Wag natin pahirapan ang mga sarili natin O-KAY?!

[EXTRA NALANG 'TO! SHARE SHARE!]

Dahil wala na akong masabing matino, ikekwento ko nalang BTS. Haha. De joke lang, may babanggitin lang ako na mula sa kanta nila. (FANGIRL RANT: LUPET TALAGA NILA GRABE NAKAKAMOVE NG SOUL!)

'Tomorrow, keep walking, we're too young to stop.

Tomorrow, open the door, we see too much to shut the door.

When the dark night passes, a bright morning will come

When tomorrow comes, the bright light will shine so don’t worry

This isn’t a stop but just a pause in your life for a break

Turn up your thumbs and press play so everyone can see' 

'Follow your dream like breaker

Even if it breaks down, oh better

Follow your dream like breaker

Even if it breaks down, don’t ever run backwards, never

Because the dawn right before the sun rises is the darkest

Even in the far future, never forget the you of right now

Wherever you are right now, you’re just taking a break

Don’t give up, you know

Don’t get too far away, tomorrow'

OKAY MAKES SENSE NAMAN DEBA? AHAHA Wala gusto ko lang ishare. Isa yan sa mga paborito kong kanta nila. Bakit? May isang sentence dun na sobrang naapektuhan ako.

'I HAVE A LONG WAY TO GO BUT WHY AM I RUNNING IN PLACE?'

Ciao~ 

ASDFGHJKL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon